SALVI DEL FABIAN ONE HOUR… TWO HOURS… THREE HOURS… FOR PETE SAKE! Gusto na niyang mag-alburuto sa inis dahil sa babaeng makapal ang mukha. Talagang hindi ito umalis sa Room nila. Tinotoo nitong mag-stay kasama ang nobyo niya na nakikipagtawanan. Nanonood sila ng movie na hindi niya maintindihan dahil ang atensyon niya ay murder-in ang babaeng nasa tabi ni Sebastian. Hanggang ngayon, malapit ng magtanghali ay wala talagang balak itong umalis. Wala na siya sa mood na makasama ang pesteng asungot na si Ysonia. Siguro, may balak itong manirahan dito sa Villa nila? Napabuga siya ng hininga at tumayo na para magluto na lang ng pagkain nilang dalawa ni Sebastian. Oo, para lang sa kanilang dalawa ni Sebastian at wala siyang planong isali ang babae. Sampid lang naman ito at asungot sa kanila n

