NAYA'S POV Nagising ako ng maaga. Naamoy ko ang niluluto sa kusina. Bumangon ako at tinali ko ang mahaba kong buhok. Hindi na ako nagsuot ng br*. Siguro naman tulog pa ang mga tao rito. Nagrereklamo na kasi ang bituka ko kaya makikilain na ako ng maaga. Tapos uuwi na ako. Iwanan ko na si Daddy. Total lingo naman ngayon kaya wala siyang trabaho. Ako maghahanap ng talyer para ipaayos ang motor. Bweset na kumag lalong nasira ang motor ko sa ginawa niya. Sa kalagitnaan ng kalsada pa ako tinirik ng motor. Ang masaklap wala man lang may tumulong sa akin. Kaya bweset na bweset ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay nagluluto si Star. Nakangiti ito ng makita ako. "Good morning maam Naya." "Good morning din sa yo Star. Pasensiya ka na. Sa kwarto mo tuloy ako natulog. Ano oras ka dumating?" Naglulu

