Travis POV Hindi ko akalaing magagawa ko 'yon, kahit na alam kong mahirap kalaban si Geofferson. Pero para sa kaibigan ko, gagawin ko ang alam kong tama. Naalala ko pa noong third year high school pa lamang kami. Flashback... Nakatambay ako no'n sa may parking lot ng school namin kahit na wala pa akong sariling sasakyan no'n dahil bagsak lang naman ako sa ilang academics ko. Madilim na ang paligid at tanging mga post lights at buwan lang ang nagbibigay ng liwanag habang nakasalpak ang earphone sa tainga ko. Nakasandal ako sa may poste ro'n nang bigla na lang akong may nakitang babaeng umiiyak. Hindi ako maawaing tao pero that time ay parang na-hypnotize niya ako para lapitan siya. At tila natigilan naman siya nang marinig niya ang hakbang ko. Doo'y isinusuksok niya sa kaniyang magkadik

