Chapter 10

1001 Words

Hindi mapigilan ni Lorie na makaramdam ng simpatya sa kalagayan ngayon ni Choi kahit sa totoo lang ay hindi naman nito kailangan iyon. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura ng binata habang nakaupo sa sofa at hawak-hawak ang birth certificate ni Maja. Sigurado si Lorie na malaking balakid ang biglang pagsulpot ng anak nito sa buhay ni Choi. After all, nagbubuhay binata lamang ito kahapon at malamang ay nakikipaglandian sa kung sino-sinong babae. Anong malay ba ng binata na sa araw na iyon ay sasabugan ito ng bomba tungkol sa pagkakaroon pala nito ng anak? Tumikhim si Lorie. “Alam mo, hindi naman malaking isyu siguro kung may anak ka na. Normal lang naman sa mundo ninyo ang mga taong gaya mong may anak sa pagkabinata, hindi ba?” aniya sa nang-aalong tinig. Marahas na tiningala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD