Chapter 19

1841 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 19                                 MAKI - POV   Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa hotel dito yung pag gaganapan ng pre-production meeting. At pagdating don. Pumunta agad kami sa waiting room na naka reserved para kay Jin. Nandun na si ms. Cha at hinihintay kami.   Si sir Bobby naman daw ay nasa lobby at kausap ang isa sa producer. Gigil na kinansel ko ulit ang tawag ni Bambi. Mas super makulit na sya ngayon. Alam na kasi nya na sa prince charming nya ako nagta-trabaho. Buset naman kasing mr. Su yan. Ang lakas ng trip!   Ano kayang masamang ispiritu ang sumanib aa kanya kanina?  Naisipan nya kasing maki alam ng cellphone ng may cellphone? Halos atakihin si Bambi sa puso ng kausapin sya ni Jin through phone.   At ngayon nga...   Ako na ang malapit atakihin sa puso sa inis."Ang layo ng byahe noh? pahinga muna kayo, mamaya maya na kita re-retouch Jin", sabi ni ms. Cha.   Nakatutok ang mga mata niya  sa tv na nakapakat sa dingding. "Sure na mamaya pa mag start ang meeting at press con nyo dahil late sigurado yang si Ms. Angel.", dagdag pa niya.   "Ano ba yang pinapanood mo te?", naisipan kong itanong.   "Surprise daw na welcoming chorva kay Angel yan sa may malaking park na nada-daanan pag papunta dito. Narinig ko yung sabi ni sir Bob kanina, yung mga street children daw dyan ay idol na idol yang si girl nga, at si girl naman sobrang like nya ng mga kids. Kaya ayan, pagpe-fiestahan ng media ang scene na yan para publicity na din..", mahabang kwento niya.   Pinatong ko na lang ang mga dala ko sa isang upuan don.   Nakipanood na din ako.   Tutal naman ay waiting pa kami.   "Ang ganda nya noh? 20 years old lang yan. Hay nako! Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na ganyan ang pagmu-mukha ko, edi sana pinagkakaguluhan ako ng mga boys!", inggit na pamumuri ni ms. Cha kay Angel.   Na that time ay nai- close up ang nakangiting mukha sa tv. Yakap yakap niya ang ilang street children habang nagpapa picture. Maganda naman talaga ang mukha ni Angel at pagka kinis kinis ng kutis.   Maganda pa ang hubog ng katawan, almost perfect. Yung hahangarin ng mga kalalakihan. Kaiinggitan ng mga kababaihan.   Syempre...   Artista nga eh!   Edi sya na ang mukhang barbie.   Ako din naman mukhang barbie!  Barbie na napabayaan na,at niluma na ng panahon. Hoho   Matagal pa kaming naghintay.   Matagal na matagal!   Nakapag retouch na si Jin.   Pumunta at umalis na ulit si sir Bobby. Lumabas na din ng room si ms.Cha para daw mag yosi. Pero hindi pa din dumadating sa set si Angel.   Medyo nainip na din ako. Naisipan ko na lang na kalutkutin ang cellphone ko. Nadaanan ko ng tingin si Jin. Mapayapa na ang kaluluwa niyang nakaupo sa isang sulok. Naka earphone at natutulog. Mahilig talaga kasi syang pumwesto sa mga covered area. Nagpapahinga habang waiting sya.   "He's the real deal? Hindi talaga prank yon Maki?", halos sumigaw na tanong ni Bambi.   "Oo nga! Bakit ba ayaw mong maniwala? hindi mo ba sya nabosesan man lang?"   "Jin na Jin nga! ang ganda ng boses! my gawd babes! Nakakaloka!", parang hihimataying sabi pa niya.   "Naniniwala ka naman pala, eh bakit pagkakulit mo pa? di ba nasa training ka ngayon?"   "Yeah! Pero boring dito!", matamlay na sabi niya   Nagkwento tuloy sya tungkol sa Sjt nya.   Sa isang human resources agency pala sya.na assign.   Yung mga nagpapa alis ng ofw.   She's not againts naman sa napuntahan nya.   Happy nga din daw sya at feeling nakakatulong sya sa kapwa.   But the thing is...   