KABANATA 32 “AH! S-Sancho…” Ilang mabilis at diin pa kay Taira ang kaniyang ginawa bago nila narating ang rurok ng kasukdulan. Naramdaman ni Sancho ang pagluwag ng pagkasasabunot nito sa buhok niya. Lumupaypay ang katawan nito sa mga bisig niya at kita niya ang nakapikit nitong mga mata. Tipid siyang napangiti nang makitang nawalan ito ng malay at kinalma ang sarili na hapo pa mula sa aktibidad. Marahan niyang tinabing ang pawisan na buhok ni Taira na noo’y humaharang na sa mukha nito. Hinintay niya na umayos ang paghinga nito bago niya ito maingat na ihiniga sa kama. “Aw…” napadaing siya. Inabot niya ang taas na parte ng kaniyang likod na noo’y nanhahapdi dala ng mga kalmot. Natawa siya at napailing. First times really are the most memorable one. Inalala niya sa kaniyang utak ang mga

