"Saan kami makakahanap ng kahoy?! Kanina pa ako nilalamok rito?!" sigaw ni Sia habang hawak ang Walkie-Talkie. Kausap niya siguro si Cleo. Siya rin naman kasi ang nag-utos sa akin ni Sia na maghanap ng kahoy rito, para sa bonfire namin mamaya. Luminga-linga nalang ako sa paligid para maghanap ng kahot. Pero mukhang wala, parang nasa kawalan kami. Tanging flashlights lang ang nagsisilbing liwanag sa dinaraanan namin. "Sia! Pucha!" sigaw ko. Bigla nalang kasi nawala ang ilaw ni Sia. Hindi ko na rin siya makita dahil hindi naman ganoon kalaki ang flashlight ko. "Sia! Nasaan kaba?!" nagsisisigaw na tanong ko. Pucha, ang hirap na nga mag hanap ng kahoy rito, tapos nawawala pa sa kawalan 'tong si Sia. Habang lumilinga sa paligid, nakarinig ako ng mahihinang hikbi. Bigla ako kinilabutan sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