Mas gusto nya sa madaming popular na tao syempre kasi nga artista fanatic sya.   "Kwentuhan mo naman ako ha, kakainis ka! Di mo agad sinabi sa amin!"   "Bukas na ko mag kwe-kwento Bambi, magkikita kita naman tayo sa school.."   Saway ko sa pamimilit nya.   Madami pa sana kong sasabihin sa kanya kaso napatigil na ko sa pagsasalita ko.   Bigla kasing may pumasok sa pinto ng padabog.   Kasabay non ay ang kalatok ng istiletto shoes sa tiles na floor.   Napa tingin talaga ko sa girl na bagong dating.   Kasi agaw eksena yung lakas ng boses nya.   Ume- echo sa buong kwarto.   "I told you, ayoko sa mga bata! So bakit mga batang sipunin pa ang nag greet sa akin don? Hello! Puro bacteria yung mga bata don! pano kung magkasakit ako ha?! Shet! I swear, I'm gonna f*****g kick you all pag inulit nyo yon! pasalamat kayo at may press dahil kung wala, don palang nalintikan na kayo sa akin! You know me!", galit na sabi nya.   Pagalit pa nga nyang pinatay yung cellphone nya.   Tapos nag stop sya sa paglakad nya.   Maya maya ay marahas na tinanggal nya ang mga sampaguita na isinabit siguro ng mga bata sa kanya kanina.   At parang sa isang pelikula.   Inis na pinag aapakan pa niya yung mga iyon.   Then...   Padabog syang umupo sa sofa.   Bulong pa rin sya ng bulong at halatang hindi nya talaga nagustuhan ang ginawa sa kanya.Padaskol nyang itinago sa pouch nya yung cellphone. At kumuha sya ng sigarilyo buhat don.   Ako naman ay medyo na shock ng konti sa pagkakita ko palang sa kanya. Hindi ko kasi akalain na ganito sya off camera.   I mean...   Si Angel Agustin.   Pero infairness ha.   Ang ganda ganda nya sa personal.   Kaya lang...   May pagka bratinela naman pala sya.   So ano talaga ang totoo sa kanya?   Samantalang kanina lang ay may payakap yakap pa sya sa mga bata sa tv.   Non pala...   Ang totoo, inis na inis sya at nandidiri. "Shet! Super shet talaga! Ang ta-tanga talaga! My god! puro bacteria yung mga batang yon!", sabi nya ulit.   Bubulong bulong pa sya habang palinga linga sya tapos napatinging sya sa gawi ko. Ngayon lang siguro nya ko napansin.   Ewan ko ba...   Automatic na napatayo ako sa kinauupuan ko. At kinalimutan ko munang kausap ko si Bambi. Mamaya na ako mag e-explain sa kanya.   Nag end call muna ko.   "Where's my bag?", mataray na tanong agad sa akin ni Angel.   Hindi agad ako nakakibo. Medyo nasindak kasi ko sa paraan ng approach nya sa akin.   At sa pagkakatingin nya. "Hoy! I'm asking you! where's my bag? Para kang tood diyan!", tanong ulit niya sa akin.   Nakita kong umasim ang itsura nya sa pagkakatingin nya sa akin. "Sorry Miss, pero hindi ako hotel personel or personal assistant mo.",sabi ko nung makabawi ako sa pagka bigla ko.   "Sorry ka pa diyan! Whatever! At kahit sino ka pa, I don't care! basta abutan mo ko ng sanitizer! tissue at salamin!, Bilis!", utos nya sa akin.   Napataas ang kilay ko sa pagtataray nya.   Hanep!   Kainis sya ha!   Kaka imbyerna!   "Leche kasing manager ko na yan, gagawa lang ng eksena sa ilalim pa ng init ng araw kasama ang mga sipuning bata! Humulas tuloy ang make up ko!", bulong pa din nya.   Inis na inis talaga sya.   Kasi yung mukha nya, hindi na talaga maipinta.   "Get me a lighter muna, paki bilisan lang ha!", utos ulit nya.   Umalis ako sa harapan nya. But it doesn't mean na susunod ako.   Di ko lang matagalan tignan ang maganda nyang mukha na deep inside naman ay chaka ang ugali.   "We don't use lighter here. Bawal dito ang manigarilyo.", narinig kong sabi ni Jin.   Nakasandal sya sa pader at nakahalukipkip. Hindi namin sya agad napansin. Nasa gawing sulok kasi sya kanina malamang na naistorbo sya ng ingay. Gulat na napalingon si Angel sa kinaroroonan ni Jin.   Umayos agad si girl ng upo at mabilis na itinago ang sigarilyo sa gilid ng sofa.   "Oh, Jin? What a pleasant surprise? kanina pa ba kayo naghihintay sa akin? Sorry ha... nainip ka ba? You can't wait to see me na kaya pinuntahan mo na ko dito? that so sweet!", maamong sabi nya.   Naka smile pa ngayon ang bruha.   Yung parang walang nangyari kanina.   "Actually, this is my waiting room kaya hindi kita pinuntahan but yes, kanina pa kami nag hihintay sayo. The meeting was delayed for an hours now, and that is.. thanks to you.", sagot ni Jin.   Blank ang expression niya.   "I'm sorry, nag enjoy kasi ako kasama ng mga bata kanina sa park kaya na late kami", malambing na sabi ni girl.   Tumayo pa at pa sexy na lumakad papalapit kay Jin.   "Anyway, Jin, I'm looking forward to work with someone as good looking and as talented as you. Matagal na nga kitang gusto makasama sa isang project. Actually, noon pa talaga. I think kasi... bagay tayong dalawa. Kaya wag ka ng mainis sa akin. Pretty please...", maarteng sabi pa niya.   Obviously ay inaakit ni girl si boy.   Okay okay...   At ginawa lang naman nila kong audience. As in parang hindi ako nag e-exist sa paligid.   "sige... girl at boy... go lang kayo.. manonood lang ako.", sabi ko sa isip ko.   Nakahiyaan ko na din kasi ang lumabas pa.   Di bale...   Parang hindi naman nila ko nakikita.   So eto...   Mabalik tayo sa pinapanood ko.   Edi ayon nga.   Papalapit na si girl kay boy.   Angel even try to touch Jin's face.   Ang flirt nya!   Nang aakit talaga sya.   Kaso...   Mukhang maselan si boy.   Iniwas nya yung face nya.   "I thought, mga sipuning bata ang kasama mo kanina at puno ng bacteria? So why touching my face now? Nag sanitizer ka na ba?"   Pinigil pa nya sa braso si Angel.   Then, there it goes his sarcastic smile.   Ang taray ng lolo nyo.   Parang pang pelikula lang ang eksena.   Sure ako na nawala ang mapang akit na ngiti sa mukha ni Angel.   Ofcourse naman at ni reject ng isang guy ang kanyang pag fi-flirt.   "Hindi ko alam na sensitive ka din sa mga bacteria.", nakabawing sabi niya.   Tapos ay binawi nya ang sariling braso.   "Yeah, but I'm used to it, I mean... sa mga bacteria na naninira ng showbiz dahil sa mga peke nilang ugali. Kaya yung ibang mga tao, tingin sa lahat ng mga celebrities ay masasama na lahat at plastic."   "What do you mean by that? Pinapatamaan mo ba ko?"   "No, tinatamaan ka ba?"   Panandaliang natahimik si Angel.   Tingin ko ay parang nagsukatan sila ng tingin ni Jin.   Pero sa pag galaw galaw ng ulo ni girl, mukhang wala na syang pasensya.   "Jin, officially today, sa network nyo na ako mag wo-work and to remind you ako lang naman ang makaka love team mo. So I hope we can work things out the way they should be."sabi ni girl.   Feeling ko ay parang naiiyak naman ngayon ang boses nya.   "Yeah, so maybe you should atleast drop the act. Bistado na kita, you don't have to pretend in front of me. Baka masyado kang mahirapan."   "What?, how dare you!", tumaas na ang boses ni Angel.   Hindi sumagot si Jin.   Pero tingin ko ay medyo pinipigilan nya lang din ang magalit.   Knowing him.   Ang short pa naman ng temper nya.   "I think I should go now, see you later.", maya maya ay paalam na lang ni Angel.   At parang rumarampang kinuha sa sofa yung pouch nya.   Parang umirap pa nga sya.   With matching her sumusunod sa galaw na long hair.   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD