Chapter 9 | Part 2

1528 Words
[SIMON] “NGAYON KA na agad aalis, ‘nak?” tanong ng nanay nang makauwi ako. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nakatingin lang siya sa ‘kin habang ako naman ay panay sa pag-iimpake ng damit ko dito. “Hindi ba p’wedeng bukas na lang? Wala pa ‘yong tatay mo. Hindi pa umuuwi. Hindi niya man lang maaabutan ang pag-alis mo.” Ngumiti ako sa kaniya. “Sa sunod na araw na ang simula ng trabaho ko, nanay ko,” sagot ko sa kaniya. Sinarado ko ang bagahe na dadalhin ko at pumunta sa kaniya, binigyan ng isang mahigpit na yakap. “Uuwi naman ako kapag day-off ko. Sure na sure ‘yan, nay. Huwag kang mag-alala. Kapag kailangan ninyo ng pera, magpapadala kaagad ako, sabihin ninyo lang. Para sa ‘tin ‘to, nay. Para rin sa paggaling mo kaya ako kumakayod.” “Kailan ba ang day-off mo?” tanong niya sa ‘kin. “Paglulutuan kita ng masasarap na pagkain kapag uuwi ka galing Maynila. Sisiguruhin kong hindi ka magugutom kapag nandito ka, ‘nak.” “Wala pang nasasabi sa ‘kin ‘yong nagpasok sa ‘kin kung kailan ang day-off ko, nay. Pero baka sabihin rin naman nila ‘yon sa ‘kin pagsimula ko magtrabaho sa susunod na araw,” sagot ko sa kaniya. Hindi pa rin siya makabitaw ng yakap sa ‘kin. Ito lang ata ‘yong oras na malalayo ako sa kanila, ‘yong ako mismo ang aalis, maliban kay nanay na minsan nang nagtrabaho sa ibang bansa. “Pero aabangan ko ‘yang mga luto mo, nay. Mas magiging excited pa akong umuwi kung sakali.” Ngumiti siya. “O, siya, sige na nga. I-text mo na lang ako kung kailan ang day-off mo. Palagi mo kaming tawagan dito, ha? Huwag mong kakalimutan na balitaan kami sa kung anong nangyayari sa ‘yo kahit na isang minuto lang.” Mas humigpit pa ang yakap niya sa ‘kin. “Mag-iingat ka do’n. Alagaan mo ang sarili mo.” “Nay, kaya kong alagaan ang sarili ko do’n. Ang dapat na inaalala mo ay ang sarili mo. ‘Wag na ‘wag kang gagawa ng mga bagay na masama sa ‘yo kahit wala ako dito.” Tumango siya sa mga sinabi ko. “Nandoon rin si Evan, tiwala ka naman ata sa kaniya sa pagtingin sa ‘kin, ‘di ba?” --- “KANINA KA pa ba dito?” tanong ko kay Ali na nakatambay lang sa isang upuan malapit sa bus stop. Nakaalis na ako sa baryo at inabot ako ng ilang oras bago makarating dito sa Maynila ulit. Halos alas-diyes na nang makarating ako pero hinintay pa rin ako ni Ali dito sa bus stop. “Pasensiya na. May aksidente kasing nangyari do’n sa dinaanan namin.” “Aksidente?” tanong niya sa ‘kin. “Ayos ka lang ba?” “Ayos lang ako,” sagot ko sa kaniya at ngumiti. Mukhang kinabahan siya nang sabihin ko ‘yon, e. “Hindi naman kami ‘yong naaksidente. May naaksidenteng kotse do’n sa ruta ng bus namin kaya nagkaroon ng maliit na abala. Pasensiya ka na talaga.” Napatango siya. “Ayos lang. Let’s go?” Tumango na lang rin ako. “Tara,” sagot ko sa kaniya. Kinuha niya ang mga bagahe ko at inilagay iyon sa likod ng kotse. Pagkatapos niyang gawin ‘yon ay binuksan niya ang passenger’s seat at pinapasok ako do’n. Akma niya pang aayusin ‘yong seatbelt nang pigilan ko siya, alam ko naman kung paano ang paggamit ng seatbelt. “Hmm…” Pumasok siya sa driver’s seat at pinaandar ang kotse kaagad. “Napagod ka ba sa biyahe?” tanong niya sa ‘kin. Nalutang pa ako sa oras na ‘yon at inakalang may iba siyang kausap na kami lang namang dalawa ang nasa loob ng kotse. “Ikaw lang naman ang kasama ko dito, Simon.” Natawa siya. “Ah, oo…” sagot ko. “Medyo lang naman.” “Bibilisan ko na kaagad ang pagmamaneho para makapunta agad tayo sa condo at makapagpahinga ka na. Kung sana sinabi ko na next week ka na lang magsimula, e, ‘di sana hindi ka napagod. Kaso napasa ko na sa HR ‘yong report, e,” aniya pa. Tumango na lang ako para magmukhang may kausap siya. “May gusto ka bang kainin?” Napatingin ako sa kaniya. Ganito ba siya kabait palagi? “Kahit ano na lang,” sagot ko. Napangiti at napatingin siya sa ‘kin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. “Hindi naman ako mapili sa pagkain. May allergy lang ako sa hipon, kaya hindi p’wede ‘yon sa ‘kin.” “Sarado na ata ang mga restaurant sa lugar na ‘to kaya hindi na tayo makaka-stop do’n para kumain. Wala atang 24/7 dining place dito sa ‘min, e.” Dumire-diretso lang ang kotse na sinasakyan naming dahil wala naman nang masiyadong kotse na dumadaan dahil gabi na. “Ipagluluto na lang kita ng pagkain sa condo.” Wala na akong nasabi roon. Kung ganito man siya sa lahat, iisipin kong may gusto siya sa lahat. Napansin ko rin na siya ang pinakamahinahon na kaibigan ni Evan dito. Bihira lang ako makakita ng taong galing sa mayamang pamilya na ganito kabait. Swerte ko lang na nakilala ko si Ali. Nasa 8th floor na kami ng condo na tinitirhan ni Ali. Grabe, ang taas ng condo niya. Mukhang malilito ako palagi nito kapag uuwi galing sa trabaho. “Tara,” aniya nang buksan niya ang pinto ng condo niya gamit ang isang card. Pumasok ako dito at nakita ang magandang ayos ng condo unit niya. Pero ang mas gumulat sa ‘kin ay ang isang taong nakaupo sa sofa at nanonood ng TV ni Ali habang kumakain ng popcorn. “Evan?” Napatingin siya sa ‘kin. “Oh, Simon, nandito ka na pala.” Nagulat talaga ako nang makita ko siya do’n. “Bakit ka nandito?” “Malamang, hindi ko naman mabubuksan ang pinto ng apartment ko,” sagot niya sa ‘kin. Oo nga pala. Hindi ko nasauli sa kan’ya ‘yong susi ng apartment niya bago ako umalis pabalik sa baryo. “Pero ayos lang. Buti alam ko ang password nitong condo ni Ali kahit matagal niya nang hindi nagagamit to…” Naputol siya nang magsalita si Ali. “Maupo ka, Simon.” Umupo ako sa sofa, katabi ni Evan. Kaagad niyang nilagay ang kamay niya sa mga balikat ko at nginitian ako. At home na at home ‘to dito sa condo ni Ali. “Buti pinayagan ka ng nanay mo pumunta dito,” aniya sa ‘kin. Alam na alam niya na hindi ako bibitawan ni nanay, e. Tumingin siya kay Ali bago hinintay ang sagot ko. “Magluto ka nga ng p’wede nating kainin, Ali.” Inutusan niya lang naman ‘yong may-ari ng lugar na magluto para sa kaniya. Hindi umimik si Ali at binigyan siya ng masamang mukha bago pumunta sa kusina para magluto. “Oo,” sagot ko na lang kay Evan habang hindi pa rin maalis ang tingin ko kay Ali na nagluluto sa kusina. “Pinayagan naman ako kahit papaano.” Nagkuwentuhan lang kami ni Evan habang nagluluto si Ali. Nang maubusan ng kuwento, nanood na lang kami sa TV ni Ali na sobrang laki. Nang matapos si Ali ay kumain na kami ng tanghalian namin bago tuluyang umalis si Evan. Nag-ayos si Ali ng pinagkainan bago ako dinala sa kwarto ko. “Here’s your room.” Tinignan ko ang buong kwarto. “Ang laki naman yata nito para sa ‘kin lang?” “Bakit, gusto mo bang matulog tayo sa iisang kwarto?” tanong niya bago ngumisi. Tama naman siya kahit papa’no. Kaysa naman matulog kami sa isang kwarto, mas okay na may tig-isang kwarto kami, kaya tatanggapin ko na lang ‘tong kwarto na ‘to kahit na ang laki-laki. “My condo has two rooms, mine and yours now. ‘Yong kusina, nakita mo naman kanina kung saan ako nagluto, ‘di ba? Ang CR nasa side, halos katabi ng kusina pero may way pa papunta do’n. Make yourself at ease here and be comfortable. Let’s just be ourselves here. Pareho naman tayong lalaki.” Nginitian ko siya. Ano kayang ginawa kong katapangan sa past life ko para magkaroon ng ganitong boss? “Salamat, Ali,” sagot ko sa kaniya. Itinapik niya ang kamay niya sa balikat ko. “Binigyan mo na ako ng trabaho, binigyan mo pa ako ng pansamantalang matutuluyan habang nasa Maynila ako. Salamat talaga.” “No worries. Ikaw pa ba?” sagot niya sa ‘kin. Isa talaga siyang hulog ng langit para sa ‘kin. Hindi ko alam kung bakit at paano ko siya nakilala no’ng burol ni tatang pero kaagad na nakuha niya ang loob ko kahit na ilang linggo pa lang kaming magkakilala. Ang swerte ng kung sino man ang makakakuha ng loob ni Ali. “By the way, you should rest first. I’ll wake you up later. We will be going somewhere.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD