"Hello mama! kararating ko lang galing sa trabaho i miss you so much mama, at mama may dala naako pam bayad natin dito sa ospital at gastusin pati sa pag-aaral rin ni Shee kaya mama pagaling ka ahh! lakasan mo ang resistensya mo para mabilis ka gumaling," saad ko rito.
Pinisil ni mama ang kamay ko at ngumite.
"Oo mama! Kaya wag kang mag alala magtatrabaho pa ako hanggang sa gumaling ka,"
Ilang oras din kami ni mama ng kwentuhan, kahit hindi siya nakikipag usap sa akin, sa bawat haplos ng mga kamay niya lang pinaparamdam sa akin, pinatulog ko na si mama para makapag pahinga narin ito.
Nang makatulog na si mama ay pinuntahan ko si papa at kinausap.
"Papa ikaw ba ng bayad ng bill ni mama?"
"Hindi anak eh, saan naman ako kukuha ang pambayad kina usap kung ang casher na saka na ako mag bayad pag naka rating kana ehh"
"Ah, okay po papa"
"Bakit pala anak?"
"May ng bayad kasi ng bill natin may advance pa,"
"Sino naman kaya iyon anak?"
"Hayaan muna papa kung sino man sya salamat pag nalaman natin kung sino sya may pam bayad naman tayo ehh, saka na natin bayaran."
"Ate, nagugutom na ako, bili tayo pag kain," saad ni Shee.
"Sige tara, ay papa ayan po ang pera natin sa bag nayan itabe mo po iyan papa,"
Bubuksan ko sana ang pinto ay may komatok, pinagbukasan ko naman ito at nakita ko si Jerry.
"Ow Jerry bakit?"
"Ah, mam! ito pala bigay ni sir kunin mo,"
Nakita ko mga pag-kain at prutas may pa bolakak pa ito.
"Jerry asan boss mo?" tanong ko rito dahil nagulat ako sa mga dala ni Jerry bakit ganoon ka dami.
"Nasa loob po mam,"
"Sige pasok ka" pag aya ko rito para pumasok.
Tinulungan ni Shee si Jerry sa mga dalang pag kain dinala nila ito sa sala sinarado kuna rin ang pinto.
"Kilala mo sya anak?" Tanong ni papa.
"Oo papa taga diyan siya sa kabilang kwarto."
"Bakit my bulaklak nanliligaw ba sa iyo?"
"Hahaha!" tinawanan ko si papa. "Hiindi po papa ah wag ka
mag isip ng ganyan,"
"Oo boss, wala pong malisya iyan at inutus lang ho ni boss ko sa akin na ibigay iyan sa inyo para hindi na po daw lumabas si miss ganda," saad ng lalaki.
"Ganoon ba iho, Sige kung ganoon salamat paki sabe sa boss mo," sabi ni papa.
"Makakarating po boss," saad naman ni Jerry.
"Salamat Jerry," saad ko.
"Walang ano man po mam at pasinsya narin sa asal namin
kanina,"
"Uhm, okay lang iyon alam ko naman kung bakit nyo ginawa iyon para sa kalistasan ng madam ninyo"
"Salamat mam," saad niya habang ngumeti ito, at nag paalam na rin sya. "Paano mama, mauna na po ako,"
"Sige Jerry, salamat uli hinatid ko na si Jerry sa labas ng pinto.
"Papa pupunnta lang po ako sa kabilang kwarto ahh may lilinawin lang ako," paalam ko kay papa.
"Oi si ate Flair may manliligaw na," panunukso ni Shee.
"Shee wala payan sa isip ko kaya wag kang ganyan,"
"Oo nga Shee, wag mo ganyanin ang ate mo." sabat ni Papa para huminto kami sa asaran namin.
"Aalis na ako papa, tatanongin ko lang siya kung siya iyong ng bayad ng bill natin, alis nako pa! Shee, kumain na lang kayo, ikaw rin papa kain kana habang tulog pa si mama,"
"Sige anak,"
Tumalik na ako, at iniwan ko na sila papa. Paglabas ko ay nakita ko na agad sila Jerry at Joel.
"Hello mam," bati nilang dalawa.
"Hello! Anjan ba si Gab?"
"Yes po mam!"
"Okay," at kumatok na ako.
"Knock-Knock," tunog ng pinto.
Bumukas naman ito, si Marie ang ang niluwal ng pinto. "Hello ate Flair," bati nito sabay yakap sa akin. "I miss you," saad nito.
Niyakap ko rin siya. "Hello Marie, i miss you too, na miss mo agad ako."
"Opo, because i like you," saad nito ng naka ngiti.
"Ow, sweet naman ng baby girl nayan."
"Kuya, andito si ste Flair, " tawag niya rito.
"Ow, hello napa rito ka."
"Gusto lang kita makausap."
"Okay sure, Shee samahan mo muna si mommy."
"Opo kuya," at tinungo na niya ang bed ng mommy niya.
Nag punta naman kami sa sala.
"Uhm, hindi ako magtatagal dahil uuwe na rin ako, tanong ko lang kung, ikaw ba ang nag bayad ng bill namin?"
"Uhm, yes"
"Maraming salamat sa lahat" Habang pinipigilan ang pag tulo ng luha,
"Walang ano man iyon, maliit na bagay lang iyan kumpara sa ginawa mo para sa amin."
Tuluyan ng lumabas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Maraming salamat sayo, malaking tulong na iyon,"
Hinawakan niya ang ulo ko at hinimas, "Tahan na, para kang bata,"
"Hayaan muna, masayang-masaya lang talaga ako, dahil hindi na ako mahihirapan sa gastusin ni mama."
"Masaya ako na masaya ka,"
"Eh," saad ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Okay kana ba?"
"Oo salamat sayo, hindi ako magsasawang magpasalamat sayo."
"Same to you, habang inaalagaan mo si papa, hinding hindi rin ako magsasawang tulungan ka."
"Wag ka mag alala, ako bahala sa daddy mo."
"Uhm, habang nandito ako sa ospital ako bahala sa pamilya mo rito."
"Salamat talaga, o siya hindi na ako magtatagal,"
"Uhm, Sige."
Tinungo ko kung saan ang mommy ni Gab, "Hello tita, kumusta po?"
"Hello, Iha buti na pasyal ka, Okay lang naman ako."
"Opo, napadaan lang ako, uuwi na rin kasi ako mamaya, para madalaw ko po asawa ninyo."
"Salamat iha, i kamusta mo nalang ako sa kanya,"
"Sige po tita, makakarating po."
"Ako rin ate," sabay abot ng teddy bear, "Pabigay nito kay daddy, sabin mo, para kahit magkalayo kami, eh maramdaman niya na kasama niya ako."
Tinanggap ko naman ito, "Makakarating ito sa kanya Marie," sabay hawak ko ang ulo niya at hinimas.
"Sige po tita, hindi na po ako magtatagal, aalis na po ako"
Tumango lang siya bilang ganti sa sinabe ko.
Hinatid ako ni Gab sa may pintoan, "Salamat, paano alis na ako, sabihan mo lang ako kung kailan mo gusto makita daddy mo."
"Sige, salamat ng marami,"
Nilisan ko na ang kwarto nila, nginitian ko si Jerry at Joel. Ngumit din sila bilang ganti sa pinakita kung asal saka nila.
Pumasok na ako sa kwarto ni mama, naabutan ko si papa na naka tulog si papa sa tabi ni mama, si Shee naman ay tulog sa Sofa,"Kawawa naman si papa at Shee, sigarodong pagod na pagod at puyat na puyat na sila na lage nalang dito sa ospital," bulong ko sa aking isipan.
Humiga din ako sa kabilang sofa, maya maya lang ay naka tulog din ako.
Nagising ako ng marinig ko ang tawag ni Shee sa akin."Ate! Ate! gising kana umaga na mag almusal na tayo."
Dinilat ko ang aking mata, nakita ko ang mukha ni Shee,
"Uhm, anong oras na pala Shee?" tanong ko rito kahit antok na antok pa ang aking mata.
"Alas nuwebe na po ng umaga ate,"
"Ha?" gulat kung sabi, sabay bangon.
"Bakit pala ate, okay kalang ba?" tanong nito na may halong pag aalala.
"Wala naman Shee, pero kailan ko na mag trabaho,"
"Ganun po ba ate, mamaya na lang almusal ka muna."
"Uhm, sige," tanging sabe ko na lamang para hindi na mag alala pa si Shee.