Chapter 14

1820 Words

“HUWAG kayong magtatagal, maliwanag ba?” mahigpit na bilin ni Choi kay Lorie nang ihimpil ng binata ang kotse nito sa parking lot ng pinakamalapit na mall pagkatapos abutan si Lorie ng credit card na siyang gagamitin daw niya sa pamimili ng mga kailangan ni Maja. “Sigurado kang ayaw mong sumama?” lakas-loob na tanong ni Lorie kay Choi. Kahit naman wala siyang sariling sasakyan ay alam ni Lorie na hindi kumportableng manatili lang sa loob niyon hanggang bumalik sila. Sumulyap sa kanya si Choi ngunit agad ring nag-iwas ng tingin. “No need. Bilisan ninyo na lang. Wala ako sa mood makisalamuha sa publiko sa oras na ito. I don’t have the energy to smile and act nice today,” sagot ng binata na ikinaasim ng mukha niya. “Bahala ka,” mahinang usal ni Lorie at lumabas na ng kotse ni Choi. Binuhat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD