KABANATA 34 Mabilis na nagising si Taira sa ingay ng alarm na s-i-net nila ng maaga ni Sancho. Napaingit pa siya nang bahagyang maramdaman ang kirot na iyon sa likuran niya. He bit his lower lip para itago ang nagbabadiyang ngiti dahil kinikilig pa siya sa kabila ng pananakit ng katawan niya. Sancho made love to him harder last night! Nagalit niya yata ang alaga nito sa katutukso niya rito noong nasa court sila. “Wake up, sleepy head,” bulong niya sa noo’y tulog pa rin niyang kasintahan. Dumapa siya at bahagyang nahiga sa may dibdib nito. Tinukso-tukso niya ito ng mga halik hanggang sa bigla na lamang siya nitong niyakap. Napahalakhak siya dahil doon. Pinugpog siya nito ng mga halik na mas nagpalutong pa sa tawa niya. “Tama na! Tama na! I need to go home early!” natatawa niyang sigaw.

