Chapter 6 | Part 2

1700 Words
“Ah,” ani ko at tumango-tango. “Alis na muna ako, punta muna ako sa opisina ng doctor para kausapin siya.” Tumingin ako kay nanay na nagmamasid lang habang nakatingin sa akin. “Punta muna ako sa doctor, nay. Balik lang ako.” Lumabas agad ako sa pinto at pinuntahan ang opisina ng doctor na gustong kumausap sa ‘kin. Kukunin ko na lang ang rason na ‘hindi competent enough si tatay para maintindihan ang lahat ng sasabihin ng doctor’ kahit na curious na curious na ako sa kung bakit ako ba ang dapat na kausapin ng doctor. “Kumusta ka?” tanong ng doctor. Bakit ako ang kinakamusta niya? ‘Di ba, dapat sinasabi niya sa ‘kin ang lagay ng nanay ko ngayong nandito sa harap niya na ako? “Nabalitaan ko sa nanay mo na may parehong kalagayan ka na tulad sa nanay mo.  May some cases na hereditary talaga ang heart disease kaya hindi malabong maipasa ‘yon sa anak ng taong may heart disease rin.” “Ayos naman po ako, doc,” sagot ko sa kaniya. Wala akong oras na pag-usapan ang kondisyon ko. Nandito ako para pag-usapan ang kondisyon ng nanay ko. “Pero nandito po ako, doc, para pag-usapan ang lagay ng nanay ko. Kumusta ho ba siya? Ayos lang po ba siya? Ang gusto ko pong malaman ay ang kondisyon ng nanay ko…” Natahimik ang doctor nang sabihin ko ‘yon. Tila ba iniiwasan niya ang ideya ng pagsabi sa ‘kin ng lagay ng nanay. “Alam mo, Simon, nakuwento sa ‘kin ng nanay mo na may heart disease ka rin. Mabuti nga at nasabi sa ‘kin ng nanay mo, at nang maagapan ‘yon habang maaga pa.” Nakinig na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. “At some cases, younger people survives the heart disease more than adults, lalo na kapag maaga pa lang ay gumagalaw na sila. Sabi nga nila, prevention is always better than cure…” “Ano nga, doc?” tanong ko sa kaniya. Kanina niya pa iniiwasan ang tanong ko na paulit-ulit ko lang tinatanong at hindi niya lang sinasagot. “Wala akong pakialam sa lagay ko ngayon, doc, dahil hindi naman ako ang naka-admit dito sa ospital. Hindi ako ang naka-admit sa ospital, ang nanay ko, doc, ang nanay ko. Ngayon, ang gusto ko lang na malaman ay ang tungkol sa nanay ko, kung ayos lang ba siya o tatagal pa ba siya rito. Sana naman huwag ka nang magpaligoy-ligoy at sagutin na lang at tinatanong ko sa ‘yo.” Huminga na lang siya nang malalim. “Gusto ko lang naman na sabihin sa ‘yo na, we offer cure for your future implications. Gaya ng nanay mo, you will also experience a lot once your heart starts getting weaker again. Gusto lang naman naming agapan agad ang mga bagay na mahirap nang gawin sa nanay mo,” sagot niya sa ‘kin. Sinasabi niya bang… “Pero kahit na mahirap, sisiguruhin pa rin namin ang seguridad ng nanay mo. Need mo lang pumirma ng waiver tungkol sa mga dapat na posibleng mangyayari. Maaari rin itong mag-cost ng napakarami na babayarin. Sana handa kayong lahat sa mga posibleng mangyayari.” “Waiver tungkol saan, doc?” tanong ko. Ang alam ko lang na pinipirmahan na waiver ay kapag may mga procedures na may hindi kasiguruhan na seguridad. “May procedure ba na kailangang gawin sa lagay ng nanay ngayon? Akala ko ba okay lang si nanay?” “Simon, her heart is getting weak, as time goes by. Tumatanda na ang nanay mo, but the fortunate thing to hear about this is that, p’wede pa naman nating i-cure but as your mother is old enough already, it would be risky…” aniya sa ‘kin. “At diyan na dadating ang waiver. We, the doctors, would do our very best to do the procedures safely but of course, the risk would be higher and that is why a waiver is needed…” Kaagad niyang inilabas ang waiver at ballpen sa harap ko at ibinigay ito sa ‘kin. “Sign this waiver if you consent us of doing the procedures, with all the risks the procedures might give.” “Gawin ninyo ang lahat ng p’wede ninyong gawin, mabuhay lang ang nanay ko, doc,” sabi ko sa kaniya bago kinuha ang ballpen at pinirmahan ang waiver na ibinigay niya sa ‘kin. Kung ito lang ang maaari kong gawin para masiguro ang buhay ng nanay ko, ito ang gagawin ko. “Basta kapag may kailangang gawin, sabihin mo muna sa ‘kin, doc. Kahit na nakapirma na ako ng waiver, sana sabihin ninyo muna sa ‘kin ang mga dapat gawin.” Tumango ang doctor. “That would be sure, Simon…” “Kailangan ba siyang i-confine sa ospital, doc?” “Hindi naman kailangan siyang i-confine. Signing the waiver means you are letting us do the procedures for your mother,” aniya pa, sinisiguro sa ‘kin na makakauwi pa si nanay ng bahay habang under siya ng care ng doctor dito. “Meaning, p’wede pang makauwi ang nanay mo bukas ng umaga. Kapag may mangyari man, idala na lang siya kaagad sa ospital. For now, we just monitored her and made some tests which the results will came tomorrow morning. Kapag wala kaming nakitang implications bukas sa results ng mga tests, makakauwi pa naman siya.” Pagkatapos no’n ay lumabas na ako ng office at dumiretso sa kuwarto ng nanay ko. Papasok n asana ako nang tumigil ako sa harap no’ng kuwarto niya. Naupo muna ako sa upuan sa harap ng kuwarto ng nanay. Hindi natin alam kung kalian ulit susumpungin ng sakit si nanay, kaya kailangan ko na lang mag-ipon ng pera para kung sakali man na may mangyari sa kaniya, ready ang pambayad ko sa ospital… pero saan naman ako kukuha ng pera para sa mga gastusin? “Nandiyan ka na pala, Simon. Akala ko kinakausap ka pa ng doctor,” ani Evan na kalalabas lang ng pinto ng kuwarto ng nanay. “Bakit hindi ka pa pumasok? Anong sabi ng doctor?” Natahimik ako saglit. “Wala naman daw masiyadong complications sa initial tests ng mga doctor, pero kailangan pa daw hintayin ang results na lalabas bukas ng umaga. Kapag daw wala nang masamang complication, p’wede na daw umuwi ang nanay,” sagot ko sa kaniya. Napangiti lang si Evan. “Pero pinapirma nila ako ng waiver.” Umangat ang mga kilay niya. “Para saan naman daw?” “For security purpose daw. Dahil mas matanda si nanay, mas may malakas na risk na may masamang mangyari sa procedures na gagawin para sa ikagagaling niya,” sagot ko sa kaniya. “Bukod sa risks na p’wedeng mangyari, marami raw gastusin. Pero sisiguruhin naman daw ng mga doctor ang seguridad ng nanay habang isinasagawa ang mga procedures na kailangan para sa paggaling ni nanay.” “Pera, saan ka naman kukuha no’n? Knowing this hospital is a bit expensive, they would require a lot of money to complete just the one procedure na kailangan…” sagot ni Evan. Naiisip ko na nga rin ‘yan habang nag-uusap kami. “Gusto mo bang umutang sa ‘min? Tutulong naman kami, sabihin mo lang kung magkano. Well-off pa naman ang mama ko ngayong mga nakaraang araw dahil sa mga iniwan ng tatang.” Napailing ako. “Hindi na kailangan, madami pa nga kaming utang na hindi namin pa nababayaran sa pamilya ninyo, e. Nakakahiya na sa part ninyo, Evan,” sagot ko sa kaniya. Magsasalita na sana si Evan nang magsalita agad ako para putulin ‘yon. “May way naman na ako kung saan ako kukuha ng pera. Kailangan ko lang ng tulong mo…” “Sure,” sagot niya sa ‘kin. Never pang humindi sa ‘kin si Evan. “Saan ba?” “Kailangan kita para tawagan si Ali, ‘yong kaibigan mo,” ani ko. Tinignan niya lang ako na tila nagtataka kung anong kailangan ko kay Ali. “Wala akong contact number ni Ali kaya hindi ko siya matawagan sa sarili kong numero. P’wede mo ba siyang tawagan at sabihan na gusto ko siyang kitain kahit na anong araw niya gusto?” Napa-angat ang kilay niya. “Bakit ko naman gagawin ‘yon sa ‘yo?” “Sige na, Evan. Gusto ko lang kausapin si Ali,” sagot ko sa kaniya. Tinignan niya ako na para bang inaalam kung ano ang rason kung bakit ko kikitain si Ali. “Aasahan kita tungkol diyan, Evan…” Tumayo ako at tinapik ang balikat niya. “Pasok na tayo.” --- “EVAN TOLD me you wanted to meet me so I immediately planned a meeting between us,” ani Ali habang nakaupo siya sa harap ko, kaharap ang milk tea na kanina niya pa pinaglalaruan, halatang tensiyonado. Kinakabahan ba siyang makita ako? Heto lang naman ako, walang-wala kung tutuusin, at hindi hamak sa tulad niyang mayaman na mayaman. “Y-Yeah…” “Naalala ko lang kasi ‘yong sinabi mo sa ‘kin dati,” sagot ko sa kaniya. Tinignan niya ako nang may pagtataka, tila hindi maalala kung anong sinabi niya sa ‘kin. “Huwag kang mag-alala, hindi naman ‘to tungkol sa kung anong masama.” “‘Yon nga ang pinag-aalala ko ngayon lang, buti naman at hindi pala sa masamang lagay ang sinabi ko.” Nakita ko pa siyang huminga nang malalim. Bakit naman ang big deal sa kaniya kung may nasabi siya sa ‘kin na hindi masama, hindi naman kami close na magkaibigan talaga? “Ano ulit ‘yong rason bakit gusto mo akong makita?” “Ah, tungkol ‘to do’n sa sinabi mo sa ‘kin dati no’ng nag-usap tayo tungkol sa kung gaano kahirap ang trabaho ko do’n sa palayan na pinagtatrabahuhan ko ngayon…” Tinignan ko siya, mukhang seryoso naman siya na nakikinig sa mga sinasabi ko, at gusto ko ang atensiyon na ibinibigay niya sa ‘kin habang nagsasalita ako. “Nabanggit mo na kung gusto ko ng trabaho… p’wede ko bang kunin ngayon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD