Secret 5

2668 Words
"HI, ARYEN." Bati sa akin ni David nang mapadaan siya sa harapan ko. Tapos na kasi ang Sunday service at nakatayo ako sa may aisle habang naghihintay kay ate Clarice. Nag-uusap kasi sila ni kuya Grey pero hindi ko na pinansin. Wala na rin akong pakialam kung ano ang pinag-uusapan nila. Let's just say na naka-move on na ako kay kuya Grey. After two years I'm finally letting him go. As if naman naging akin talaga siya! Huehue. "Hi." Sagot ko naman kay David. Medyo mapakla yong ngiti ko kasi na-awkward ako sa kanya. Matagal-tagal na rin simula nong huli naming pagkikita. Ang last naming food trip ay yong sa Tadakuma pa. Three weeks ago na rin yon. Pinitik niya ang noo ko gamit ang daliri niya. Napa-aissh naman ako. Pero instead na magalit ako sa kanya ay tumawa nalang kami pareho. "Mag-usap tayo." Sabi niya. "Saan? Anong oras?" Tanong ko. "Dito. As in now na." "Dito?" Gulat kong tanong sabay lingon sa mga paligid namin. "Andaming tao. Nasa church pa tayo." "Eh, ano naman ngayon?" "Magugulat sila na nag-uusap tayo. Hindi naman tayo nag-uusap dito noon." Sabi ko sa kanya. Medyo concern ako sa mga sasabihin ng mga tao, praning nga ako di ba. Na-hot seat na kasi ako one time nina kuya Richard. Nalaman nila na nakikipagchat ako sa isang binata dito sa church via f*******:. Rodrigo ang pangalan niya. Hindi ko alam na may feelings pala sa akin si Rodrigo. Akala ko noon pakikipagkaibigan lang. Humantong yon sa point na kinausap ako ni kuya Richard. Tinanong niya ako kung anong meron sa aming dalawa ni Rodrigo. At sinabi ko naman na wala talaga. At dahil nga pareho kami ni Rodrigo na estudyante pa ay pinayuhan siya ni kuya Richard na mag-aral muna. Na tigilan na niya ang panunuyo sa akin. Hindi matanggap ni Rodrigo na bawal pa akong tumanggap ng manliligaw. Kaya naman after nun, hindi na siya bumalik. Tuluyan na siyang na-stumble. Hindi naman sa bawal ang panliligaw. Pero kung tweetums-tweetums lang ang habol ay mas mabuti ng wala kaysa kami ang masaktan in the end. Partly, I felt guilty na umalis siya sa church. Ako naman talaga ang dahilan kung bakit umalis siya. He blocked me too as his friend sa kanyang f*******:. At nahurt ako sa ginawa niyang yun. Hindi ko naman kasalanan na magkagusto siya sa akin. At dahil dun, praning na ako pagdating sa mga chismis at issues about love life. Kaya naman nang maging close kami ni David ay nagustuhan ko na rin yung setup na hindi kami nagpapansinan sa church. Ayokong mangyari sa amin yung nangyari sa amin ni Rodrigo. Although malabo namang mangyari yun kasi wala namang gusto sa akin si David. "Ang praning mo pa rin, promise." Kantiyaw niya. Sumimangot naman ako. "Oo na, praning na nga. Kaya ayaw mong sabihin sa akin na nagbabanda ka kasi praning ako." Sabi ko sa kanya at bigla siyang natahimik. "Hindi naman sa ganon." "Bakit di mo sinabi sa akin? Akala ko ba magkaibigan tayo." "Umupo ka nga muna, nakakapagod tingnan kang nakatayo." Sabi niya habang hinila ako sa may upuan. Tumabi naman siya sa akin. Napalingon ako sa mga tao kasi baka may mga asungot na sumulpot at kantiyawan kaming dalawa. Ayoko talaga sa mga ganoong bagay. "Yan ka na naman, tingin ng tingin. Wag mo kasi masyadong dibdibin ang comment ng mga tao." Ika niya. "Wala naman tayong ginagawang masama." Napabuntong-hininga na lamang ako sabay lingon sa kanya. Ngayon ko lang din napansin na ang gwapo pala ni David. Matangos ang kanyang ilong. Maputi ang kanyang balat, tisoy na tisoy ang dating. Tapos ang tangkad din niya kapag nakatayo, para bang basketbolista. Ang mga mata niya ay malambot kung makatingin, na para bang wala siyang problemang iniisip. Sa mata palang, ngumingiti na. Napaka-blessed naman ni Shey para magustuhan siya ni David. Wait. Ano ba tong pinag-iisip ko? Erase. Erase. "Ah kasi..." Panimula ko. "Anong ginagawa ko sa bar na yun that night? Yun ba ang gusto mong sabihin?" "Alam mo naman pala!" Bigla kong hiyaw. "Kung sinagot mo kasi yung mga tawag ko, hindi hahantong na iiwasan mo ako. Eh kasi naman, Aryen, ganito yun," "Wait! Wag ka nang mag-explain. Alam ko na kung bakit, David. Inexplain na sa akin ni kuya Grey." Pagpipigil ko sa kanya at bigla nalang umasim yong mukha niya. Di ko naman maintindihan kung bakit. "Si kuya Grey na naman? Sa kanya ka lumapit at hindi sa akin?" "Sssh, wag naman masyadong malakas!" Sabi ko. Buti nalang at wala na masyadong mga tao. Lunch time na kasi kaya nagsiuwian na yung ilan. Ang iba naman ay babalik mamaya for bonding moments. "Sa akin ka may problema, Aryen, hindi kay kuya Grey. Sana ako yung una mong nilapitan para maexplain ko sayo, hindi yung ibang tao ang mageexplain para sa akin." Bigla niyang sabi at para akong ibon na hindi makalipad. Kasi naman may point siya dun. Nagi-guilty na tuloy ako. "Galit ka ba?" Tanong ko. "Hindi ako galit." Ika niya pero malalim ang buntong-hininga nito. "Pero hindi ko nagustuhan na si kuya Grey yung nilapitan mo, at hindi ako." "Natatakot kasi akong makausap ka." "Dahil hinusgahan mo na ako agad, ganun. Sa tagal nating magkaibigan, ngayon ka pa ba matatakot sa akin? Akala ko ba magbestfriends tayo?" "Yun na nga, David eh! Akala ko ba magkaibigan tayo? Pero bakit di mo man lang sinabi sa akin na sumasali ka pala sa mga gigs na yan? Na may banda ka pala? Na kaya mo ginagawa yun ay dahil gusto mong maging light in the dark?" YUN OH. Labas lahat ng hinanakit ni ate! "Paano ko naman masisingit, lagi kang Grey dito, Grey doon. Isa pa, alam ng lahat about sa gigs ko. At alam kong hindi mo pa alam, pero hindi ko masabi-sabi sayo kasi nga pakiramdam ko hindi mo naman kailangang malaman." "Ah ganon? Di ko kailangang malaman?" Sabi ko habang napailing sa ulo. "Well, sa bagay, hindi naman ako si Shey. Sorry ha, kaibigan lang pala ako at hindi ko kailangang malaman ang lahat tungkol sayo." "Hala, unforgiveness is a sin!" Sabi niya at napairap na lang ako. Hindi na lang ako umimik. Nabother ata siya sa pananahimik ko kaya nagsalita siya ulit. "Wag ka nang magtampo, ang pangit mong tingnan kapag ganyan ka." "Alam ko, pero mas pangit ka." "Okay lang, basta wag ka nang magtampo, masama yan." "Ewan ko sayo." "David!" May biglang tumawag sa kanya at sabay kaming napalingon. Si Shey pala. Sa dami-dami ng pagkakataon, talagang ngayon pa talaga siya eeksena noh? Shocks naman. Napa-good timing niya today. Promise. "Oh, bakit Shey?" Tanong ni David pero nakatayo na siya. Ang bilis, a! Maganda si Shey. Matangkad din ito. Sa katunayan, halos magkasing-taas lang sila ni David. Medyo curly ang itim na buhok ni Shey, mahaba ito hanggang sa kanyang beywang. Kung sa physical na anyo lang ay meron na man akong laban kay Shey. Kaso mas lamang pa rin siya kasi kasama niya si David sa music team. Wala akong laban kasi nga magaling na mang-aawit si Shey. Yon pa naman ang isa sa mga woman qualities na hinahanap ni David. Ang kantang ABCD nga lang eh sintonado na ako, worship songs pa kaya? "Pinapatawag ka ni kuya Grey. Sabay daw mag lunch ang music team ngayon." Sagot ni Shey. Ngumiti siya nang sumagi sa akin ang kanyang mga paningin. Ewan ko lang ha, pero feeling ko may something sa smile niya. Yun bang tipong gusto mong ngumiti, pero na-aawkward ka? "Ah, ganon ba, manlilibre ba kamo siya? Haha." Pahapyaw na tawa ni David saka siya lumingon sa akin at nagsabi, "Maiwan na muna kita Aryen, wait, nag lunch ka na ba?" "Hindi pa. Pero sasabay ako kay ate Clarice." Sagot ko bago pa niya ako yayaing sumabay mag lunch. As if naman papayag ako na kasama si Shey. Teka, bakit ba ang bitter ko ata kay Shey ngayon? "Ikaw ang bahala." Sabi ni David. "Sige Aryen, mauna na kami sayo." Sabi ni Shey. Oo. Umalis ka na, dali! Napatingin na lang ako sa likod nila. How sweet! Hanggang sa mapansin ko na hindi na pala maganda ang nararamdaman ng puso ko. Bakit naman ganon? Change of hearts lang ang drama? Wag naman sana. Dahil hindi ata maganda ang kahahantungan. ARYEN, andito na kami ni Marcela sa labas ng church niyo. Text sa akin ni Nikoli. Ramdam ko ang biglang pagtalon ng puso ko, joke lang. Hindi naman tumatalon ang puso, di ba. Huehue. Kababasa ko pa lang sa text ni Nikoli ay agad na akong tumakbo palabas. Tumakbo ako na para bang walang preno. Muntikan ko pa ngang mabunggo si ate Jane. "Sorry, ate Jane! Nagmamadali lang!" Sigaw ko sa kanya saka kumaripas ng takbo palabas ng church. Tumingin-tingin ako sa paligid nang makalabas na ako hanggang sa makita ko ang spiky orange hair ni Nikoli. Nakatayo sila ni Marcela sa di kalayuan. "Nikoli! Marcela!" Masaya kong sigaw habang patakbo sa kanila. Sabado kasi, walang pasok at hindi lang yun, sasali na sa Bible study ang mga kaibigan ko! Noong first Saturday kasi ay hindi ko natext si Marcela dahil nag-eemote ako non kay David. Tapos last Saturday naman, nabusy kaming tatlo sa school project kaya ipinagliban muna namin ang supposedly Bible study. Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko si Marcela. "Di naman halatang tuwang-tuwa ka, ano?" Panimula ni Marcela habang niyayakap ko siya. Sinapak ko naman si Nikoli ng pagkalakas-lakas. "Aray! Akala ko ba Bible study pupuntahan natin, bakit naging boxing?" Angal ni Nikoli. "Hindi naman kita pwedeng ihug, kaya sapak na lang!" Sabi ko. Inanyaya ko na sila papasok sa loob ng church at medyo na-awkward sila bigla. Sina kuya Richard ang nagha-handle sa Bible study namin, kaya naman agad ko na silang ipinakilala pagdating sa loob. Hindi namin hawak ang mga puso at desisyon nila Marcela, pero pagdating sa mga ganitong bagay alam kong si Lord na mismo ang mag-oorganisa sa lahat. With our own might we can do nothing. But with God anything is possible. Wala bang amen dyan? Huehue. Sana tatagos sa puso nila Nikoli at Marcela ang Bible study namin today. At kung hindi man ngayon, meron pa namang bukas. Kaya lang, life is short. So folks, better be assured. Alas singko na ng gabi natapos ang Bible study namin kina kuya Richard. So far, maganda naman ang comment ni Marcela. Ewan ko lang kay Nikoli kasi hindi naman siya umiimik masyado kahit ilang beses ko siyang tinanong kong okay lang ba o hindi. Hindi naman kasi relihiyoso si Nikoli, at kahit katoliko siya ay di rin naman siya nagsisimba. Buti nga at naisipan niyang sumama eh, kahit alam kong partly no choice na siya kasi sasali na rin si Marcela. Eh ayaw niyang ma-left behind sa tropa! Naunang umuwi sina Marcela at di na ako sumabay. Nagtext kasi si David na manlilibre siya ng dinner. Palalagpasin ko ba yon? Food na eh! So syempre hindi. Isa pa, mukhang meron pa ata kaming "pag-uusap" part two. Hindi naman niya sinabi kung ano, basta mag-uusap lang daw kami habang kakain. Hindi ko sinabi kay kuya Richard na magkikita kami ni David pagkatapos ng Bible study. Tiyak hindi papayag yun. At kahit sabihin ko na friendly date lang ay baka ma-misunderstand na naman nila kagaya nong dati. Isa pa, umuwi agad si kuya Richard kasi naiwan si ate Lorice sa bahay nila. May sakit kasi ang anak nilang si Jonathan. Kaya heto, naiwan akong nakaupo sa may lobby habang naghihintay sa text ni David. Sabi niya magtetext siya after ng work niya. Supervisor kasi si David sa isang Manufactoring Company. Pero magda-dalawang buwan pa lang siya don. Normally, 6PM out na siya sa work niya. 6:30PM na lang pero hindi pa rin siya nagtetext. "Aryen? Bakit andito ka pa?" Ang lalim ata ng iniisip ko kasi di ko napansin na nakatayo na pala si kuya Grey sa harapan ko. Napataas ako ng mukha saka ngumiti. "Meron kasi akong hinihintay kuya Grey." Sabi ko. "Magko-close na ba ang church?" "May nagme-meeting pa sa loob, pero ako ang magsasara. Sino ba ang hinihintay mo?" Umupo na lang siya sa tabi ko. Wala na talaga akong kilig moments pagdating kay kuya Grey recently. Ewan ko ba. Manhid na yata ako. Di ko lang malaman kung kailan nagsimula. "Si David." Sabi ko. Alangan namang magsinungaling ako? Tapos galing pa ako sa Bible study. Mahiya naman ako pag ganun. Napabuntong-hininga si kuya Grey. Gusto ko sanang tanungin kung bakit pero naisipan kong wag na lang. "Magkikita na naman kayo?" Biglang namilog ang mga mata ko. "Alam mong nagkikita kami?" Tumango si kuya Grey. Pakiramdam ko binetray ako ni David. May sinabihan na pala siya. Akala ko secret lang muna. "Sinabi niya sayo?" Mahina kong tanong. "Hindi niya sinabi. Pero nakita ko kayo one time sa Gui-Gui restaurant na magkasama. No comment lang ako nun. Pero noong nagkita tayo sa mall last time ay ramdam ko na si David yung kaibigan na kikitain mo." Sagot ni kuya Grey at bigla na naman akong nalinawagan. Ayan na naman. I feel guilty kasi hinusgahan ko na naman si David ng betrayal. Kahit wala naman talagang betrayal. Praning talaga ako! "Ah, ganon ba." Sambit ko. "Alam ba ni kuya Richard at ate Lorice yan?" Umiling ako. "Eh, alam ba ni Clarice yan?" Umiling na naman ako. This time, ang bigat-bigat ng ulo ko. Pati ata ang mga balikat ko ang bigat-bigat na rin. Ganon pala kapag may ginagawa kang palihim, nakakabigat pala sa pakiramdam? Kahit wala naman kayong ginagawang masama. "Pag nalaman nilang nagkikita kami ni David magiging issue na naman yan." Sabi ko. "Talagang ganon ang mangyayari, Aryen. Lalo na kapag ibang tao ang makakakita sa inyo. Babae ka, lalake naman si David. Sinabi ba ni David kung ano ang purpose niya sa pagkikita nyo?" "Gusto lang naman niya ng food buddy at kausap." "Pumayag ka naman?" "Eh, mag bestfriends kami eh." "Hindi ako kumbinsido. Hindi ka naman niya yayain ng kain sa labas kung walang something." Sabi ni kuya Grey at kahit gusto kong paniwalaan ang sabi niya ay parang mahirap pa ring paniwalaan. Kasi alam ko mismo sa sarili ko na si Shey talaga ang gusto ni David. "Wala naman talagang something kuya Grey." Diin ko. "Aryen, I'm a guy. I know better than you not because I'm older, but because David and I are both men. Kaya alam ko ang mga ganyang moves." "May iba naman siyang gusto." "Mas lalong hindi ka niya dapat dini-date!" "Hindi naman date ang ginagawa namin, food trip lang naman." Hala sige Aryen, explain pa more. Defensive much ka na masyado. To think na kay kuya Grey pa mismo! "Wag mong hintayin na mahulog ang loob mo sa kanya, Aryen. Babae ka at malambot ang puso niyo." Sagot naman sa akin ni kuya Grey. Dun ako natigilan. "Kakausapin ko ang David na yan. Alam naman niyang inaalagaan ang mga babae, hindi tine-take advantage." Napatayo ako bigla. "Wag kuya Grey! Wala namang something sa amin para pagsabihan mo siya ng ganyan!" "Pero kapag nagpatuloy siyang ganyan sayo, di na maganda. Nasa worship team pa naman siya. Kung may gusto siyang iba, wag ka niyang bigyan ng hint para umasa. At kung gusto ka niya, dapat matagal na niyang sinabihan sina kuya Richard. Magpadaan siya sa process kumbaga. Hindi yong nag-uunderground siya." "Wala naman talaga kuya." Medyo worried na ang boses ko. Ayaw ko talagang maulit yong nangyari sa amin ni Rodigro. Pag nagkataon kasi ay baka layuan din ako ni David bilang kaibigan. Ayokong mangyari yun. "Puwes." Sambit ni kuya Grey sabay tayo. "Sasama ako sa inyo." "Ho?" "Sasamahan kita sa pagkikita niyo tonight. Hindi pwedeng kayong dalawa lang." "Pero—" "Wala ng pero-pero. San ba kayo magkikita? I'll go with you whether you like it or not." Huhu. Naku lagot! Sa dami-daming tao, bakit si kuya Grey pa? Itext ko kaya si David? Ah, bahala na! "Sa Ninety Buffet po kuya Grey." Tanging sagot ko. Sana bukas na lang ang ngayon!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD