Quevin's Point of View Naiinis ako ngayon dahil sa nalaman ko. Nagkaroon na naman ng pagtatalo si Claire at ang magiging asawa nito. Gusto ko silang puntahan pero nagdadalawang isip ako. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Baka mapatay ko pa ang lalaking iyon. "Ivan!" Sigaw ko sa phone ng sinagot ng kaibigan ko ito. " What's uo bro. Anong mayroon? Dis oras ng gabi napatawag ka." Mahinahon naman sagot nito sa akin, hindi niya man lang pinansin ang pagsigaw ko. Siguro ay sanay na siya. "Magpadala ka ng taong sasapak kay Mickey Reyes!" " Hahahaha, ipapatay mo ba ang magiging asawa ng ex mo para bumalik siya sa iyo?" Natatawa nitong sagot. "Hindi pa ako gano'n kadispirado. Kung gusto ko siyang patayin. Ako mismo ang gagawa! Gusto ko lang magpadala ka ng taong magpapatigil sa pananakit n

