Chapter 12

1759 Words

NAYA'S POV Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya sa tabi ko. T*ng*n*! Ano ang ginagawa niya rito?! Nakatitig siya sa akin, para bang hinihintay kung ano ang magiging reaksyon ko. Napansin ng iba na napatingin ako sa kanya. Pakiramdam ko, unti-unting umiinit ang pisngi ko. Napalunok ako at pilit na iniwas ang tingin sa kanya. "Ay oo nga pala, Naya," sabat ni Douglas, binasag ang tensyon sa paligid. "Si Nikolai, kababata ko at matalik na kaibigan. Bro, si Naya pala, anak ni Tito Carl." Muli kong binawi ang tingin ko kay Nikolai at pilit na isinantabi ang kung anumang nararamdaman ko. Sa halip, kinuha ko ang baso ng tubig at uminom upang pakalmahin ang sarili ko. "Anyare nga ulit sa inaplayan mo? At anong kinalaman ng kape?" tanong ni Daddy, may bahid ng pagtataka sa boses niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD