Chapter 1

1605 Words
Chapter 1   Magnus Othello's P. O. V.   Nakatitig lang ako sa babae na ngayon ay nanginginig sa lamig dahil nakasuot lamang ito ng bra na may design at kumikinang na glitters. Naka-underwear lang din siya na may laces.    "Magkumot ka kung gusto mo," sabi ko at sinindihan ang sigarilyo ko.   Dahan-dahan siyang tumayo at kinuha ang kumot mula sa kama saka pinalibot sa katawan niya. Nagmukha siyang isang turon.   "How come you're working here when you don't want to get f*cked?" tanong ko at bumuga ng usok.   Napatitig siya sa akin at naupo sa kama. Yumuko siya at nakita kong lumuha ulit.   "B-Binenta po ako ni Mama..." malungkot niyang sabi.   "What? Binenta ka dito? They hired you kahit hindi ka man lang marunong sumayaw?" natatawa kong sabi.   "A-Ang habol daw kasi nila, mga bata para sa mga mayayaman na--alam mo na po," aniya.   "Oh? Ilang taon ka na ba?" tanong ko.   "Kaka-eighteen ko pa lang po, kahapon. T-tapos eighteen years old din yung required nila dito sa bar kaya... B-binenta ako kaagad ni Mama," umiiyak niyang sabi.   I suddenly felt mercy for her. Poor her, binenta siya ng sarili niyang ina, nagluwal sa kaniya.   "Belated happy birthday," tanging nasabi ko.   "Sana nga po hindi na ako nabuhay, ganito lang pala ang sasapitin ko," aniya.   Muli ay napakamot ako sa batok ko dahil sa ingay ng hikbi niya.   "Ang ingay mo, gusto mo ibalik na kita doon sa boss mo? Ipapasa ka ulit sa ibang lalake. Don't rant on me, I'm not a psychiatrist," sabi ko at muling humithit sa sigarilyo.   Bigla naman siyang umubo at nagtakip ng ilong habang nakatingin sa akin.   "What?"   "M-Masangsang po kasi sa ilong 'yong sigarilyo mo, kuya."   "You don't care, kaysa naman rape-in kita diyan. Mamili ka."   "Manigarilyo ka na lang po, kaya pa naman ng baga ko," aniya at niyakap ang sarili niya.   "Yeah, right."   Tumagal ako sa paninigarilyo hanggang sa narinig ko ang paghikab niya.   "Inaantok ka na agad?" sabi ko at ngumisi.   "P-Po, hindi po kasi ako nakapagpahinga. Pinasayaw nila ako simula kaninang umaga tapos lunch lang kinain namin hindi po kami pinag-dinner para daw po hindi bloated."   "So? Paki ko," inis kong sabi at nag-iwas ng tingin.   "S-Sorry po."   Nilagay ko ang upos ng sigarilyo sa side table dahil may lalagyanan doon. Nagsindi ulit ako ng bagong sigarilyo at napahinto ako nang makarinig ako ng kakaibang tunog. Napatingin ako sa babae na ngayon ay hawak ang tiyan niya.   "Really?" bulong ko.   Tumayo ako kaya napatingin siya sa akin. Lumapit ako sa pinto. Bigla siyang napatayo.   "A-Aalis na po ba kayo?" tanong niya.   "Babalik ako, huwag ka umalis kung ayaw mo makuha ka ng ibang lalake," sabi ko at lumabas kaagad ng kwarto.   Tinignan ko ang number na nasa pinto. Number 45.    Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Ajax na may kaakbayang babae na foreigner. Kulay blonde ang buhok nito at lumiliwanag ang kaputian ng balat niya. What a hot girl he caught.   "Nice, have a pleasure night," sabi ko sa kaniya.   Ngumiti ito at sumaludo. Ngumiti rin ako at nagtungo sa pastries part ng bar. Kadalasan kasi kinakain dito ang mga pastries dahil matatamis.   "Black forest cake and a tub of cookies," sabi ko.   Agad namang nag-prepare ang waitress at saka nilagay sa isang plastik na tub ang order ko. Binigay ko ang bayad. Nang makuha ko ang binili ko ay akmang aalis na ako.   "Sir, sukli po," aniya.   "Keep it, ayoko ng coins na mabigat sa bulsa," sabi ko at tinalikuran siya.   Bumalik ako sa room 45. Pagdating ko doon ay biglang bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga sa kama. Agad siyang napatingin sa hawak ko.    "Don't expect too much," pang-aasar ko at ni-lock ang pinto.   Naupo akong muli sa pwesto ko kanina sa couch at binuksan ang cake. Kinuha ko ang disposable fork at nagsimulang kumain sa harapan niya. Paborito ko ang ganitong klasen cake kaya pinakita ko sa kaniya na nasasarapan ako sa kinakain ko.   "Hhhmm! Iba talaga kapag mamahaling cake," bulong ko.   Napatigil naman ako sa pagkain nang mapatingin ako sa kaniya na nakatitig sa pagkain na hawak ko habang nakakagat siya sa ibabang labi niya.   Napasandal naman ako sa kinauupuan ko at napalunok. She's kinda look hot doing that thing.   "What the f*ck..." bulong ko at tumayo.   Lumakad ako papalapit sa kaniya at napaatras naman siya. Inabot ko ang pagkain.   "Oh!" inis kong sambit.   "P-Po?" aniya.   Kitang-kita ko ang basa niyang pisngi na namumula-mula pa pati ang ilong niya dahil sa kakaiyak niya.   "Ayaw mo?" sarcastic kong tanong.   "G-Gusto po," aniya habang nakatitig lang sa pagkain.   "Get it, eat it, pathetic," sabi ko.   Agad niyang kinuha ang hawak ko at kinain. Nagulat ako nang dalawang subo lang sa kaniya ang slice ng cake. Punong-puno ang bibig nito at tila ba hindi na makanguya. Nagkaroon pa siya ng icing sa kaniyang pisngi.   "Yuck, patay-gutom," bulong ko at bumalik sa upuan ko.   Nakatitig lang siya sa akin na tila nagpapaawa pa. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nilabas ang cellphone ko. Nagpunta ako sa camera at palihim ko siyang kinuhanan ng litrato.   Zinoom ko ang screen para mukha niya lang ang kita. Mahina akong natawa sa mga musang niya sa kaniyang labi.   "Ang dumi mo, hindi halatang eighteen ka na," bulong ko.   "P-Po? Ano pong sinasabi niyo?" tanong niya.   "Nevermind," sabi ko at muling binulsa ang cellphone ko.   Napatitig ako sa kaniya na nakatingin sa tub ng cookies. Kinuha ko ang cookies at tumayo. Lumakad ako papalapit sa kaniya at nilapag iyon sa kama.   "Hindi ako mahilig sa sweets," sabi ko.   "Thank you po, ano pong pangalan niyo? Gusto ko po matandaan, sana balang araw maibalik din sa inyo ang kabutihang ginagawa niyo," aniya na para bang komportable na siya sa akin.   "Kabutihan? F*ck that sh*t. I'm Magnus, Magnus Othello Jallorina," sabi ko at nagbabakasali na kilala niya ako.   "Magnum? Hindi ba pangalan ng ice cream--"   "Magnus! Dumb b*tch," singhal ko.   "S-Sorry po, Othallo--"   "It's Othello."   "Otheylo?"    "Othello—f*ck, did you know I'm impatient?" inis kong sabi at pumamewang.   "I-Impatient? H-hindi ko po kasi alam 'yon. Hindi po ako nakapag-aral--"   "Hindi rin ako nakatapos ng pag-aaral pero hindi ako ganiyan ka-tanga," diretso kong sambit.   Bigla siyang napayuko.   "Sorry po talaga, Kuya Magnus," aniya.   "Whatever, what's your name?" tanong ko.   "T-Thana po..." bulong niya.   Napakunot ang noo ko, parang may ibig sabihin ang pangalan na 'yon, hindi ko lang maalala.   "Thana? That means--" kinuha ko ang cellphone ko para mag-search.   "Kamatayan po ang ibig sabihin," aniya kaya napatigil ako.   "Deep," bulong ko at muling binulsa ang cellphone ko.   Kumakain pa rin siya. Napabuntong hininga ako at napatingin sa relo ko. It's already 10 pm.    "Bahala ka na diyan," sabi ko at akmang tatalikuran siya.   Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang dulo ng damit ko at hinila ito.    "S-Sandali lang po..." bulong niya.   "What? Aren't you happy? I gave you foods and rest," sabi ko at sinamaan siya ng tingin.   "K-Kasi, malamang ibabalik kami doon sa stage," aniya.   Bigla na naman siyang lumuha. Napasapo ako sa noo ko. Heto na naman, iingay na naman. Nakakairita.   "I don't care! Bahala ka na doon, trabaho mo naman 'yan. I did this because I'm bored," sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa damit ko.   Naglakad na ako patungo sa pinto. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito. Bago ako tuluyang lumabas ay nilingon ko siya.    She's now staring at me, she looks so innocent. She's beautiful but she's a dumb stripper.   Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko ang manager nila na nakaabang. Agad niya akong nilapitan. Nilabas ko ang wallet ko.   "She's fifty thousand," aniya.    Napabuntong hininga naman ako dahil may hawak siyang checke. Kinuha ko ang ballpen sa kamay niya at sinulat ang information na kailangan sa withdrawal.    "Bakla, free na ulit si Thana, sabihin mo sa hapon," sabi ng Manager sa katabi niyang bakla.   Napakunot naman ang noo ko. Binagsak ko ang checke kaya nabaling sa akin ang atensyon nila. Sinamaan ko sila ng tingin at pinasok ko sa dalawang bulsa ng pants ko ang dalawa kong kamay.   "I will buy her. Full night," sabi ko.   "P-Po, sir?" tanong niya.   "I will pay fifty thousand again. She will be with me the whole night," sabi ko.   "S-Sure, sir!" ani ng babae.   Muli akong pumirma sa panibagong checke.   "Enjoy her, sir!" nakangiting sabi ng babae sa akin.   "I will," taas-noo kong sambit at ngumiti.   May dumaan namang waitress na may dalang wine at juice. Kinuha ko ang isang wine at isang basong juice. Bumalik ako sa kwarto na number 45.     Pagpasok ko doon ay nanlalake ang mga mata ni Thana habang kumakain pa rin ng cookies.   "I have decided to have s*x with you," pang-aasar ko.   Bigla niyang binitawan ang hawak niyang cookies at niyakap ang sarili niya.   "K-Kuya, please. Hindi po ako ganoong klaseng babae, kahit kailan wala pa pong lalake ang nakakagalaw sa akin at ayoko pong magpagalaw, parang awa niyo na po," umiiyang niyang sambit.   Lumapit ako sa kaniya matapos kong i-lock ang pinto at inabot ang juice.   "Nah, I'm just kidding," sabi ko.   "K-Kidding?"   "Niloloko lang kita! Dumb," singhal ko.   Kinuha niya ang juice at inamoy ito. Tinitigan niya pa ang ilalim ng baso ng juice. Napakunot naman ang noo ko.   "What the f*ck are you doing?" tanong ko.   "B-Baka po may nilagay kayo," aniya.   "What the heck? I'm not into that," sabi ko.   "Kapag daw po kasi may puting pulbura sa ilalim ng juice, huwag namin inumin," aniya.   Tumawa naman ako. That might be a pills or drugs but I don't do that. It's kinda crazy when I'm already crazy.   ********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD