On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 67 MAKI POV Kahit pa nga madaming securities ay dinumog pa rin kami ng mga tao. Ang papasaway nila. Naawa nga ako kay Jin. Nakasunod kasi kami ni ate Cha at sir Bobby sa kanya. So nakikita ko pag dinudumog sya ng mga fans nya. Halos mabugbog sya sa hawak nila. Minsan may humahatak pa sa kamay nya na halos mapilay na sya kasi ayaw syang bitiwan. May pwersahang yumayakap at humahalik tapos ay may nangungurot pa daw. Minsan nga... Tulad kahapon, pag sakay namin sa Van ay dun lang nya na-notice na may mga kalmot na pala sya sa braso. Pero nagtataka ako kasi hindi naman nagre-reklamo si Jin. Sa isip ko... Siguro ay sanay na din sya. O kung magalit man sya ay wala na

