R-18 Anastasha's Point of View Nagising ako na mabigat ang mga kalamnan at masakit ang gitnang bahagi ng katawan. Sanay na ako sa ganito kaya kahit pikit pa ay nag-inat na lang ako. Bagaman madalas na ako dito, nagulat pa rin ako nang ilibot ko ang aking paningin. Wala ako sa sariling kwarto ngayon, nandito ako sa isang maganda, magarbo at malambot na sofa. Sofa pa lang ito pero tinalo pa nito ang lambot ng aking kama sa bahay. Bumalik sa akin ang nangyari kagabi. “Naging driver nga pala ako ng isang lasing na lalaking nakakainis minsan at nagngangalang Quevin.” pagka-usap ko pa sa aking sarili. Hindi talaga ako sanay mag-drive dahil kailan lang noong ako ay matuto, pero para hindi na lang niya malait pa ang tinutuluyan ko ay hinatid ko na siya sa condo unit niya. Tiningnan ko an

