Pareho kaming napatingala ni Imperius nang kumulog nang malalakas at sunod-sunod ang pagliliwanag ng madilim na kalangitan. Pati ang langit ay nagdadalamhati sa pagkamatay ni Michael, ang kauna-unahang anghel na nilalang ng Diyos. Ang anghel na unang nabigyan ng karangalan na maging isang arkanghel. Ang anghel na sa sobrang pagmamahal sa Diyos ay tinalikuran ang laman ng kanyang puso at nanatiling tapat na naglilingkod dito. At gaya ni Lolo ay wala nang makapagbabalik sa kanya bilang isang arkanghel. Ngunit magagawan ko iyon ng paraan kung matatalo ko si Imperius. Pareho kaming napaatras ni Imperius nang isang malaking kidlat ang tumama sa harapan naming dalawa at mula roon ay lumitaw ang isang liwanag na nakasisilaw. "Yuri," tawag ng malagom na boses mula sa liwanag. "Huwag mong s

