"hindi kaba talaga sasama belle?" Tanong ni ava.
"Hindi ko alam, ang dami ko pang kailangan tapusin na designs," sagot ko habang nag aayos ng lamesa. "Naghahanda rin ako para sa gaganapin na meeting this saturday." Patuloy ko habang inilalagay ang mga papel sa drawer ng table ko.
"Ano kaba? alam naman nating lahat ng design mo ang mapipili don eh," sagot naman ni liam, my gay friend. "Duh?! You're one of the best architects here. You'll definitely get that project." Maarteng dugtong niya.
"For sure yan 'no. Come on, belle. Give yourself a break. Masiyado kang masipag." Pangungulit ni ava.
Tinutulongan nila akong ayusin ang mga papers sa table ko.
"I just don't want to disappoint my clients. And i badly needed that project." I put the remaining papers on the side of my table.
"I don't know about you, you're so hardworking. You should relax sometimes too." si ava.
Naglalakad na kami ngayon patungong elevator. It's already 10 in the evening. It's late tapos ngayon pa nila naisip mag club.
"I need money. And i love working." I answered.
Pumasok kami sa elevator at pinindot ang ground floor.
"I understand you. But don't tire yourself too much, you also need to rest or relax sometimes." sabat naman ni liam.
"Nagpapahinga naman ako. And is your definition of rest drinking alcohol?" I asked.
"Of course not. But alcohol can help you relax or sleep more soundly."Si ava na naman.
"We won't stay there until 12 because I know we have work tomorrow, and besides, we won't get drunk." Si liam.
Bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng elevator at naglakad palabas para makahanap ng taxi.
"Come on, Belle. Minsan lang ito. We don't know when we'll have the next chance to relax because we're so busy with work. At ngayon na tayo mag celebrate ng birthday mo, we can't do it tomorrow because after tomorrow, we'll have a lot of things to do again." Umangkla ang dalawang braso ni ava sa braso ko.
"Come on, belle. Ngayon lang," si liam. Humawak sa kabilang braso ko.
Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan nila.
"Hindi tayo aabutin ng 12 ok?" I asked them.
"Sure," napangisi si ava.
Sa car ni liam kami sumakay. Ayos naman 'tong suot ko. Blazer na may malambot na tela na sumasabay sa galaw ng aking katawan. Sa ilalim ng blazer, isang body-hugging na blouse na nagpapakita ng aking mga kurba. High-waisted na pantalon na nagbibigay ng haba sa aking mga binti. I partnered it with my favourite stilettos heels. Ang buhok ko ay nakaayos ngunit may natural na pagka messy, nagbibigay ng effortless chic na dating.
When we arrived, we immediately entered the club. The noise inside greeted us, along with the distinct smell of the club. Hindi naman mabaho, but I didn't like this smell. I couldn't identify the scent, but it was dizzying.
I felt dizzy even before drinking. I don't often go to clubs; I only get in when I'm with Liam or Ava.
I just followed them hanggang sa marating namin ang isang mahaba na couch. Walang nakaupo so i assume na this is our table. Ava and liam ordered three different kinds of alcohol.
Pinanood kong buksan ni ava ang isang bote ng alak at sinalinan ang tatlong baso. Binigay sakin ang isa.
"Akala koba hindi maglalasing? Bakit ang daming alak?" Tanong ko.
"Hindi naman uubusin?" Hindi siguradong sagot ni liam.
Inismiran ko lang siya at nilagok ang alak sa basong hawak. Ganon din ang ginawa ni liam at ava. Nagsalin ulit ng alak si ava sa mga baso namin. Nagtuloy tuloy ang ganon hanggang sa maubos namin ang dalawang bote. Hindi ko alam kung naka ilang baso ako pero nahihilo na ako.
"Let's go to the dance floor," aya ni ava habang hinihila si liam.
"Let's go belle. Oh my gosh! I'm so excited na may lumapit sa akin na hottie!" Malanding sabi ni liam. He giggled.
"Sunod ako," i told them. Sinandal ko ang ulo ko sa couch. My god! Ang baba talaga ng alcohol tolerance ko, ang bilis ko mahilo.
I closed my eyes. Narinig ko silang umalis pero hindi ko binuksan ang mga mata ko. I stayed like that for almost half an hour.
I opened my eyes when i felt like someone is staring at me. Nilibot ko ang mga mata ko hanggang sa napadpad ito sa madilim na bahagi ng itaas. Someone's standing there, hindi ko man siya nakikita dahil natatakpan ng dilim ang pwesto niya but i know na sa akin nakapako ang mga mata niya.
I don't know why, but my heart is beating faster. Biglang sumakit at sumikip ang dibdib ko, para bang binubulong nito na that man standing there is the man I miss the most.
Napatayo ako, hindi tinatanggal ang mga mata sa lakaki. Tumalikod siya at naglakad palayo. My heart is whispering to follow him but I can't move my feet.
Nawala siya sa paningin ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa lakas ng kabog neto. Nanginig ang mga tuhod ko at napaupo bigla. Sa isang tao lang nag rereact ng ganito ang puso ko, pero imposible na siya yon kasi alam kong wala siya dito. He's probably happily living his life there. He probably forgot about me. He probably forgot that i was once part of his life.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Pinunasan ko ito ng makita si liam at ava na papalapit na sakin. Biglang nawala ang pagkahilo ko. Umupo sila katabi ko.
"Akala koba susunod ka?" Tanong ni ava. Binuksan niya ang natitirang isang bote ng alak sa mesa namin.
"Sayang belle, ang daming hottie sa dance floor. Babalik ako mamaya, sasama kita," napatili si liam sabay palo sa braso ko.
Hindi ako makasagot at mediyo natutulala pa sa nangyari. Binigyan kami ni ava ng tag isang baso ni liam.
"Happy birthday, belle. Cheers!" Sigaw niya habang pinagdidikit at pinapatunong ang aming mga baso.
Pinanood ko siyang ilagok ang alak sa baso niya. Ganoon din si liam.
"Tulala ka? Aysus gulat kaba sa mga nakikita mong hottie?" Tumawa pa si liam. "I can't blame you. Tingin pa lang ulam na," nagtawanan sila ni ava. Hindi ako makasabay, iniisip ko yung lalaki kanina.
They have the same body built. Mas matangkad lang yung lalaki na nakita ko kanina pero... Napabuntong hininga ako, hindi kona dapat iniisip payan.
Uminom lang kami ng uminom hanggang sa maubos ang natitirang bote sa table namin. Bumalik lang ang hilo ko letche.
After maubos lahat ng alak, hinatak na ako agad ni liam patungong dance floor kahit hindi pa ako pumapayag. Halos madapa dapa ako sa bilis ng lakad niya, idagdag pang nahihilo na ako.
Pumwesto sila sa mismong gitna ng dance floor. Habang pinapanood sila at lahat ng sumasayaw mas lalo akong nahilo. Halos masuka ako sa gitna. Hinatak ako ni ava sa tabi niya. Sumayaw siya sa gilid ko.
"Dance belle, mawawala hilo mo," sigaw niya sa tenga ko. Napatakip ako sa tenga sa lakas ng sigaw niya.
Tinawanan niya ako. Sa lakas ng music dito kailangan talagang sumigaw para magkarinigan.
Nakahawak si ava sa braso ni liam habang gumigiling. Napapaindak ako sa music, hindi ko alam kung dahil ba sa alak 'to pero nawalan na ako ng hiya at nagsimulang gumiling.
Tinaas ko ang dalawang kamay sa ibabaw ng ulo ko pababa sa katawan habang gumigiling. Tinabihan ako ni ava sa kanan at sa kaliwa naman si liam, sabay sabay kaming sumayaw sa gitna ng dance floor.
Para akong nakalutang habang sumasayaw, sumasabay sa indak ng musika. Ang aking mga hakbang ay marahan at sensuwal, habang sa ibang pagkakataon ay mapang akit at mapangahas. Ang galaw ko ay pinaghalong pagiging mapusok at mapang akit. sa bawat pag ikot at pag indak ng aking katawan nagbibigay ng bagong kahulugan sa salitang 'hot'.
Habang sumasayaw napataas ang tingin ko sa itaas na parte ng club kung saan makikita mula sa itaas ang mga sumasayaw dito sa ibaba. Nahagip ng tingin ko yung lalaki kanina, andon ulit siya sa dating pwesto kung saan hindi siya masiyadong kita dahil sa dilim. Saglit ko siyang tinitigan pero naipikit din ang mga mata dahil sa hilo.
Natapos ang music, natapos din ang pagsasayaw namin sa gitna. Hinila ako ni ava pabalik sa table namin. Hilong hilo ako kaya naibagsak ko ang katawan sa couch at sinandal ang ulo.
"Paano yan?" Si liam. Hindi ko dinilat ang mga mata ko dahil nahihilo pa.
"Sa condo ko na lang." Problemadong sagot ni ava.
Tumawa si liam. "Paano ang plano mong mag uwi ng lalaki sa condo mo?"
"Sayang naman ava ang daming gwapo at hottie ngayon," tawang tawa si liam.
"Edi sa'yo muna si belle?"
"Ano ka? Paano naman ang plano ko," baklang bakla na sagot ni liam.
"Iwan na kaya natin 'to? Sabi walang maglalasing pero siya 'tong bagsak."
"Gaga!" They both laughed.
Hindi ko alam paano at anong oras na kami nakauwi ni ava sa condo niya. Hinatid kami ni liam. Kahit sa sasakyan ay nakapikit lang ako, nahihilo parin. Hindi ko na alam paano ako naipasok sa condo ni ava dahil hindi ko namalayan nakatulog na ako sa sasakyan pa lang.
Nagising ako ng ibaba sa malambot na kama. Habang nakahiga, hindi ko maiwasan mag isip at pakiramdaman ang sarili ko. Ang sakit ng puso ko. Ang sakit lahat ng parte ng katawan ko. Pagod na pagod ako. Hanggang kailan matatapos ito?
Ang hirap magpanggap na masaya. Ang hirap magpanggap na ok lang, ang hirap magpanggap na kaya ko pa kahit ang totoo durog na durog na ako, pagod na pagod na ako.
I miss them. I miss them so f*****g much.
Ang laki siguro ng galit ng mundo sa akin para maranasan ko ang lahat ng ito. Siguro ang sama sama ko sa past life ko.
Naalala ko yung lalaki kanina sa club. Naalala ko sa kanya yung taong gustong gusto kong makita at makasama sa mga oras pagod na pagod ako. Sa mga oras na gusto ko ng sumuko. Sa mga oras na hindi kona kaya.
I was the one who pushed him away, but I was the one who suffered. I want to regret it, but I can't. I want to go back to the past and tell him not to leave because I needed him during those times. But if I could turn back time, I would still push him away because I know that's the right thing to do, and I want him to fulfill all his dreams.
Natupad mo na lahat ng pangarap mo, pwede bang bumalik kana? Kahit isang sulyap lang, kahit makita lang kita ok na ako don.
I know you're happy with your life now. I'm happy for you too, pero hindi ko maiwasan na masaktan kapag naiisip kong masaya ka kahit wala ako, habang ako lugmok parin sa paglisan mo.
Pinunasan ko ang luha kong tuloy tuloy sa pagdaloy.
I want to see you, but God knows how much I want to forget you. I want to forget you, I want to move on.
I have only one wish for my birthday. I want to move on.
Gusto na kitang makalimutan, gusto ko ng umusad pero bakit ang hirap hirap?
I want to be happy even without you. I want to be okay. I want to move on like you did.
I want to forget the pain. I want to forget you, ethan. Please help me.
-------------------------------------------------------------------------------------
How can one find happiness without sacrificing too much or getting hurt?
By practicing self-awareness, setting boundaries, and prioritizing your own well-being, you can find happiness without compromising too much or risking getting hurt.
Love yourself mga sweeties ♥️