[SIMON] LAKING GULAT ko nang hilahin ako ni Sir Ali papunta sa pader. Itinapal niya ang kaniyang mga bisig habang nasa pagitan ako sabay siya nagtanong. “What’s with you and Gary? Tell me…” tanong niya sa ‘kin. Gulat na gulat ako nang mangyari ‘yon kaya hindi rin kaagad ako nakasagot sa kaniya. Siguro napansin niya na ganoon na lang ang gulat ko kaya kaagad rin akong pinakawalan habang hindi makatitig sa mga mata ko. “I am sorry, Simon. I was just worrying about you and that is why I asked you about your relationship with that Gary guy. I did not mean to hurt you. I am really sorry that I did that.” Palabas na sana siya ng storage room nang pigilan ko siyang lumabas nang hawakan ko ang kaniyang kanang braso. “Wala ‘yon sa ‘kin, sir. Alam ko namang nag-aalala ka lang sa ‘kin kaya mo ‘yon

