Misty POV
Sobrang sakit lahat ng nanyari sa buhay ko. Bukod sa video na kumalat ay namatay pa ang aking Tatay dahil sa sama ng loob. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nanyari. Pakiramdam ko ako ang pumatay sa sarili ko Tatay. Iniwan niya ako na may sama ng loob sa akin at naging bigo ako sa mga pangarap ko para sa kaniya.
Ngayon araw ng linggo ay natapos na ang libing sa ng Tatay ko.
Nagsipag uwian na ang mga nakiramay na mga kaklase ko. At iba pang mga kaibigan ni Ma'am Carla wala na rin ako ibang kamag anak.
Naiwan kami ni Ma'am Carla, Carlo at Waren. Hindi parin kase sila umaalis dahil nakatayo parin ako sa puntod ng aking tatay.
Naramdaman ko ang kamay sa balikat ko. "Misty" Narinig ko ang boses ni Waren sa likod ko.
"Nakikiramay ako, magpalakas ka at lagi mag iingat nandito lang ako para sayo" Sabi nito.
Lalo ako naluha sa mga sinabi nito. Naalala ko pa yung sinabi ni Waren sakin na "Take care always" noon nung nasa school ako at sinabi ko sa kaniya na nililigawan ako ni Carlo. Hindi parin malinaw sakin kung sino ba ang may pakana ng Video na yun. Ayoko isipin na si Carlo nga ang may gawa dahil matagal ko na siya kilala at alam ko hindi siya masama gaya ng iniisip ng iba.
Tumango tango lamang ako bilang pasasalamat. "Sige Misty" Sabi nito. Hindi na ako tumingin pa sa kaniya dahil nakatitig parin ako sa puntod ng aking tatay nagpaalam na ito kila Ma'am Carla.
"Misty" Narinig ko ang tinig ni Ma'am Carla. Hinimas himas nito ang likod ko.
"Umuwi na tayo" Sabi nito. Hinawakan ko ang Puntod ng aking Tatay. Inisa isa ko pa hinihimas ang letra ng pangalan nito na naka sulat sa puntod nito.
"Tatay patawarin nyo ako" Bigla tumulo ang mga mata ko na parang hindi na nauubos.
"Mahal na mahal ko kayo ni Nanay" Napayuko ako at nasa likod ko nakayakap si Ma'am Carla sumandal ako sa braso nito patuloy umaagos ang luha sa mga mata ko.
"Dadalawin ko kayo dito ni Nanay ulit Tay" Malungkot na huling sabi ko sa puntod ni Tatay.
Pag uwi namin sa bahay ay pinaupo ako agad ni Ma'am Carla sa sofa.
"Manang, maghanda ka muna ng makakain" Sabi ni Ma'am Carla rito. Nakita ko umupo rin si Carlo sa single sofa sa tapat ng inuupuan ko. Tinabihan naman ako ni Ma'am Carla.
"Misty, I know this is not the right time to say this" Mahinang sabi ni Ma'am Carla sa akin.
"A-ano po ibig nyo sabihin?" Nauutal na sa sabi ko.
"I want to arrange your marriage as soon as possible" Sabi nito napatitig ako rito at saka inilipat ang mata kay Carlo na napabuntong hininga naman.
"Kamamatay lang po ni tatay" Sabi ko lamang.
"Pero Misty, Kailangan mabaling sa iba ang tingin ng mga tao sayo." Sabi nito. Gusto ko man mag diwang dahil pakakasalan ko na ang taong mahal ko pero hindi ito ang oras para dun dahil hanggang ngayon mabigat parin sa loob ko ang nanyari kay Tatay.
"Maraming tao ang nagsasabi sayo ng masasama laban sayo dahil sa nanyari sa Tatay mo. At hindi ka narin pwede magtrabaho kay Anthon dahil tinanggal ka na niya."
Nagulat ako sa sinabi nito. Tinanggal na pala ako ni Sir Athon dahil sa nanyaring scandal video.
"I'm sorry Misty, kumain muna tayo tapos mag pahinga ka" Sabi nito.
"Wala po ako gana kumain, papasok nalang po ako sa kwarto ko" Sabi ko sa mga ito.
"Sige iha" Narinig ko sinabi ni Ma'am Carla bago ako tumalikod.
CARLO POV
Malungkot na malungkot si Misty sa bilis ng kamalasang nanyayari sa buhay niya syempre dahil sa akin at kay Cindy. Ganun pa man ay naroon parin ang isipin ni Mommy ang kasal namin. Pinag bantaan ako ni Mommy na kapag di ako nag pakasal kay Misty ay tatanggalan niya lang naman ako ng Mana at hindi na ako ang mag mamana ng Family Business namin.
Pagkatapos pumunta ni Misty sa kwarto niya ay tumayo na ako para umalis ng bahay.
