On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 62 MAKI POV "Galit ka pa?", lakas loob na tanong ko kay Jin. Kasalukuyan na kaming nakasakay sa sasakyan nya. Buti nga ay inihatid pa din nya ko sa kabila ng kalapastanganan kong ginawa sa kanya at sa bahay nya. "Bossing, sorry na.", ulit ko sa dialog ko kanina. Tinapunan lang nya ko ng isang warning look. Walang duda. Galit pa rin talaga sya. "Okay, sabi ko nga galit ka pa.", bulong ko. Syempre naman... Sino bang hindi magagalit sa ginawa ko kanina? Sukahan ko ba naman sya at ang carpet nya hindi ba? To think na si Jin Chua pa naman sya. Sikat sya. Hinahangaan sya ng madami. I-add pa nga na maselan at ma arte pa naman siya pag dating sa gamit nya. Tumahimik na lang ako nung a

