5

1609 Words
Mandy POV "I'm going to school." Paalam ko kay Thunder na abala sa laptop niya. "Ingat." Aniya. Psh. If I know, may tinatago siya sa'ken pero 'di bale na! Wala na din naman akong gana sa James Abellano na 'yon. He's with Ynna. Ewww kaya! Magsama sila. Kahapon, nang makita ko siya, iba talaga ang feeling eh. May something dito sa dibdib ko. Nakakairita na ha! Tapos 'di ko pa nalaman ang pinag-usapan nila ni Thunder dahil 'di ko na siya nasundan kahapon. Bwisit! Ang hirap ng ganitong may iniisip. Kainis sila! Magsama-sama sila. Sumakay na ako sa kotse. May driver ako. Syempre, mayaman ako eh. Saka kawawa naman ang mga kamay ko kung mapapagod sa pagda-drive. Marami pa akong sasabunutan mamaya sa SWU. Maya maya ay nakarating na ako sa SWU. Bumaba ako ng kotse with my head up and with pose. Mandy Aguilar 'to, ang babaeng hindi nila binabangga. Everyone is afraid of me. Kung ang tulad ko ba naman na demonyita ang kakalabanin nila, aba, magpakalunod na sila sa pool para hindi sila magliyab sa apoy na bumabalot sa pagkatao ko. Naglakad ako. Halos lahat ay nakatingin sa'ken. Sige, sambahin niyo ako. Psh. "Hoy Mandy Aguilar! Sa'yo ba 'tong pink card na 'to? Ba't may nakadikit na ganito sa mga locker ko ha?" I rolled my eyes and held my breath. Lumingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. I smiled sarcastically. "Be careful, girl. Pronouncing my name with that kind of tone? It irritates me. Really." Hinablot ko ang buhok niya. "Don't you dare mess up with the devil or else..." I said saka inagaw ang pink card na hawak niya. "Ito ba? Hindi pala dapat sa locker mo nakadikit 'to. Dito!" Sigaw ko saka idinikit ang pink card sa noo niya saka siya binitawan. Napaupo siya sa semento. Ako pa talaga ang kakalabanin niya? Ako na walang awa at walang puso. Pure demonyita as it is. "Napakademonyita mo talaga!" Sigaw niya. "Yes I am. Hindi ka pa masyadong na-inform. Psh." Sabi ko saka nagtuloy na sa paglalakad. Kinuha ko ang sanitizer sa bag ko at nag-apply sa kamay ko. Baka may kuto siya, ewww! Baka dumikit pa sa kamay ko ang germs. Ang ibang estudyante napapa-atras na sa pagdaan ko. Makita ba naman nila ang ginawa ko sa babaeng gaga na 'yon. Nilagyan ko siya ng pink card sa locker niya. Nairita kase ako. May red rose kase sa locker niya kahapon. It irritated me so dinikitan ko ng pink card. Naglalakad na ako sa hallway nang mapatigil ako. That guy standing outside our room. James Abellano.. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin, nanghihina ako. Nawawala 'yung pagka-demonyita at confidence ko. What's with him? Eh boyfriend naman siya ni Ynna-ng malandi ah. Saka bakit ba ganyan siya makatingin sa'ken? Hmp. Akala naman niya nagagwapuhan ako sa kaniya? Well, oo pero..ah basta! Kainis. Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad. Ayokong ipakita sa kaniya na parang nasisindak ako sa kaniya. Seriously, siya dapat ang masindak sa'ken because I'm the famous demonyita of SWU. Nang makalapit ako sa pinto ay napatigil ako dahil iniharang niya ang braso niya. Seriously? What's his problem? Tiningnan ko siya ng masama pero 'yung kabog sa dibdib ko, iba. "Hey!" Sigaw ko. Pero sa halip na masindak ay nginitian pa niya ako. Baliw ba siya?! Nakita na niyang nag-uusok na ang ilong ko sa inis tapos ngingiti pa siya? At..at bakit..shit! Bakit ako naga-gwapuhan sa lalaking 'to? "Goodmorning, Mandy. Maganda ka pa sa umaga." He said and winks at me saka niya inalis ang braso niyang nakaharang sa pinto. Nanggigil ako...sa kilig--I mean sa galit. What the hell?! Bakit ganito ang pakiramdam ko! Walang lumalabas na salita sa bibig ko. I want to shout at him pero umurong ang dila ko. This guy..argh! Nag-martsa ako papasok sa room. Nakakainis siya! Bakit nawawala ang ka-demonyitahan ko sa harap niya? It's irritating! Humanda siya! Makakatikim siya ng pink card sa'ken. Matakot na siya because he'll be dead. Lahat ng tao dito takot makatanggap ng pink card ko. Tingnan lang natin, James Abellano. Kabago-bago dito, ganyan na umasta. Bwisit! - James POV I really want to laugh. Kung hindi ko lang mapigilan ang sarili ko baka nahalikan ko na si Mandy kanina. She's so cute trying to show his demonyita side on me but she can't. She maybe forget me, but her heart? Kilalang-kilala ako. Kaya nga natatameme siya sa harap ko. And I like what I'm doing. Ipapakita ko sa kaniya ang James Abellano na nakilala niya. 'Yung jolly at mapang-asar. Gusto kong matulungan siyang makaalala kaya sisimulan ko sa kung paano kami nagkakilala. Nakaupo ako ngayon sa tabi niya. Kanina pa siya nakasimangot. Dalawang subject na ang dumaan but still, she's not smiling. At alam kong dahil sa'ken kaya siya nakasimangot. Kunwari pa, kinilig naman kanina. Totoo naman eh. Maganda pa siya sa umaga. Damn, she's my Mandy. She's the most beautiful woman in my eyes. Masakit man saken na ako ang nakalimutan ni Mandy, masaya naman ako na may ganito ang chance na matulungan siya na maibalik ang alaala niya without her knowing. Mas makakabuti ng wala siyang alam, 'yung kusa nalang babalik ang alaala niya dahil sa mga gagawin ko. Hinulog ko ang ballpen ko sa may tapat niya. "Oopss." Tumingin siya sa'ken saka sa ballpen ko na nasa sahig. She gave me the "what-look" I smiled at her. "Can you get it for me?" Mahinang sabi ko. She faked a smile then.. Damn it! Sinipa niya ang ballpen ko. Mas napalayo talaga. Demonyita talaga! Pero hindi. Hindi ako magpapadala sa ka-demonyitahan niya para lalo siyang mainis sa'ken. Ngumiti ako saka inilabas ang isang box na ballpen mula sa bag ko. "Oops, ang dami ko palang ballpen." Sabi ko sa tonong nang-aasar. And she was like, oh umuusok na ilong niya. Hindi niya inaasahang may pan-tabla ako sa ginawa niya. Ang sama na ng tingin sa'ken. Ang nakakatuwa lang sa kaniya, hindi siya masyadong nagsasalita sa harap ko. Lagi siyang nagpipigil ng inis and that makes me laugh at her. Ang cute niya magpigil ng inis. Pati 'yung panlalaki ng mata niya 'pag nakikita ako. I was overwhemed kase alam kong malakas ang impact ko sa kaniya. Ngumiti ulit ako sa kanya saka tumingin sa prof sa unahan. Itinaas ko ang kamay ko. "Yes, Mr. Abellano?" "I believe that Miss Aguilar needs to go to clinic so if you'll let me, sasamahan ko na siya." Kumunot ang noo ni Mandy. She's looking at me na parang nagtatanong. "Ganoon ba, sige. Pakibilisan niyo na lang." Sabi ng prof kaya tumayo na ako at hinila sa kamay si Mandy. Nang makalabas kami sa room ay hinigit niya ang kamay niya. "What the hell? Anong sinasabi mong kailangan kong pumuntang clinic ha?!" Sigaw niya. I looked at her smiling. "Kailangan mong malagyan ng kool fever. Ayan oh, nag-aapoy na ang awra mo." And there, I laughed. Kitang-kita ang pagkainis niya. "Nakakainis ka na! Pilosopo ka! Feeling close ka pa ha!" Hinampas niya ako. "Aw-awww!" Nahawakan ko ang kamay niya. Tiningnan ko siya ng masama at para naman siyang nagulat. Napatigil din siya at nakatingin lang sa'ken. "You." Sabi ko. "W-What?!" Sigaw niya pero alam kong kinakabahan siya. Wow, iba talaga ang dating ng isang James Abellano--na may ABS na. "Will pay for this." Seryosong sabi ko. Trying to frighten her. "A-Ano? What are you saying?!" Kinakabahang tanong niya. Ngumiti na ako. Yung panlalaki ng mata niya, the best. Halatang kinakabahan. Walang sabi-sabi'y hinalikan ko siya sa labi niya. Natigilan siya. Ilang segundo ding magkalapat ang mga labi namin nang bigla kong inilayo ang labi ko sa labi niya. I looked at her and her eyes were close. "Taste good." Sabi ko saka siya binitawan. Doon naman siya nagmulat ng mata at hindi makapaniwala sa ginawa ko. Pulang-pula ang mukha niya. "Ahhhhhhh! Bwisit ka!" Sigaw niya saka nagtatakbo palayo. Mandy Aguilar will always be Mandy Aguilar. I'm having a good time helping her to remember me. He's affected with my kiss. This is just the start. I will do everything to bring back her memories. I just laughed a little saka bumalik sa loob ng room. - Mandy POV Kainis! Kainis! That guy! Nakakainis talaga. Anong karapatan niyang halikan ako, ha? At..at..hindi ko matanggap na napapikit pa ako! Nakakahiya! Anong iisipin niya? Na nagustuhan ko ang halik niya? In his dreams! Kumokota na talaga sa'ken ang James Abellano na 'yun! Humanda siya sa'ken! Ako pa talaga napag-trip-an niya ha? Hindi ako makapapayag na 'di ako makakaganti! Pero.. Bakit, bakit gano'n ang epekto niya sa'ken? Lalo na ang halik niya. Bakit nang maramdaman kong lumapat ang labi niya sa labi ko, pakiramdam ko ay sanay na ako sa labing iyon. Iyong pakiramdam na hindi bago ang pakiramdam na nahalikan niya. Kaya nga napapikit ako. Pero hindi! Ito ang unang beses na nahalikan niya ako dahil kaka-transfer lang naman niya. Baka.. Oh my god. 'Di kaya witch na lalaki ang James Abellano na 'yan? He's putting a spell on me kaya parang nababahag ang sungay ko sa kaniya. Baka may anti-demonyita power siya? God! Ano nabang iisipin ko sa lalaking 'yon! Hindi na ako natutuwa. His smile.. Ano namang meron sa ngiti niya! Bwisit siya. Ang lakas lakas ng impact niya sa'ken! At oo nga pala, anong karapatan niyang halikan ako eh boyfriend siya ni Ynna-ng malandi? Napaka-salawahan niya! Manloloko! Psh. Pagbuhulin ko talaga sila ni Ynna eh. Huminga ako ng malalim. Narito ako sa may SWU quadrangle. Kalmado na ako. Babalik na ako sa room at gagawin ang aking paghihiganti sa James na 'yon. Humanda na siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD