Nang makarating sa mall parking ay pumasok na rin kami sa mall matapos mag-park si Japoy. Hinawakan agad ni Chase ang kamay ko ng maglakad na kami. Nauna na sila Sam at maghihintay nalang daw sila ground floor. Nang makasakay sa elavator, ay naghintay lang kami sandali, bago bumukas ito sa ground floor. Agad kaming lumabas at nakita naman agad namin ang dalawa ngayon na nakaakbay na si Chandrie kay Sam na nakasimangot. Napagkasunduan namin na mag-skating, kaya umakyat na kami sa fourth floor. Nauna na naman ang dalawa, at kami ni Chase ang kasunod, nasa huli naman si Japoy. Parang ang awkward pa, kasi nakabuntot lang siya sa'min at walang emosyon. Nang makabili sila ng tickets ay pumasok na agad kami at pumili ng skating shoes. Inasikaso naman ako ni Chase. Siya na ang nagsuot sa'kin ni

