Chapter 2: Video

1943 Words
Noong una, nagtataka pa ako kung nasaan ako. Like, never in my life it ever happen that I wake up from someone’s bed. Kaya ganoon na lamang ang hintakot at kaba ko ng mapagtanto na wala ako sa kwarto ko. Natulala muna ako ng ilang sandali bago pumasok sa isip ko ang mga pinaggagagawa ko noong nakaraang gabi. Nasapo ko ang noo ng parang isang palabas sa sine na pumasok ang lahat ng alaala sa utak ko. I can’t believe na nagawa kong makipag one night stand sa lalaking hindi ko kilala! Worse of all, ni hindi ko man lang alam kung anong hitsura niya! My Ghad Mayumi! Anong kahangalan ang pumasok sa isipan mo at nagawa mo ‘to?! Hindi na ‘ko nag-aksaya ng oras. Bumangon na ako para magbihis. Nakita ko ang suot ko kahapon na nakatupi sa side table. Kinuha ko ‘yon at tumakbo ako papunta sa isang pintuan na tingin ko ay CR. Hindi naman ako nagkamali. Mag-isa lang ako sa kwarto. Wala na ‘yong lalaking nakakuha ng cherry ko at hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na wala siya o dapat ba ‘kong mamroblema. I know that it’s my fault that this happen. Sa pagkakaalala ko, ako ang unang humalik sa kanya! Ako ang unang tumikim sa kanya kaya mabuti na ring hindi ko siya nakagisnan dahil baka hindi ko siya matingnan sa mata. Sa kabilang banda, parang mas maganda ata na nakita ko ang mukha niya para naman makilala ko kung sino ‘yong lalaking unang tumikim ng cherry ko. Paano kung mabuntis ako? Paano ko siya hahagilapin? Speaking of that! Bigla akong natulos sa kinatatayuan ng mapagtanto ko na hindi kami gumamit ng proteksyon! O M G!! Paano nga kung mabuntis ako?! Saan ko hahagilapin ng ama ng magiging anak ko? No! Hindi dapat ‘yon ang pino-problema ko ngayon. Dapat ay hindi ako mabuntis! Ang alam ko may nabibiling morning after pill para ma-prevent ‘yong pagbubuntis! Sa naisip na ‘yon, mas lalong bumilis ang naging kilos ko. Hindi ako pwedeng babagal-bagal kasi kapag nabuntis ako, wala ng urungan iyon! Siguradong mapapalayas din ako ng mga magulang ko! Paglabas ko ng kwarto, doon ko palang napansin na sobrang lawak at laki ng bahay. No, mansyon ang tawag sa ganito kalaking bahay. Nilakad ko lang ang daan na sa tingin ko ay papunta sa hagdan. Nakapagtataka na wala akong nakikitang tao. Samantalang kagabi, halos hirap akong makalusot sa dami ng tao. Nang makababa ako sa first floor, saka ako nakakita ng mga katulong na naglilinis. Hindi ko na alam ang daan palabas kaya lumapit na ako sa isang katulong na nagpupunas ng mesa. “Excuse me, saan po ‘yong daan palabas nitong bahay?” Abala ko sa kanyang ginagawa. Tinuro niya ang tamang direksyon. Nagpasalamat ako at nagmadali ng lumabas ng bahay. Tila ako isang daga at hinahabol ng pusa. Kinakabahan ako kasi baka biglang lumabas ‘yong lalaki at pigilan akong umalis. Nang makasakay ng taxi, tinandaan ko ang address ng bahay para kung sakaling magka-problema ay alam ko kung saan pupunta. Nagpahatid ako sa malapit na pharmacy para bumili no’ng morning after pill. “Pasensya na miss pero hindi ho available sa Pilipinas ang Morning after pill,” sabi ng babae sa counter. “Po? Pero ano po kaya ang pwede kong inumin para ano…para hindi po ako mabuntis?” kinakabahan kong tanong. Pagkatapos akong tanungin ng mga ilang bagay kagaya ng kung kailan ang menstrual cycle ko, ilang oras ng nakalilipas simula no’ng magkaroon ako ng unprotected s*x at kung ano-ano pa, ay binigyan rin naman ako ng pill na kailangan ko at sinabihan kung kailan lamang iinumin at ilan ang iinumin. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto na may remedy pa sa ginawa ko. Nang makauwi sa amin, pinagpatuloy ko ang pagtulog dahil ramdam ko pa rin naman ang pananakit ng katawan. Medyo hirap nga rin ako sa paglakad pero tiniis ko para lang makauwi ako. Bago ako matulog, hindi ko kinalimutan na tawagan ang mga kaibigan. Hindi sila sumagot kaya nag-iwan na lang ako ng mensahe na nakauwi na ako. Looks like I’m not the only one who made something last night. … “What did you do Mayumi Perlah Luzvamida?!” Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Charlotte aka Lottie. Napalingon sa amin ang mga tao sa café at natakpan ko na lang ang mukha sa hiya. Bwisit na babaeng ‘to, ang bunganga talaga parang laging nakalunok ng megaphone! Binatukan siya ni Darcy. “Mahiya ka namang babae ka! Hindi lang ikaw ang tao rito,” mariin niyang sinabi rito. “I can’t believe this! Finally, my innocent friend is no longer innocent at all!” natutuwa niyang pahayag. Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi habang pinapakinggan ang sinasabi niya. “How was it? Bigla ka na lang nawala akala namin napano ka na! Looks like gate crashing was the best decision after all,” aniya na akala mo nakagawa ng mabuting bagay para sa sangkatauhan. Sumipsip ako ng kape at hindi alam kung saan ako magsisimula sa pagku-kwento. “Did you use protection? It’s the number one rule for a one-night stand,” Darcy seriously asked. Ngumiti ako at napakamot sa ulo. “I don’t remember us using that thing pero uminom ako ng pill noong umaga.” “What?! My god Yumi! Paano kong mabuntis ka? Kilala mo ba ‘yong lalaki?” Worry is now visible on Lottie’s face. Umiling ako at napanguso. “Hindi ko kilala. Hindi ko rin alam ang pangalan at ang masama pa rito, hindi ko rin nakita kung anong hitsura kasi paggising ko, mag-isa na lang ako sa kama.” Fear filled me. “It’s fine! We can just go back to that house and inquire!” pang-aalo ni Lottie sa kaba ko. “That’s a problem. How sure are you na ang lalaking ‘yon ay doon nakatira o baka isa lang din sa mga naki-party? We don’t know,” ani Darcy na lalong nagpakabog ng dibdib ko. “There’s a lot of ways! Pwede naman siguro tayong magtanong kung sino-sino ang mga bisita roon. Siguradong may CCTV din doon na pwede nating tingnan para malaman kung sino ‘yong lalaki.” Lottie. Darcy scoffed. “As if papayagan tayo ng may-ari na tumingin ng CCTV nila! We gate crash remember? Bukod sa hindi tayo invited doon, hindi rin nila tayo kilala.” “Huwag na kayong magtalo. Hindi naman ako mabubuntis so hindi ko kailangan na hanapin pa ang lalaking ‘yon. Isa pa, kayo na rin ang nagsabi na isa sa rule ng one night stand ay ang pag-trato roon na parang hindi nangyari. I will be fine guys. You don’t have to worry.” I show them my calmest expression I could give. Saka lang namin tinigilan ang topic. “Let’s see the good side here. Ngayong may s-experience ka na, hindi ka na mahuhuli sa mga bagay-bagay sa mundo!” natutuwang sambit ni Lottie. Well I guess, we can never stop the topic because we have Lottie, the girl who loves to make trouble. Gaya ng mga normal na mga bagong graduates, ang sunod na hakbang ay ang paghahanap ng trabaho. Mayaman ang pamilya ni Lottie at ngayong graduate na siya, tinuturuan na siya ng kanyang ama sa pamamahala. Darcy on the other hand is a painter and graduate din siya as an architect. Pero dahil mahal niya ang pagpipinta at simula pa lang noong college ay pagpipinta na ang source of living niya, tinuloy na rin niya ito. Office administration naman ang tinapos kong course. Gusto ko talagang magtrabaho sa opisina kaya pinili ko ‘yon. Isa ang kompanya nila Lottie sa pinagpasahan ko ng resume. Sa kanila rin ako nag-intern at naging maganda ang performance ko kaya kinuha na rin nila agad ako. Swerte nga ako dahil may trabaho na agad ako pagka-graduate ko. Isa na rin sa perks ko for having Lottie as my friend though I know that my effort and skills saves me a lot. Other choices ko kung wala ako sa office field, baka pumasok ako sa agri business. I really want to have a flower plantation and a flower shop. Isa ‘yon sa pangarap ko aside from having my own family, secure life for my parents and future family, and a stable job. Nang magkaroon ako ng trabaho, doon ko naramdaman ang pagluwag nila nanay at tatay. Hindi na katulad ng dati na nahihirapan pa akong magpaalam kapag may pupuntahang malayo. Mukhang napagtanto na rin nila na hindi na ako bata. Kaya naman nang sabihin kong gusto ko ng bumukod para maranasan kong maging independent, agad nila akong pinayagan. Dinatnan ako sa sumunod na buwan, sa awa ng Diyos. Para akong nanalo sa lotto dahil doon. Nawala ang lahat ng pangamba ko. Ilang gabi akong hindi pinatulog ng maayos matapos ang pangyayaring iyon. Hindi pa nakakatulong sina Lottie kasi kahit anong pigil ko na huwag ng alamin kung sino ang lalaking iyon ay gumagawa pa rin pala ng paraan para malaman kung sino iyon ng lingid sa kaalaman ko. Kapag talaga mayaman ka, malakas at marami ka ring koneksyon. Hindi na ako magtataka kung paano kami nakapasok sa mansyon kahit na hindi kami invited. “Nalaman ko kung sino ‘yong mag-ari ng bahay. Si Ezra Monterusso. Though it’s impossible na siya ‘yong lalaking naka-one night stand mo kasi engage na ‘yon at malapit ng ikasal. Mukhang isa sa mga bisita niya ang nakadali sa ‘yo,” kwento ni Lottie isang araw ng magkaroon kami ng breaktime. “So, I asked someone na malapit sa kanya kung may kakilala siya na kaibigan na nakipag-one night stand ng gabing iyon. Wala pa nga lang akong nakukuhang sagot,” aniya at nagkibit-balikat. “Sino naman kasing sasagot sa tanong mo? Its not a big deal so who’s in a right mind that will announce to everyone that they have done the deed?” “Your innocence is a big deal girl! Sa panahon ngayon, kaunti na lang ang virgin kaya big deal ‘yon para sa lalaki. Nakapagtataka na tinakbuhan ka niya at hindi man lang nagpakilala.” “Baka akala niya pipikutin ko siya dahil virgin ako? Alam mo na baka iniisip niya na hahabulin ko siya para panagutan ako. He got scared.” Napangisi ako at hindi maiwasang mailing. If that’s the case, the man I got entangled with is a coward. Its not as if I’m desperate to be with someone right now. Jinudge niya naman agad ako. After work, dumiretso ako sa apartment ko. Papasok na sana ako nang may makita akong package sa baba ng pinto. Kinuha ko ‘yon at pinasok sa loob. Hindi ganoon kalaki ang apartment ko. Sakto lang para sa akin. May maliit na sala, kusina at may isang kwarto. Kumain na kami sa labas ni Lottie kaya dumiretso na ako sa kwarto dala ang package. Noong una akala ko galing kina nanay pero ng buksan ko iyon, nagtaka ako sa laman. It’s a CD. Nasa loob ng isang kahon na punong-puno ng pulang petals ng rosas. Its kind of weird to receive that one. Naglinis muna ako bago ko iyon isinalang sa laptop ko. May isang file ng video roon. It’s a date that was very familiar to me. Habang hinihintay na magbukas iyon ay kumakabog na malakas ang dibdib ko. Nang mapanood ang laman no’n ay nawala na ng tuluyan ang dugo sa mukha ko. What the hell? I have a scandal! Ang laman ng CD ay ‘yong gabing pinagsaluhan namin ng lalaking ‘yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD