"Okay lang iha walang ano man," saad nito wt umalis narin siya para mag biyahe.
"Siya nga pala Ate Flair, pinakuha saakin ni papa ang ipon niya para lang ma operahan si mama dahil may tumor sa utak si mama, dahil malala na ito kaya inataki sya kanina sabe ng doktor buti hindi na bagok ulo ni mama ng ma tumba sya" Panimulang salita ni Shee.
Muli kung niyakap si Shee habang umiiyak parin ako, "Mabuti nalang Shee at okay lang si mama, akala ko napaano na siya."
"Oo ate, e pray natin na maging successful ang operation ni mama,"
"Oo She, tara na puntahan na natin si Papa," pag aaya ko rito.
Pumasok na kami ni Shee sa hospital, pinuntahan muna namin ang cashier para mag bayad, apatnapung libo ang nabayaran namin dahil naka discount kami ng sampung libo dahil sa senior discount ni mama. Nang matapos na kami makabayad ay pinuntahan na namin si papa, agad ko ni yakap si papa nag makalapit ako rito.
"Papa sana okay lang si mama," sabi ko habang naka yakap ka papa at napahagohol ng iyak.
"Tahan na anak! magiging okay rin ang iyong mama ipag pray nalang natin siya." saad ni papa habang inaalo niya ang likod ko.
Tumango lang ako bilang pag sangayon sa sinabi ni papa.
"Papa ito pala ang resibo ng bill ni mama, alis muna ako bibili lang ako ng makakain natin," saad ko habang pinopunasan ang mga luha ko. "Shee dito ka lang samahan mo si papa, ako na lang ang lalabas."
"Pero Ate,"
"Shee mas magiging kampanti ako na safe kayo at kung magkakasama kayo dito para kay mama, ako na ang lalabas dahil gabi narin, baja mapano ka pa sa labas," putol ko sa sasabihin niya.
"Sige na nga," saad ni Shee sabay abot saakin ng pera.
"Wag na Shee, may pera naman ako dito, sapat na pambili ng makakain natin save mo nalang yan para sa mga gamit na kailangan ni mama,"
Tumango lang si Shee bilang pag sangayon sa sinabe ko.
"Pa! Shee! alis na ako" paalam ko saka nila.
"Sige Anak, ingat ka" saad ni papa
"Ingat karin ate" pahabol na sabe ni Shee.
Umalis na ako matapos kung mag paalam.
Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada biglang pumasok sa isipam ko kung saan kami kukuha ng pera para sa pangangailangan ng gastosin ni mama sa hospital, "Iyong ipon nila mama at papa ay na gastos narin pano nalang kaya kami nito baka mapahinto pa si Shee sa pag aaral" mga salitang dumana sa aking isipan. Nabasag ang ilang sandaling katahimikan ng aking pag iisip ng makakita na ako ng karenderya, bumili na agad ako para makabalik agad.
"Ali, pabili nito, ito, saka ito narin, tapus bali 3 order nag kanin." agad kung sabe sabay turo sa mga ulam na napili ko.
"Sige iha sandali lang ha."
"Okay lang po manang,"
"Iha, ito na po ang order more bali dalawang limampu pesos lahat," sabay abot ng plastic bag.
Tinanggap ko naman ang binigay niya. "Ito po ang ang bayad manang, salamat po" saad ko sabay abot ng pera, hindi naman madami ang costomer kaya hindi natagalan si ali mag sukli saakin. Pag ka kuha ko ng sukli agad na ako umalis pabalik sa hospital. Mabilis ang lakad ko kaya Ilang sandali lang ang nilakad ko naka rating na agad ako hospital.
"Papa! kumusta naipasok naba sa mama sa operating room?" agad kung tanong ka papa.
"Oo Iha, antayin nalang natin ang result pagkatapos ng operasyon,"
"Sige Papa! peru kumain muna tayo para may lakas tayo mamaya,"
"Sige mga anak!"
Nang matapos kaming kumain ay inantay namin na matapos ang operasyon ni mama. Lumipas limang oras ay lumabas na doktor na nag operama kay mama.
"Dok, kumusta pi si mama?" agad kung tanong.
"Wag kayo mag alala successful ang operasyon niya, maya maya lang ay illipat na namon cia sa private room dahil presko pa ang mga sugat niya kaya kailangan siya lang mag isa sa kwarto wag kayo mag alala ilalagay namin siya sa pinaka murang private room PR-C10." paliwanag ng doktor.
" Sige ho dok, salamat po ng marami."
Masaya kami nila Papa at Shee, dahil sawakas nadadagdagan pa ang buhay ni mama, pera nalang ang poproblemahin namin.
May sumunod na lumabas na nars."Mam, paki abang nalang po sa kabila, kasi ililipat na namin ang pasyente sa PR-C10, doon namin siya ilalabas," saad ng nars.
"Sige po" saad naman ni Papa.
Ako na ang ng representa kaya umalis na sila papa at Shee sa operating room ng antay nalang sila sa labas.
"Pa, Shee, mag kita nalang tayo mamaya sa kwarto okay" saad ko saka nila.
Tumango naman si Papa at Shee.
Pomunta na ako kung saan tinoro ng Nars kanina kung san ako mag aabang. Mga ilang minuto lang lumbas na si mama sumonod nako kung san sila pupunta maya maya lang pumasok na kami sa isang di kalakihang kwarto peru okay naman dahil may sariling cr at dining area with tv kaya magiging comportable naman kami kumilos.
"Alis na po kami mam, susunod mamaya dito sa dok," Paalam ng nars ng matapos nila maayos si mama at mga gamit nito.
"Salamat" sabi ko saka nila.
Agad kung tenixt si Shee kung saan kaming room banda, maya maya lang ay agad naman silang dumating. Ilang minuto lang ang lumipas ay sumonod naman dumating si dok.
"E che-chek kulang sandali si nanay at mamaya pupunta ang nars dito para sa mga gamot at resita,"
"Sige po Dok, salamat" saad ko rito.
Matapos ma chek ni dok si nanay nagbigay din sya ng mga payo na bawal para kay nanay, matapos niyang sabihin ang mga bilin niya ay umalis narin agad si dok, ilang minuto ang lumipas dumating ang nars.
"Mam, ito napo iyong mga gamot ni nanay na pwede bilhin wala kasi mga iyan sa stock namin,"saad ng nars.
"Sige ho nars, salamat po!" saad naman ni papa. "Anak, ito pera pambili pero bukas muna bilhin mga iyan delekado na pag lumabas ka ngayon" sabay abot ng resita at pera.
Kinuha ko iyon bigay ni papa dahil wala narin akong pera, "Sige Papa agahan ko nalang po bukas, Shee, matulog kana rin, mag halfday kana lang bukas anong oras narin o, ako nalang bahala kay mama muna. pa ikaw din mag pahinga kana jan alam kung pagod na pagod kana, doon na kayo sa sofa matulog ako nalang sa tabi ni mama."
"Sige Anak salamat"
Lumapit na ako kay mama, “Mama pagaling ka po wag ka mag isip sa gastosin ako na po ang bahala, ang isipin mo ang gumaling ka agad." bulong ko sa hangin. Hawak-hawak ko ang kamay ni mama habang haggang sa nakaidlip na pala ako.
Nagising ako dahil ginising ako ni papa.” Iha, anak ako na muna jan kay mama mo, matulog ka muna doon sa sofa”
“ Pa! anong oras na pala?”
“Alas singko e-medya na anak,”
“Ah, sige pa, labas na muna ako bibili lang ako pang almusal nati,”
“Anak, isabay muna rin ang mga gamot kung may bukas ng butika,” saad ni Papa.
“Okay po papa,” sabay alis pagkasabi ko rito.