James POV Nakasandal ako rito sa grills sa gilid ng hallway sa tapat ng room namin kung saan hinihintay ko ang demonyita ng buhay ko. I need to talk to her. Desidido na akong kausapin siya tungkol sa past namin at sa mga nangyari. Ipapaalam ko sa kaniya lahat lahat. Kung kailangan kong i-kwento lahat mula't sapul, gagawin ko. Kung kinakailangan kong magpakita ng ebidensya o magharap sa kaniya ng testigo, gagawin ko. Gagawin ko lahat, para sa kaniya. Wala na akong pakialam sa sinasabi ng gagong psychologist na Thunder na iyon na 'wag biglain si Mandy dahil lalo lang siyang lumalayo sa 'kin. At hindi ko mapapayagang mangyari iyon. Lungkot, sakit at hinagpis ang naranasan ko nang akalain kong namatay si Mandy. At ngayong alam kong buhay siya, ang lahat, makaramdam man ako ng sakit o kabig

