“Ey,” sagot ko sa kaniya bago tinapik ang balikat niya. “Pumunta tayo dito para maging masaya. Iwan mo muna ang lahat ng lungkot kahit sandali tapos magsaya muna tayo dito,” ani ko bago siya tignan. “If ever man na hindi mo na-enjoy ang mga tulad nito noong bata ka pa, then it is your time now. It is never late naman. Let’s pick a ride, shall we?” Habang tumatagal ay mas nauunawaan ko kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa dad niya. Reasonable naman kahit papaano. Hindi man ako present noong time na pinapalaki siya ng dad niya, base sa mga kuwento niya, mukhang hindi nga siya naging magandang ama kay Ali. Una naming sinubukan ang slow rides muna tulad ng carousel. Halata namang bagot si Ali sa pagsakay sa carousel pero hinayaan niya lang ako kasi ‘yon ang trip ko. Ewan ko nga kung p

