7

1978 Words
Mandy POV Ilang minuto na ang nakalipas pero nakatitig pa rin ako sa pancake na nasa harapan ko. I know, male-late na ako sa klase pero wala talaga ako sa sarili ko ngayong araw na'to. Kanina palang paggising ko--oh, wait, hindi nga pala ako halos nakatulog. Bangag ako. Para akong naka-drugs. Kasalanan 'to ng lalaking 'yun! Psh. That James Abellano is really annoying! Kahapon.. "Please remember me. I'm longing for you." Bulong niya. Itinulak ko siya dahilan para makaalis ako sa pagkakayakap niya. "What?!" Ngumisi siya pero kita ko naman sa mga mata niya 'yung sadness. What's with him? "Mandy Aguilar.." "What?!" "Gagawin ko ang lahat.." "Lahat?" "Para 'yang puso mo, tumibok muli saken." Pagkasabi niya ay nag-walk-out na siya. Damn! I can't even understand him! Hindi ko alam kung bakit ganoon siya um-akto. What's really with him? Nakakaloko na! Pero 'yung last na sinabi nya sa'ken, nakaka-letse! Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko. Arrghhh! That guy must be insane at talagang trip niya lang ako. Akala niya ba palalapampasin ko ang mga ginagawa niyang pambabara sa'kin? Tingnan lang natin! Demonyita ako, baka nakakalimutan niya. Kahit nababahag ang buntot ko tuwing kaharap ko siya ay hindi na ako gagawa ng paraan para maka-ganti man lang sa kaniya. "Problem? Male-late ka na." Nag-angat ako ng tingin. Si Thunder na mukhang kagigising lang. "Maaga pa." Tumingin siya sa wall clock dito sa kusina saka muling ibinaling ang tingin sa'ken. "Are you serious? Literal na maaga pa, dahil umaga na. Pero sa oras ng klase mo, late ka na. You should go by now." I rolled my eyes. "Hindi naman ikaba-bagsak ng Pilipinas kung male-late ako. Psh. Isa pa, hindi naman mababawasan ang sweldo ng professor ko kung ma-late ako." Katwiran ko. Natulala ako eh, anong magagawa ko? Napailing na lamang siya. "What the. Tch. Ganda ng katwiran mo. Pwede ka ng c*m laude." Sarkastiko niyang sabi. "Psh." Tumayo na ako saka muling tumingin kay Thunder. "Stop rolling your eyes. 'Di mo kinaganda 'yan, Mandy." Natatawang sabi niya. "Whatever!" Sagot ko. Tumawa lang ulit siya habang umuupo sa dining table. Mabulunan ka sana, kulog! "Makapasok na nga. Baka makapasok pa ako sa dean's lister. Isa pa, kawawa naman 'yung mga taong pumapasok ng maaga para masilayan ang kagandahan ko." Pagkasabi ko'y inirapan ko siya na tinawanan niya lang lalo. Ni isang subo ng pagkain, 'di ko nagawa dahil sa James na 'yun. Kasalanan niya 'pag kumulo ang tiyan ko sa gutom mamaya! Nagtungo ako sa living room then I grabbed my bag from the couch. Lumabas na ako ng mansyon at doon, nakaparada na ang kotse na maghahatid sa'kin. It's irritating sometimes. Kaya ko naman mag-drive. I can drive on my own going to school but hell, they didn't allow me. Baka daw mapahamak lang ako. What the hell? I'm not a kid anymore. Ang haba na nga ng sungay ko. Psh. Sumakay ako sa passenger seat. Agad na pinaandar ng driver ang kotse. Ma-late man o hindi, it's not important. Ang mahalaga ngayon, makaganti ako sa lalaking epal na gwapo--este na, na ano. Ah basta! 'Yung James na iyon. - James POV "You're so epal talaga, Patrick! I'm gonna bunot your hair sa kilikili eh!" Dumudugo na naman ang ilong ko sa kapatid kong conyo. Pero sabi niya, hindi daw siya conyo. Remix daw tawag sa salita niya--fancy language. Pinaghalong tagalog at english daw eh. "Tumigil ka, bubwit. Tch. Po-porma pa ako kay Mandy ngayon." She rolled her eyes at me. "You're so panget kaya, Patrick. And like duh! She's demonyita, don't porma to her. Take her to hell. I bet she's magiging masaya." She laughed out loud. Damn. "Dami mong alam. Isa ka ring demonyita." "Oops. Take note. It's little. Okay? The mini version. Don't compare me nga kay Mandy. Even if I'm boto to her, I'm still naiinis kasi she can't alala you. I'll buy martilyo nga later then I'll make pukpok her ulo." Kainaman