"Where are you going?" Mabilis na tanong ni Mommy pagkatayo ko. Lumingon ako agad dito para sagutin siya.
"I want to go outside. Maybe bonding with my friends?" Sagot ko rito. Ngumisi ito sa akin.
"Really? Bonding with friends? After all you did?" Galit na sabi nito.
"Mommy.. please I want to refresh my mind now! Nakokonsensya ako mom! That's why I don't have a right para tanggihan ang kasal kahit ayoko makasal sa kaniya!"
"Dapat lang! Dapat mo suklian ang lahat ng kabaitan ni Misty sayo! Dahil sa kabila ng ginawa mo ay mahal ka parin niya at pinagtatanggol kahit na marami tao ang nagagalit sa kaniya dahil namatay ang tatay niya dahil sa scandal na ikaw ang may gawa!" Pinagdiinan na sabi nito sa akin. Halos tusukin na ako ng libo libong kutsilyo ngayon dahil sa pagpapaalala nito sa mga ginawa ko kay Misty. "She's not deserved all the pain you cost to her!" Dugtong pa nito. "Kaya mahalin mo siya at gantihan lahat ng mga bagay na ginawa niya para sayo."
"Pero mom! Ayoko makasal sa taong hindi ko mahal! At lalo na sa taong ginawan ko ng masama! Hindi ako magiging masaya!"
Umalis na lamang ako ng bahay. Ayoko na makipagtalo pa kay Mommy dahil paulit ulit na namin ito pinag tatalunan.
Pumunta ako sa bahay ni Cindy. This time ay sobrang putla nito ng makita ako. Nag usap kami sa Living room nila at doon ay pinag handa niya ako ng Green Tea.
"Ayoko nyan!" Matigas na sabi ko rito. Dahan dahan nito nilapag ang Green Tea na nasa tasa.
"Ano gusto mo?" Mahinhin na sabi nito.
"I want to drink any kind of liquor please! To forget everything I did and you did to Misty!" Pasigaw na sabi ko rito. Nagulat ito at malalim na napalunok sa sinabi ko.
"Condolence to her" Napayuko pang sabi nito at hindi makatingin. Sinulyapan ko naman ito.
"Alam mo ikaw Cindy? Buti ka pa nakakatulog ka sa mga ginawa mo! Ako ito! Halos gabi gabi nalang ako binabangungot!" Gigil na sabi ko rito.
"Please Carlo calm down, everything will be ok" Pakalma pa sabi nito tinignan ko ito ng masama matapos ako hawakan sa kabilang braso ko.
"Will be okay?" Napangisi ako sa sinabi nito. "What do you mean by everything will be okay? Yung mag papakasal ako kay Misty? Buong buhay ko na kasama yung babae na yun?! Akala ko ngayong malalaki na kami mawawala na siya sa buhay ko! Pero ito pala! Magpapakasal pa pala kami at makakasama ko pa siya ng matagal! And I hate this!" Sa galit ko ay Nilihis ko ng kamay ko ang tasa na may green tea at tumapon ito sa gilid ni Cindy. Sinakop ko ng dalawang palad ko ang mukha ko sa sobrang sama ng loob ko.
Ang gusto ko lang naman ay maging kami ni Cindy kaya pumayag ako na makipagkasundo na tulungan siya gumanti.
"P-pero kung talagang magpapakasal na kayo dapat ay tanggapin mo nalang yun. At subukan mo siya mahalin" Sabi nito lalo naman nag init ang ulo ko sa sinabi nito.
"Have you forgotten what deal we agreed before?" Sabi ko rito inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha nito para maalala niya kung ano ba ang naging usapan namin nung tinulungan ko siya sa mga kalokohan niya.
Damang dama ko ang kaba at nerbyos kay Cindy dahil sa sinabi ko.
"Magiging akin ka kahit ano manyare! Kasal man ako or hindi!" Matigas na sabi ko rito. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko tila ba'y gulat na gulat sa sinabi ko.
"P-pero ikakasal kana Carlo? Ayoko maging kabit mo!" Tumayo ito sa pagkakaupo at tinalikuran ako at hinilamos ang kamay sa mukha nito.
"Di ako nagpakahirap na makuha ang pwesto ko ulit as top model para lang masira ulit yun dahil magiging kabit mo lang ako?!" Sabi nito sabay harap sakin.
"At hindi rin ako nagpakahirap gawin lahat ng mga pinag gagawa mo para lang maging asawa si Misty!" malakas na sabi ko rito. Tumayo narin ako dahil na bubwiset na ako rito.
"Eto tatandaan mo Cindy! You owe me a lot! Kaya akin ka lang at marami na ako sinakripisyo para makuha kalang!" Sabi ko rito at umalis.