5am palang ay bumangon na ako. Sabado ngayon at ganitong araw umalis si daddy para mag golf kasama ang mga kasosyo niya sa company. Palaging ganito ang routine niya, lunes hanggang byernes pumapasok siya sa opisina. Sa sabado ay maggu-golf kasama ang kasosyo niya, sa Sunday...
Well lumalabas sila ng FAMILY niya. Yup, "family niya" I'm not included.
Hindi naman na ako pamilya para sa kanya. Kung may iba lang siguro akong mapupuntahan, like grandparents. Kaso wala na. On my mother side and father ay wala na akong Lolo at Lola. Maybe relatives but they don't live here in Philippines.
Nasa America silang lahat even my cousin's on my father side.Pero hindi din ako makalapit sa kanila kasi ako din ang sinisisi nila sa pagkawala ni mommy. Siguro kung nabubuhay pa ang Lolo at lola ko sa mother side ay hindi ako nahihirapang ng ganito. Spoiled ako ng mga iyon. Kaso kinuha na sila ni God noong elementary palang ako.
Nagkaroon ng cancer si Lola at iyon ang ikinamatay niya. Si Lolo naman ay hindi nakayanan ang pagkawala ni Lola at inatake siya sa puso. Nag-iisa anak lang si mommy. Pumasok na ako sa banyo upang gawin ang aking routine.
Masakit ang tagiliran ko habang papasok sa banyo para gawin ang akin routine bago magsimula ang araw ko. Tiningnan ko ito at nagkapasa nga,kinapa ko ito at nag simula ng maligo.
Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto at pumunta na sa kusina. Magluluto lang ako ng bacon, hotdog at egg. Nag toast na din ako ng tinapay dahil maya - maya lang ay baba na iyon si dad.
Habang naghihintay ay umopo muna ako at nilapatan ng ice pack ang tagiliran ko dahil kumikirot siya.
"Where's my coffee?" narinig kong boses,nakababa na pala si dad ng hindi ko namamalayan, dahil naka fucos lang ako sa aking tagiliran. Bigla akong napatayo at nilingon ko ito.
"Sorry po, gagawa na po ako." sagot ko at nakatingin lang siya sa tagiliran ko bago umalis ng kusina at pumunta ng dinning. Napabuntong-hininga nalang ako, akala ko magtatanong siya, pero hindi. Gumawa nalang ako ng kape niya, black Coffee, his favorite. Pagkatapos ko itong magawa ay pumunta na ako ng dinning at inihatid na ang coffee niya.
"Here’s your coffee po. "saad ko habang nilalapag ang coffee at yumokod bago umalis sa kanyang harapan.
"You.. - never mind." pansin kong dapat may sasabihin pa siya pero hindi niya itinuloy pa.
Tumuloy na ako sa kitchen at naghugas na din ng pinaglutuan ko. Habang naglilinis ako ay hindi ko napansin a pumasok si daddy sa kusina.
"Here, " may inilapag itong sobre sa counter"for groceries and.... Buy something for yourself."aniya bago ako tinalikuran at umalis. Natulala ako saglit,
"buy something for yourself"
nagpaulit-ulut iyon sa aking isipan.
This is a first after 2 years. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"May pag-asa pa" , sabi ko sa sarili. May pag-asa pang mapatawad niya ako.
Linapitan ko ang sobre at tiningnan ito medyo makapal kaya sinilip ko kung magkano. Nagulat ako dahil sa dami, siguro mga 50k ito. Yinakap ko ito at pumasok muna sa aking kwarto at itinago ito. Ayaw ko ng maulit ang nangyari dati.
Nakalimutan kong isara ang pinto ng aking kwarto noon at naligo. Maggogrocery dapat ako noon, dahil kulang na Kami sa supplies at ka ibigay lang ni dad ng pera sa akin. Ako kasi mismo ang nag go-grocery ng stock namin sa bahay. Pagkatapos kong maligo at mabihis ay paalis na sana ako noon ng hindi ko makita ang pera na nilagay ko sa side table ng aking kama kasama ng aking kwentas na bigay ni mommy .
Hinanap ko ito, maski sa ilalim ng kama dahil baka nalaglag lang. Pero hindi ko ito makita, hinaloghug ko na ang buong kwarto ko, baka kasi nakalimutan ko lang kung saan ko nailagay. Pero hindi ko talaga makita. Kinapa ko ang aking liig baka nandito pa ang kwentas pero wala rin. Hinubad ko ito kanina dahil na rin sa nalaglag ko ito kanina.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon, pabalik-balik ako ng lakad ng pumasok si Stephanie at napansin niyang para akong natataranta at napangisi siya.
Doon palang alam kona kung bakit siya nakangisi, kaya sa sobrang galit ko ay sinugod ko siya at sinabunutan.
