After two weeks.. Marami ang nangyari sa loob ng dalawang linggo. Sa awa ng diyos ay nakalabas na rin ng hospital si Brent. Dahil doon ay tinulungan niya kaming kumuha ng isang malakas na abogado para sa kaso ni Dad. Samantala ay hindi pa rin kami tumitigil sa pagpo-proktekta ni Geofferson sa Pamilya Llaneta, sa tulong na rin ni Brent. Masaya namin sinalubong ni Yaya Gina ang bagong taon at hindi ako nagsayang ng oras para dalawin si Dad sa kulungan, umaasa ako na magiging okay na rin ang lahat, dahil napatawad ko na siya at sana ay matauhan na rin si Mr. Prieto sa kaniyang kasamaan. At heto, kagaya nang nakasanayan ay balik eskwela na naman. Nakaka-excite pumasok kapag may inspirasyon ka. Kaya hindi maiiwasan na napapangiti ako sa mga estudyanteng nakasasalubong ko, pero.. wala akong ib

