Anastasia’s Point of View “Keneth, hmm. Hindi mo naman kailangan gawin ‘to. Pwede naman akong umuwi na lang sa amin kung hindi mo na ako tatanggapin sa barr mo.” Nahihiya kong suhesyon kay Kenneth. “Napagusapan na natin ito ng madaming bese. Paano kung magalit ang mga magulang mo, masaktan ka nila edi nadamay ang bata. Alam nating pareho na wala siyang kasalanan. Kung gusto mo talagang umuwi sa inyo hayaan mo akong harapin ang tatay niyan at iharap mo sa magulang mo. Hindi naman sa inaano kita, ayoko lang magsinungaling sa magulang mo kung ako ang ipapakilala mo. Ayokong masama ang impresyon nila sa akin.” “Ganoon din naman ang gagawin mo kung ipapakilala mo ako sa Mama mo. Magsisinungaling ka pa din.” Mabilis kong sagot sa kaniya. “Kilala ko si Mama, ang magulang mo kilala mo din

