Kabanata 1 Simula

1698 Words
R-18 “Ma, hindi niyo na ako kailangang ihatid. Walang kasama si Lola dito, oh. Magpapadala po agad ako kapag may nahanap nang trabaho.” bilin ko. "Napaka-ambisyosa mo kasing bata ka. Kumakain naman tayo ng higit sa tat-” "Tatlong beses sa isang araw. May sarili naman tayong lupa na inaasahan sa araw-araw. Ma, naman. Nakasampung ulit ka na po. Alam niyo naman po ang pangarap ko, ang makatungtong sa Maynila at mag-enjoy sa buhay siyudad.” litanya ko kay Mama. "Ihahatid kita–" “‘Wag na po. Kaya ko pong mag commute. Si Lola, walang kasama at isa pa, sayang lang sa gasolina, pwede niyo pa yan magamit kung gustuhin niyong mamasyal sa palayan.” "Ikaw talagang bata ka, patapusin mo nga ako! Ka-hilig hilig mong sumagot, baka mamaya niyan ay mapahamak ka sa ugali mong iyan ha.” sermon nito sa'kin. “Alam ko naman po ang limitasyon ko, Mama. Mahal rin po kita.” wika ko na lang rito para tumigil na siya. Hinalikan ko ang kaniyang pisngi at binigyan siya nang isang mahigpit na yakap. "Bye, Lola. Mauuna na po ang maganda mong apo!" kay Lola naman ako nagpaalam. Naglakad na ako palabas. Bago ako makalampas nang tuluyan sa aming tarangkahan ay lumingon ako muli at binigyan sila ng huling ngiti at kaway. Ipinapangako kong babalik ako rito baon ang mga masasayang alaala at ang pera na higit na sa sapat. Bukod sa maliit na bag, may dala rin akong isang maliit na maleta na laman ang mga damit ko at ilang gamit. Balak kong doon na bilhin ang iba dahil may trabaho naman ako doon. Bago pa ako umalis sa aming nayon, nag-apply na ako ng trabaho sa Maynila. Natanggap ako bilang waitress sa isang bar, tinanggap ko na ang oportunidad na ito sa kabila nang pagtutol ng aking pamilya. May pinag-aralan naman ako at nakapagtapos sa kursong may kinalaman sa agrikultura, ngunit ang kalimitang hinahanap ng mga kumpanya sa siyudad ay mga taong mataas ang kaalaman sa ekonomiya at teknolohiya na siyang sentro ng mga industriya sa bansa. Kahit may pinag-aralan ako, hindi ito naging sapat para tanggapin dahil sa taas ng standards na kinakailangan nila sa isang empleyado. The prejudices that they throw to those who lived outside their common norms is sickening. It became a liability to me that also heightened my will to set foot in the city. Kaya tinanggap ko na lang ang unang trabahong inalok sa'kin kahit hindi alam ng mga magulang ko. Malaki ang pagtutol nila nang malaman nilang lilisanin ko ang aming pamumuhay sa probinsya dahil sa kagustuhan kong mag trabaho sa Maynila. May sarili naman kaming kaming kabuhayan, may maliit kaming farm at nagrerenta ng may tatlong ektaryang palayan na sumasapat pangtustos sa aming araw-araw na pangangailangan. Ngunit kahit bata pa lang, alam kong mas mataas ang pangarap ko sa sapat. Ito’y pangarap ko hindi lamang para sa aking sarili ngunit para sa kanila rin. Ang matataas na building, abot kamay na mga idolo, mga lugar na pasyalan, magaang pamumuhay gamit ang mga makabagong kagamitan, at ang mas mataas na sweldo, ilan lamang ‘yan sa mga nasa utak kong makakamit ko sa Maynila. Itinuturing ko itong paraiso na sasagip at kakanlong sa akin anumang oras na ito'y aking kailanganin. Excited na talaga akong makamit ang pangarap kong ito. Nakasakay na ako sa bus, kinakalikot ko ang naipundar kong cellphone upang hindi ako mabagot sa haba ng biyahe. Nang kinasawaan ko na ang mag scroll sa sss, naisipan kong manood na lamang ng pelikula. Isang matured movie ang napili ko kaya’t nagsuot ako ng earphone at sinalpak sa tainga. Naka-anti spy na tempered glass naman ako kaya todo ako panood ng ganito. This is one of my hobbies, reading and watching pieces with intense matured content. For me, it taught me more life lessons that are more valuable than the normalcy of any ordinary book and movie can give. These kind opens me up to the reality and cruelty of this world, so I enjoy its company. Nakakalahati na ako sa pelikula nang magulat ako sa biglaang pagtanggal ng isang earphone ko mula sa aking tainga. "Maari bang hinaan mo ang pinapanuod mo? Tsaka ‘wag ka dito manood sa bus ng mga ganiyan." bulong sa akin ng katabi kong lalaki. "Problema mo?" mariin kong wika. Bakas sa aking boses na hindi ako natutuwa sa ginawa at pangingialam niya. "Alam kong masarap manuod niyan pero wa– "Ewan ko sa'yo. Pakialamero." putol ko sa nais niyang sabihin at isinuot na muli ang earphone. Nagpatugtog na lang ako ng music at iidlip sana ngunit napansin ko sa bintanang nasa Cubao na pala kami. Dito ang destinasyon ko. Tama, hindi ako sa Tondo o sa pinaka sentro ng Maynila naghanap ng mauupahan at nakahanap ng trabaho. Nakarating ako sa contact kong landlady at kakilala ng dati kong kaklase. Maliit lang ang nakuha kong bahay which is tama lang rin naman sa'kin dahil mag-isa lang ako. "Ito ang uupahan mo, bukod sa bawal ang mga hayop, wala naman nang iba pang ipinagbabawal. Basta magbayad ka ng sapat at nasa tamang oras monthly, wala tayong magiging problema. Nakukuha mo ba? Oh, ito ang susi.” mahabang litanya ng landlay na nagpakilalang si Manang Lucy. Mukha rin siyang mabait, kaya palagay ang loob kong makakasundo ko siya. Inabot ko na rin sa kaniya ang bayad ko for two months. "Matanong ko hija, ano palang trabaho– "Call center po ang in-applyan ko" mabilis kong sagot. Ayon kasi sa mga nabasa at napanood ko, madaling husgahan ng isang tao kapag nalaman nilang nagtatrabaho ka sa isang bar. Marangal man ang makukuha mong trabaho, sa mata at paningin nila, ang lahat ng trabaho roon ay madumi at hindi katanggap-tanggap. Lalo na kapag ito ay babae, pokpok o hindi kaya’y kaladkarin agad ang kanilang tingin sa mga ito. Hindi naman ganoon ang trabahong ipinaliwanag sa aking papasukan ko. Taga serve daw ng drinks at snacks raw ang duty ko, kasama na roon ang pag-assist sa mga simpleng kailangan ng customer. Mula 10 PM hanggang 6 AM ang orasng trabaho ko, kasama na roon ang paglilinis ng bar. Nang mag-alas singko ng hapon, natapos ko nang linisin at i-arrange ang provided na kagamitan dito ayon sa gusto ko. Mayamaya, nakita kong tumatawag pala ang may-ari ng bar na aking papasukan. “Yes po. Nandito na po ako. Mamayang gabi po agad? Ang bilis naman po. Ay hindi po! Hindi po sa ganoon. Hehe, salamat po! Darating po ako agad diyan bago ang shift ko.” mukhang mabait base sa kaniyang boses ang magiging boss ko. Ang bilis talaga ng oportunidad dito, kita mo nga naman at kailangan na raw nila agad ako dahil kulang sila sa tao. Isang malaking kaibahan sa probinsya dahil dito, madali ang pera. Hindi ko na mamamalayan ang araw, mamaya ay sahod na at makakapagpadala na ako sa kanila. Ang sabi nila, isa rin daw sa rule ng bar na bawal ang mga empleyado na mag-inom at sumayaw kasama ang customer kaya excited na akong sumahod para maranasan kong mag party at makapamasyal rito sa Maynila. "Magandang araw po! Ako po si Anastasha Mendoza. Bagong hire po ako bilang waitress at ngayon po ang first day ko.” magiliw kong bati sa taong nasa harapan bar counter. Sa tingin ko ay mga cashier sila. "Ah! Ikaw pala ang sinasabi ni Boss. Sige. Ito ang susuotin mo, mag make up ka na rin. Iyon ang daan papunta sa CR ng mga customer then ito naman ang para room sa mga crew and employees. Pwede ka nang magpalit.” simpleng instructions nito sa akin. “By the way, ako nga pala si Kianna. Nice to meet you and welcome dito sa bar. Hope we get along soon." pagpapakilala niya sa kaniyang sarili I simply thanked her and found my way towards the direction of the door that she instructed. Nadatnan ko ang isang lalaki na nakaharap sa bukas na locker door. “Wow, ang puti at kinis mo naman Miss. Customer ka ba? Paano ka nakapasok dito? Mamaya pa kami magbubukas, sorry. But you know, I can take you somewhere else." kumindat pa ang lalaki matapos sabihin ito. “Trainee siya dito bilang waitress. ‘Wag ka ngang manggulo, Gerald. Baka mamaya matakot pa sa'yo at hindi magtagal dito.” Si Kianna. Hindi ko napansing kasunod ko pala siya. "Siya si Gerald. Dalawa silang lalaking bartender dito." pagpapakilala ni Kianna sa lalaki. "Pumasok ka dun sa kurtinang ‘yon, doon ang bihisan. Don't worry, safe ka naman dito. Mababait naman kami.” she assured me. Tiningnan niya pa ng masama si Gerald bago tuluyang lumabas ng locker room. "May boyfriend ka na ba?" Naputol ang paghabol ko ng tingin kay Kianna nang kunin ni Gerald ang atensiyon ko. Tiningnan niya si Gerald ng matalim at lumabas na. "May boyfriend ka na ba?" tanong naman ni Gerald sa akin. Hindi ko agad ito sinagot bagkus dumiretso na ako sa silid bihisan dala ang uniform. "Uy, snobber ka ha. Wait, ano nga pala ang pangalan mo? Anyway, dapat friendly ka dahil pamilya na ang turingan namin dito." pangungulit niya pa. "I'm Anastasha and I don't have a boyfriend. Gusto mo bang maging boyfriend ko?” sagot ko rito. Nagulat siguro siya sa naging tugon ko kaya bigla niyang hinawi ang harang na kurtina. Hindi pa ako tapos magbihis so nakita niyang naka bra lang ako. “Talaga ba?" tunog excited talaga ang mokong dahil nagtagal pa ang pagsuot ng ulo nito sa kurtina. I just scoffed at him. "Oooh. Ang cool mo naman bakit hindi ka nailang na makita ko iyan? ‘Di ka–” “So what? Hanggang tingin ka lang naman and hindi mo ito makukuha. Drool over then get lost,may trabaho pa tayo." pagtataboy ko rito. “Sh*t. Ang sarap mo tingnan kapag ganiyan ang inaasal mo. Una na ako dahil baka hindi ako makapagpigil–” Hindi na niya natapos ng pagsasalita dahil itinulak ko na siya nang marahas palabas. Isang maliit na skirt at tube lang ang suot ng waitress na kagaya ko. ‘Make way for the sexiest Anastasha Mendoza’ I cheered mentally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD