“Ali,” aniya pero hindi niya ko sita pinakinggan. I am super mad. “Naiintindihan ko naman ang galit na nasa ‘yo pero dapat hindi ka nagpapaapekto sa galit mo dahil nakakagawa ang mga tao ng mga bagay na hindi niya akalaing gagawin kapag dinala ng bugso ng galit.” Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta kaming dalawa ni Simon sa loob ng opisina ko. “Ali, sigurado ka ba sa gagawin natin?” “Simon, pinapili niya ako kung itong trabaho ko o ikaw ang pipiliin ko,” sagot ko sa kaniya. Tinignan ko siya sa mga mata niya. “Wala akong ibang gusto kung ‘di ikaw, Simon. If I am not with you, I would rather die.” “Pero ako ba talaga?” tanong niya sa ‘kin. Itinaas ko ang kilay ko at tinignan siya. Tinignan niya lang rin ako at hindi muna nagsalita pagkatapos. “Ali, paano na ang dad mo? Paano na ang rela

