“C-can you come here little girl?” bulalas ni Ma’am Edna sa mas mababang tinig kaysa kanina. Humigpit ang yakap ni Maja at tumingin sa kanya. Nginitian ni Lorie ang bata. “Sila ang lolo at lola mo, Maja. Lumapit ka sa kanila at bigyan sila ng hug at kiss, okay?” masuyong sabi niya rito at ibinaba ito. Bantulot na bumitaw si Maja kay Lorie at alanganing tumingin sa mag-asawa. Si Choi naman ang sunod na tiningala ng bata. Tinapik ng binata ang ulo ni Maja at bahagyang ngumiti rito. “Go on, brat. Give them a hug.” Noon lamang tumalima si Maja at lumapit sa mga magulang ni Choi. Sa isang iglap ay nakita uli ni Lorie ang mabait na ekspresyon ni Edna Montemayor nang abutin nito si Maja at yakapin. Maging si Don Jaime ay lumambot ang ekspresyon ng mukha habang nakatingin kay Maja na tila ba n