Nagsabunutan kami hanggang sa mapunta kami sa sahig at nagpagulong - gulong.
"oh my God anong nangyayari rito?!" si Tita Mildred sabay hila sa akin dahil nasa ibabaw ako kay stephanie pero hindi ako nagpahila dahil galit na galit talaga ako. Sumusubra na sila, hindi na nakuntento pati mga alahas ko na bigay ng grandparents ko dati ay pinabayaan ko lang nakunin niya,pero itong ganito na kukunin niya ang pera na dapat sa pagkain din naman nila ay hindi pwede.
Saan ako kukuha ng pamalit noon, siguradong makakatim lang ako ng masasakit na salita galing kay dad dahil nawala ang pera. At ang mas mahalaga ay ang kwentas ni mom. Iyon nalang ang natitira sa akin, bakit kailangan niya pang kunin.Hindi iyon basta-basta na kwentas.
That's my mom necklace at Naka-engraved ang pangalan namin ni mom doon.
"Walangya ka talaga, ibalik mo ang kinuha mo! " binuhat na ako ni dad at inilayo kami sa isa't - isa.
"Ano naman bang kaguluhan ito Kristine, sinasaktan mo ang kapatid mo." nagpupumiglas pa din ako at gustong-gusto ko talagang ahitan ng buhok iyang babaeng iyan.
"Stop it! " iniharap ako nito sa kanya. Pero nagpumiglas parin ako. - pakk.. -
Napaupo ako at napatigil habang tiningala si dad. Hawak ko ang akin pisngi na nasaktan at tiningnan ko siya ng nakatulala.
Hindi naman nakakagulat ito na sasaktan niya ako pero, anak niya pa rin naman ako. Mas kinakampihan niya ang
anak-anakan niya.
"D-dad.." Nanginginig ko siyang tiningnan.
"You should have stop, when I tell you to stop." napailing-iling pa ito at tiningnan lang ako bago pinuntahan si Stephanie.
"Anak are you ok?" tanong nito kay Stephanie.
"Ano ba ang nangyari anak, bakit kayo nag-aaway?"tanong ni tita Mildred habang inaalo nito ang anak.
" Mom, pinuntahan ko lang naman siya sa kwarto niya at sasabihin na hindi na tayo dito magdi-dinner para hindi na siya mag-abalang magluto. Pero bigla nalang niya akong sinugod at sinbunutan."umiiyak nitong sumbong.
"Liar,kinuha mo ang kwentas ko pati ang pera na dapat pang groceries kinuha mo! " duro ko sa kanya. Umiling-iling naman ito at itinangi lang ang nangyari.
"No, hindi po 'yon totoo."
"Pera lang pala bakit kailangan mo pa saktan ang anak ko! " sumbat ni tita Mildred sa akin. "at may ibidensya ka ba na siya ang kumuha noon?" Dagdag pa nito.
"Tita tayo lang po ang tao sa bahay na ito, sino pa ba ang kukuha noon. And this is not the first time na ginawa ito ng anak mo at kasama ka pa. Kaya hindi na ako magtataka, an apple doesn't fall from a tree." Sinugod ako nito sinampal at tinulak.
" Mildred that's enough" umawat na si daddy.
"Didn't you know dad, lahat ng alahas ni mommy ay kinuha nila ng mag-ina sa vault ni mommy?" pagpapatuloy ko at umiiyak na din. Nagtaka man si daddy pero kalaunan ay parang balewala lang ito sa kanya.
"Alahas lang iyon, at wala na naman ang mommy mo kaya ano pang silbi noon. That's enough magsorry ka kay Stephanie, bibigyan nalang ulit kita ng pera para sa grocery." saad nito bago bumalik sa pwesto ni Stephanie at yumakap naman ito sa kanya.
"D-dad, mom's necklace..."sagot ko sa kanya bago tiningnan si Stephanie na umiiyak-iyak pa din.
" I will never say sorry, ibalik mo ang kwentas ng mommy ko. "matalim ko siyang tiningnan. Umalis na ako doon at bumalik sa aking kwarto na nag kalat pa dahil sa paghahanap ko kanina.
Dalawang araw noon ay naibalik sa akin ang kwentas ko. Natuwa ako at naibalik ito sa akin hindi ko lang alam kung sino ang nag balik, basta nakita ko nalang ito sa side table ng aking kama.
~~~~~~
Bukas nalang ako lalabas para mag groceries wala naman sila dito bukas at makapagsimba na din ako. Hinintay ko lang matapos kumain ang mag-ina at nag start na din ako maglinis ng bahay.
Umalis din naman sila at siguradong magshoshopping lang iyon sila. Mag-isa lang ako sa bahay kaya pagkatapos kung maglinis at kumain ay chineck ko na ang mga notes ko para sa exams sa susunod.
TBC...