naman. Daming alam ng kapatid kong 'to. Pero naiintindihan ko siya. Saksi naman siya na minsan natutulala nalang talaga ako. Ikaw ba naman ang hindi maalala ng taong mahal mo. Nakaka-baliw din. Nilalakasan ko na nga lang ang loob ko. Sa araw araw na makikita ko siya, malaking pagpipigil ang ginagawa ko dahil gustung-gusto ko na syang mayakap, mahalikan at sabihing mahal na mahal ko siya. But I can't. Hindi ko napipigilan minsan pero dapat kong pigilan. Gusto kong makatulong sa pagbabalik sa memorya niya. Para maalala na niya ako. "Hey, Patrick! We're here at SWU na. You're natutulala na naman." Natulala na naman ako. Natauhan lang ako sa boses ng kapatid ko. Tumingin ako sa bintana ng kotse. Narito na nga kami sa school. Hindi ko man lang namalayan. Bumaba na kami ng kotse. Hinatid kami ng driver namin. Kaya ko namang magdala ng kotse kaso balak kong makisakay kay Mandy mamaya. Da'moves lang. "Aahhhhh!" Akala ko kung ano na 'yung hiyawan. Grupo pala ng mga babae na nasa apat na nakatingin sa'kin. Tch. "Abellano 'yan!" "Oo nga! Ang gwapo nya!" Napailing nalang ako. Aminado ako, hindi naman ako sikat na sikat dito sa SWU tulad ni Lance pero gwapo eh, what do you expect. Saka sikat ang Abellano dito. Abellano brothers tawag sa'min ni Lance. Tapos itong kapatid kong remix magsalita, sikat din kaya kilala kami. "You, you, you and you! Don't make tili nga. My eardrums are nababasag na! So lande ha! Study muna bago lande!" Mataray na sabi ni Fancy. Nagtahimikan naman agad 'yung grupo ng mga babae. Natawa nalang ako. Katarayan talaga ng kapatid ko, manang-mana kay Lance eh. "So, bye na Patrick. I'm going to my room na! Goodluck. I know you're doing your best for demonyita." She said then smiled at me. Ngumiti rin ako sa kanya. Kahit ganito ang kapatid ko, alam kong concern din siya sa'kin. Tumakbo na siya sa may hallway. Ako naman ay sa may quadrangle ang daan papuntang department ko. Makikita ko na ulit si Mandy. Damn, kung pwede lang na turukan siya ng pampawala ng amnesia, nagawa ko na. Pero mabuti ng ganito. Kahit hindi pa niya ako natatandaan, ang mahalaga, buhay siya. Buhay ang Mandy ko. Naglalakad na ako sa may hallway papunta ng room nang may humarang sa'ken na babae. Tiningnan ko lang siya. "James Abellano, I like you!" Muntik nakong mabilaukan sa sinabi niya. "Ha?" She smiled at me. "I like you." Aba, lakas ng loob. Lakas talaga ng karisma ko. "Sorry miss, no one is allowed to like me." Nagulat siya sa sinabi ko. "W-why?" Kitang kita ang pamumula ng pisngi niya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Lalo siyang namula. "May nagmamay-ari na sa'kin. Demonyita 'yun. You have no idea kung anong kaya niyang gawin sa mga babaeng umaaligid sa'kin." I smirked saka siya nilagpasan. Feel na feel ko putek! Siyempre, kahit 'di pa ako naaalala ni Mandy, kailangang loyal ako. Mabuti nang habang maaga eh, nabibigyan ko na ng warning ang mga babaeng magkakagusto sa'ken. Iba si Mandy, may pagka-possessive 'yan. Pagpasok ko sa room ay nandito na pala ang professor. Putek, na-late pa. "Mr. Abellano, you're late." "Sorry." Simpleng sabi ko saka pumunta na sa upuan ko. Napatingin ako sa upuan ni Mandy sa tabi ko. Wala pa siya. Tch. Hindi siya pwedeng um-absent ngayon. Makikisakay pa man din ako sa kaniya mamayang pauwi. "Miss Aguilar, you're late." Napatingin ako sa unahan. Kararating din lang pala ni Mandy. Ang ganda niya talaga. Sarap yakapin. Tch. "So what?" Mataray na sagot ni Mandy sa professor. Kainaman naman! Demonyita talaga 'tong future bride ko. "Miss Aguilar." Out professor said on her warning tone. Mandy rolled her eyes. Saka nag-martsa papunta dito sa upuan niya. Hindi na siya pinansin ng professor dahil nagsimula na itong magsalita ulit sa harap. Padabog na umupo si Mandy sa tabi ko. Aga aga, nayayanig ang buong pagkatao ko sa pagdadabog ni Mandy. Aayain ko nga 'tong magpakasal