Chapter 2

1169 Words
Reed I knew she was coming home this morning. Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na mamaya na lang ako magpapakita pero hindi ko rin napigilan. Kusa akong dinala ng mga paa ko sa silid n'ya. Naisip ko nga na sana ay naka-lock ang pintuan n'ya para wala akong choice kung hindi ang umuwi sa bahay namin. Pero nang pihitin ko ang seradura ay bukas ito at narinig ko ang lagaslas ng tubig. I should have turned around and left, but here I am inside — standing against her bedroom door after shutting it. Nagsasalimbayan ang mga naiisip kong tagpo. Maalin na lang sa sampalin n'ya ako o maghalikan kami. I haven't seen her in so long at kahit may sapat na akong pera para puntahan s'ya ay hindi ko ginawa. Gusto kong magawa n'ya lahat ng gusto n'ya ng walang sagabal. At ako 'yon. Nang lumabas s'ya ng banyo ay hindi n'ya ako napansin, at hagip na ng mga mata ko ang puno ng malusog n'yang dibdib nang maramdaman n'ya ang presens'ya ko. Malutong at sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig n'ya. Napangiwi ako at hindi ako sanay na kinariringgan s'ya ng mga salitang ganoon. I gave her a warning but she didn't listen so I took a step towards her to give her a kiss. That should shut her up. Ang plano ko ay halikan lang s'ya ng saglit pero nang magkalapat na ang mga labi namin ay nadala na ako ng pagkasabik ko sa kanya. Seven f*cking years of not seeing her almost drove me insane. Maya't-maya ko s'yang inaalala kung kumakain ba s'ya ng tama o kung pumapasok ba s'ya sa eskwela o kaya naman ay kung may boyfriend na s'ya. Ang pagtulak n'ya sa akin ang pumutol sa pag-iisip ko. "Out, Reed. Now." Mahina pero may diin ang pagkakasabi n'ya. "I am not going to apologize for what I did," sabi ko sa kanya. "I don't need your apology. Hindi na bago sa akin ang pakikipaghalikan." Nakita ko pa s'yang bahagyang umismid. Napatiim bagang ako. "Oh yeah? Well, now that you're here — I will see to it that you don't kiss another man aside from me moving forward." Nakita ko ang pagkunot ng noo n'ya at pagkuway napahilamos sa mukha. "Umalis ka na, please lang. Gusto ko ng magpahinga." "Okay." Palabas na ako ng pinto ng may ipinahabol s'ya. "I don't want to see your face again. Huwag ka ng pupunta dito kahit kailan." May diin at pinaningkita n'ya rin ako ng mata. She is mad. Definitely mad. Imbes na sagutin ko ang sinabi n'ya ay pinili kong tumahimik. Pagod lang s'ya at hindi pa kami nakakapag-usap uli simula ng umalis s'ya. Pasasaan ba at lalambot rin s'ya sa akin. Katulad noon. Binuksan ko ang pinto at lumabas saka hinila pasara uli ito. She has changed. Hindi lang pisikal na pangangatawan kundi pati pananalita at gawi. Amerikanang amerikana na. Malayo na s'ya sa dalagitang sunod ng sunod sa akin na kahit anong taboy ko ay ayaw umuwi sa bahay nila. Tama lang ang ginawa ko noon, kung hindi ay anong klaseng buhay mayroon kami ngayon? Nakasalubong ko pababa ng hagdan si Yaya Ester. "Nagkita na ba kayo ng alaga ko?" Tumango ako. "Galit pa rin." Bahagyang napatawa ang matanda. "Lilipas rin 'yon. Hayaan mo lang muna. Isa pa, pagod sa byahe kaya iritable." "Sige po, uuwi muna ako sa amin. Babalik na lang ako mamaya." Tuluyan na akong lumabas ng bahay at nang makalabas ako ng gate ay nakasalubong ko naman ang taong pinakaiiwasan ko. Si Shannon. "Reed! I have been trying to call you for the last few weeks. Where have you been? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Nakilala ko s'ya sa isang party ng kaibigan ko isang taon na ang nakakaraan. Kung tutuusin, may itsura si Shannon Domingo. Matangkad ito, morena, kahit payat ay malusog ang dibdib at matambok ang pwet. Isa s'ya sa mga sumisikat na bagong modelo ngayon sa bansa. When I met her at a party last year, I was lonely and had too much to drink, I ended up having a one-night stand with her. Hindi ako ang una sa buhay n'ya. Pagkatapos ng gabing 'yon ay iniwasan ko na s'ya. Pero ang one-night stand ay naulit pa ng kung ilang beses nang magkita ulit kami sa kasal ng parehong kaibigan namin. We became f*ck buddies. Magaling s'ya sa kama at halatang sanay. Okay lang din sa kanya na wala kaming label. Pero kalaunan ay nanawa din ako lalo na noong malaman kong pauwi na si Kaia. Hindi matanggap ni Shannon na ayaw ko na kaya kahit iniiwasan ko s'ya ay hindi s;ya maawat. Heto nga at nandito na naman s;ya. Kung bakit s;ya balik ng balik sa akin ay hindi ko rin alam. Kung sa lalake lang, hindi s;ya mauubusan. Halos araw-araw ay laman s'ya ng tabloids at iba't iba ang kasama. "Why are you here, Shannon?" nilagpasan ko s'ya at nagtuloy sa loob ng bahay. Sinundan n'ya ako. "Because you're avoiding me! Hindi naman ako pupunta dito kung sinasagot mo ang mga tawag ko," maktol n'ya "Wala akong panahon para makinig sa reklamo mo. I have a lot of things to do, so please — if you have nothing else to say, take your leave," diniinan ko ang salita ko sa kanya at narinig ni Nanay 'yon. "Reed." That was my mother's warning tone. Sa tanda ko ng ito, kapag sinuway ko s'ya ay siguradong tampuyong ang mapapala ko. "Magandang umaga po, Tita Daniella," malambing na bati sa kanya ni Shannon. "Good morning, Shannon. Kumain ka na ba?" Pambihira. Narinig na ako ni Nanay kanina na pinapaalis ang babaeng 'yon ay tinanong pa kung kumain na ba o hindi. What if she stayed to have a meal? Napahilamos ako sa mukha ko. "Nag-kape na po ako. Gusto ko lang po talagang makausap si Reed," magiliw n'yang sagot kay Nanay. Tumango ang aking ina. "O sya, mag-usap na kayo at ako ay sasaglit muna sa palengke," binalingan n'ya ako. "Reed, umayos ka." Nang makaalis si Nanay ay mabilis na kumilos si Shannon. Kumandong s'ya sa akin sa sofa at idinikit ang dibdib n'ya sa akin. Ang mga braso n'ya ay ipinalibot sa leeg ko at sinimulan n'ya akong halikan sa likod ng tenga. "I want you, Reed. Please." Ang dibdib nya ay halos lumuwa sa blouse na suot n'ya at ang shorts naman na sobrang iksi ay kita na ang singit n'ya. Kusa n'yang kinuha ang kamay ko at inilagay sa ibabaw ng dibdib n'ya. "I know you want this. You miss me. It's been three months." "Shannon —" tinanggal ko ang kamay ko sa dibdib n'ya at pilit s'yang inalis sa kandungan ko pero lalo n'yang hinigpitan ang yakap sa akin. Umupo pa s'ya ng pasaklang sa akin at ikinawit ang mga binti n'ya sa baywang ko. "We can't do this. Tapos na tayo, remember?" paalala ko sa kanya. "Last na. Hindi na kita guguluhin after this." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD