James POV Masaya ako dahil unti-unti ko na ulit nararamdaman na malapit nang makaalala si Mandy. Iyon lang naman ang inaantay ko, e. Kapag nakaalala na siya, hindi na ako magdadalawang isip na alukin siyang magpakasal. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng 'yon, kahit pa demonyita iyon. Nag-beep ang phone ko. May message ako sa messenger. Si Mama. Pauwi kasi siya ngayon dito sa Pilipinas galing abroad. Nagpakasarap siya doon, e. Tch. Hindi ko na nga siya tinatanong kung saang bansa siya pumupunta. Hinahayaan ko nalang. Iyon na kasiyahan ni Mama, e. Jamie Tan Anak, in four hours, nasa NAIA na ako. Aasahan kita doon. Love you baby james. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Hanggang ngayon bine-baby pa din ako ni Mama. Iba talaga kapag only child. Susunduin ko nga pala siya mamaya. Mabuti nal

