TUNOG ng doorbell ang nagpahinto kay Lorie mula sa niluluto niya sa kusina. Sinabi ni Choi na sandali lamang ito sa kung saan man ito pupunta sa araw na iyon kaya naisip niyang dagdagan ang pagkaing niluluto niya. Si Maja ay abala naman sa pagkukulay ng coloring book sa mesa sa kusina. Hininaan ni Lorie ang apoy at bumaling kay Maja. “Huwag kang aalis diyan, Maja, okay?” Ngumiti sa kanya ang bata. “Yes, Mama,” sagot nito bago ipinagpatuloy ang ginagawa. May humaplos na init sa dibdib ni Lorie sa ngiti nito. Sa totoo lang ay napapansin niyang magkaparehong ngumisi si Maja at si Choi. Habang tumatagal ay lalong nagiging halata ang pagiging magkamukha ng mag-ama. Nahiling na lang ni Lorie na sana dumating ang araw na hindi na kailangang itago pa at ikulong sa bahay na iyon si Maja. Ginawa

