Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok, excited yata akong harapin ang buong araw. Kahit na medyo bawas pogi points ako kahapon. Pagkababa ko pa lamang ng kusina ay naamoy ko na ang mabangong inihain ni Aleng Lucing sa lamesa. "Oh, hijo mukhang hindi ka nagpagising ngayon ah? Masarap ba ang tulog mo?" tatawa-tawa pang sabi ni inay, dahilan para matawa rin ako. Sandali kong inisip ang nangyari kahapon at pinaghugutan 'yon ng dahilan para lalong ngumiti. "Siyempre naman, nay! At saka p'wede na bang tikman 'to? Gutom na ako, e." Hinawakan ko ang aking tiyan at umarteng nagugutom na talaga. "Aba'y! Oo naman, hijo, para sa'yo naman talaga 'yan, e. Ikaw talagang bata ka, ay binata na pala." Si Aleng Lucing talaga ay hindi nawala ang pagiging bolera. Nang matapos akong kumain ay ma