mamaya. Haha! "Okay, get one fourth. We'll have a quiz." Sabi ng prof. Putek! Anong quiz 'yan? Wala akong inaral. Hayaan na nga. Asa nalang sa stocked knowledge. Binuksan ko ang bag ko pero may naalala ako. Wala nga pala akong papel. Tumingin ako sa kaklase ko na nag-confess sa'kin kanina. Kaklase ko pala siya at sa unahan ko naka-upo. "Miss." Bulong ko. "Penge namang papel." Ngumiti siya sa'ken ng pagkatamis-tamis saka inabutan ako ng papel. Iba talaga 'pag gwapo. Nakangiti kong kinuha ang papel pero may biglang umagaw niyon. Napatingin ako sa tabi ko. At si Mandy pala iyon. Nawala ang ngiti nung babaeng nagbigay ng papel saka humarap nanguli sa harap at tinalikuran ako. Pagtingin ko ulit kay Mandy, pinunit nya ang papel at inapakan. What the hell? "Bakit mo pinunit?" Tanong ko. Masama ang tingin niya sa'kin saka isinaksak sa dibdib ko ang isang pad na papel. Putek! No bang nangyayari dito kay Mandy? "Ready?" Tanong ng professor. Binilisan ko ang pagpilas ng papel saka ibinalik kay Mandy. Napanhiti nalang ako. Dumada-moves sa'kin si Mandy. Ayaw niya yatang gumamit ako ng papel galing sa ibang babae. Gusto pa eh sa kaniya. Tungunu! Marunong magpakilig. Nagsimula ang quiz. Nakangiti ako habanh pinapakiramdaman si Mandy. Nakikita ko sa peripheral viaion ko na nakasimangot siya. What's her problem? wala naman akong ginagawa pang pang-aasar sa kaniya ah. Talaga naman, oo. - Mandy POV Nakakairita 'tong mukhang palaka na'to na nasa harap namin. Sino ba siya? Hindi naman siya maganda pero bakit siya hinalikan ni James kanina? Kitang-kita ko kanina sa may hallway. Si James pa ang halik sa kaniya. Psh. Ganyan ba mga type ng lalaking 'to? Akala ko ba may Ynna na siya? Salawahan! Tapos nanghingi lang ng papel si James, makangiti parang wala ng bukas. Naiinis ako sa mukha niya. I want her to evaquate her face. Psh. Ito namang lalaking 'to feel na feel pa. Akala mo ang gwapo gwapo. Hmp. Inagaw ko nga ang papel na dapat ay para kay James at pinunit iyon. Inapakan ko pa. Ganoon ang gusto kong gawin sa babaitang ito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nanggagalaiti ako ngayon na gusto ko siyang kalbuhin. At dahil pinunit ko ang papel. Pinalitan ko nalang at sinaksak sa baga ni James ang isang pad kong papel. Psh. Bwisit! Nakakasira ng araw. May pangiti-ngiti pa tapos nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa'ken ang James na'to. Akala niya free ang papel? Mamaya, malalagot siya sa'kin, akala niya. Psh! "Mandy.." mahinang sambit sa'kin ni James. Tumingin ako sa kaniya. "What?" Nakasimangot na tanong ko. "Anong sagot sa number 9?" I sighed and rolled my eyes. Ako pa tinaanungan niya ng sagot. Eh mula number 1, wala pa akong sagot. Letse na'to. "Don't talk to me." Pagtataray ko. "Sus, wala kapang sagot mula sa 1. Gusto mo kopyahin sagot ko?" Tanong niya. Ang yabang, akala mo sinong matalino. Nakasulat sa board ang questions sa quiz at hindi ko pa feel magsagot 'no. Umirap lang ako sa kaniya. Pero ipinatong nalang niya basta ang papel niya sa table ko. I looked at his paper. James Patrick Abellano Business Administration 1. I 2. Love 3. You 4. Will 5. You 6. Be 7. My 8. Wife? 9. 10. What kind of paper is this? Tumingin ako sa board. Iba naman ang mga tanong at walang connection ang mga sagot niya. "Answer number 9 for me. Yes or No lang." He whispered na nagpatindig ng mga balahibo ko. What was that? Binasa ko ulit mga sagot niya at doon ko na-gets. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ramdam ko din na nag-iinit ang mga pisngi ko. Letseng lalaki 'to, anong pakulo 'to? "Kinikilig.." narinig kong bulong niya. Parang uusok ang ilong ko sa inis. Bakit ba ako apektado sa mga ganto. Arggghhh! Sinampal ko sa kaniya ang papel niya aaka nag-walk-out. Lumabas ako ng room. I need to calm myself. Ahit! That guy is...arrghhhh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD