KABANATA 14

1226 Words

KABANATA 14 Pagod na hinilot ni Lui ang kaniyang leeg at ipinatong ang mga pinamili sa sink. Sumulyap siya sa maliit nilang orasan at nakita na alas-kwatro na ng hapon. Maya-maya ay pauwi na si Sancho. Sadya ngang kay bilis ng oras kung ito ay hindi mo binabantayan. Hindi naman malayo ang pinamalengkehan niya pero pakiramdam ni Lui ay milyang layo ang kaniyang pinanggalingan. Triple ang naging pagod niya dahil naglinis pa siya ng buong silid nila at pagkatapos mananghalian ay saka umalis. Tipid siyang napangiti sa sarili. Para kay Sancho, wala siyang hindi gagawin. Hindi na nga siya nakatutulong sa pinansiyal at kakarampot lamang ang nakukuha niya sa pagbebenta ng barbecue. Kaya kahit sa gawaing bahay manlang ay mapakinabangan siya. Kumuha muna siya ng maiinom at naupo para magpahinga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD