On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 35 MAKI – POV Isang gabing umuulan. Pauwi na sana ako nung madaanan ko si Erika. Nasa waiting shed sya ng isang malaking drugstore. Hindi ko sana sya hihintuan. Kaya lang ay mukhang hindi sya masakay sakay dahil marami ang kasabay niyang nag aabang. "Erika! Erika!", tawag ko sa kanya. Ibina-baba ko yung car window at bumusina. Pero kahit nakita na nya ko ay hindi talaga nya ko pinansin. Ang ginawa ko... Ipinarada ko nalang yung car ko sa malapit sa waiting shed. Kumuha ko ng payong at lumapit ako sa kanya. Naisip ko kasi na baka right chance na to para makapag usap naman kaming dalawa. "Ang lakas ng ulan, baka hindi ka masakay agad ng taxi, sabay ka na la