Chapter 16

2490 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 16   MAKI- Point of View   Maaga akong pumasok ngayon.   6am pa lang ay naka time in na ako.  Last night kasi ay tumawag sa akin si sir Bobby. Nakiusap sya na kung pwede akong mag assist sa photoshooting nila kahit hindi pa oras ng SJT ko.   Syempre I said yes. Wala naman akong ibang gagawin tapos nakakahiya din naman na tumanggi. Photoshoot ito ng Pastime Gear. Isang kilalang brand ng mga sportswear at mga sports equiptments.  Direct selling company at online store sila kaya ang mga photos ay para sa kanilang catalog.   Isa nga si Jin sa ilang piling model nito. First time ko maka attend ng ganitong event. Hindi ko alam na yung mga pictures na saglit lang natin nakikita pag nagba-browse sa internet or tumitingin sa mga cataglog ay napakabusisi palang i-produce.   Madaming mga tao ang nasa behind the scene nito. Pinagmasdan ko ulit ang paligid. Busy pa din ang mga tao dahil halos na sa half way na ang pictorial.  Nasanay na din ang mga mata ko sa papatay patay ng mga lighting at ingay sa paligid. Napalingon ako sa girl model na dumaan sa harap ko   Wow!   Super tangkad at ang skinny nya ha.   Ganun ang mga type ko talagang figure eh. Hoho.   Asa!   Nakasuot ito ng golf uniform at hawak naman ng P.A. nito ang golf club.   Ito na ang sasalang sa pictorial.   "Si Yvette yan, canadian model, buti nga at napagbigyan nya tayo. Loyal na sponsor ng CBE ang Pastime Gear kaya lahat ng tulong na pwede nating gawin para sa kanila ay ibibigay natin..", pagbibigay information ni sir Bobby.   Bigla nalang syang sumulpot sa tabi ko.   "Akala ko kung sinong artista na ang kumakausap sa akin, ikaw lang pala sir..", biro ko sa kanya.   Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya.   "Ayos yon ah, so kamusta? Still okay?", nakangiting tanong nya sa akin.   "Okay lang po sir Bobby, nakaka enjoy naman po pala sa ganitong event."   "Buti nga ay napapayag kita, kailangan ko kasi talaga ng man power sa ganitong wala nga si ate Rita. Nakisabay pa ang magaling kong asawa, umalis alis, yayo din tuloy ako ngayon ng anak ko at isa pa sila sa iniisip isip ko.", tatawa tawang sabi pa niya.   Nakita ko nga kanina na kunsumido sya sa set.   Kasama pala nya ang three years old niyang anak at ang yaya ng bata.   "Nakita ko nga po yung anak nyo sa dressing room, ang cute cute po nya."   "Syempre, mana na sa daddy..", proud na sabi niya.   "Sir gusto nyo po ng sandwich?!",   Sabay abot ko ng tinapay sa kanya.   Tumulong na din kasi akong magpamigay ng snack after kong mag assist sa mga need ni Jin sa dressing room.   Kinuha ni sir Bobby ang tinapay tapos ay nagpaalam na din sya.   "Alam mo yang si sir Bob, kung wala yang asawa at anak pinatulan ko na talaga yan, kahit pa mas matanda ako sa kanya...",sabi ni Ms. Cha.   Nasa gawing likuran ko na pala sya.   "Type mo te?, kaya pala ang lagkit ng mga tingin mo sa kanya eh..", pagsakay ko sa sinabi niya.   "Yun nga, kaso hindi naman nya ko napapansin." tapos nag sad face pa sya.   "Baka faithful lang talaga sya sa wife nya. Syempre siguradong may someone diyan na para sayo talaga..", pagbibigay pag asa ko sa kanya.   "Talaga? Tingin mo? May kuya ka ba?", joke pa niya.   "Wala te, pero sure ako na makakahanap ka, mag ayos ayos ka lang ng konti at mas bu-bloom ang beauty mo.."   "Oo nga eh, beautician pa naman ako pero hindi ko maasikasong ayusan ang sarili ko. Nakakatamad kasi, at nasanay na ako na magagandang mukha ang inaayusan ko..", tatawa tawang sabi niya sa akin.   Pinag masdan ko sya.   Charming naman talaga sya.   Hindi lang talaga sya masyadong nag aayos kaya hindi lumalabas ang beauty nya.   Lagi din syang naka smile at madaling makagaanan ng loob.   Naalala kong tawag nila kay ate Cha ay babaeng bakla.   Kakaiba kasi sya pag nagsalita.   Nakakatuwa.   Naisip ko tuloy si Ruffa Mae Quinto sa kanya.   Yung gumanap na Booba.   "Buti ka pa, lagi kang maayos sa sarili mo..", maya maya ay inggit na sabi niya.   "Ah hindi naman po, nahahawa lang din ako sa mama ko kasi maayos sya sa sarili, kung gusto mo ate aayusan kita mamaya pag hindi ka na busy."   "Totoo ba? Marunong ka ba?"   "Konti lang po, pero syempre wala naman akong binatbat compare sa talent mo."   "Asus, o sige nga, type ko yan.", masayang sabi niya.   "Erika, Erika!",   Tawag niya sa girl na dumaan sa harap namin.   Si Erika ay isa sa PR team na naka under kay Ms.Pinky, yung crossdresser.   Nandito din sila para mag assist.   "Mamaya magpa beauty tayo. Try natin yung galing nitong si Maki..", masayang inform pa nya.   "Ayoko, kayo na lang.", sabi ni Erika sabay alis na agad.   "Ay ang taray ah!", bulalas ni ms. Cha   Bakit I had this feeling na yung idea na makakasama nya ko ang talagang nirereject nya?   Una pa lang ay napansin ko na parang hindi talaga ako type ni Erika.   Kasi lalapit palang ako sa kanila ay lumalayo na sya.   Like din kanina na pareho kaming maagang pumasok.   Tutulungan ko sana sya sa mga gagawin nya pero parang nagalit pa sya sa akin.   Naisip ko tuloy kung may nasabi ba ako o nagawang ikakainis niya.   Wala kasi akong idea.   "Naku pasensya ka na don, bad mood na naman, baka meron sya ngayon..", tinapik tapik ni ms. Cha ang likod ko.   Nasundan ko na lang si Erika ng tingin.   Kala ko pa naman ay kami ang magkakasundo dahil sya ang may pinaka malapit na edad sa akin.   Pero parang hindi yon mangyayari.   "Lika girl, bumalik muna tayo sa dressing room..", yaya pa ni Ms. Cha sa akin.   Tumango lang ako.   Pag dating namin don.   Natanawan ko agad si Jin.   Nakasuot sya ng tennis uniform at ang buhok ay naka patayo.   Sa spiky ng hair nya ay siguradong patay ang babagsak na butiki.   Kanina nagsuot na rin sya ng iba pang sports uniform at gears.   Tinignan ko ulit sya.   Tatawa tawa pa sya habang nilalaro yung bata na ngayon ay buhat nga ni sir Bobby.   Ang name ni baby ay Roberto Jr.   Rob ang nickname nya.   "Anak, look... papalapit yung magaganda, see.. Hello mga tita.", pag be-baby talk ni sir Bobby na nakatingin sa amin.   "Ang cute cute ng binatang maliit na yan, manang mana sa daddy at sa ninong Jin.", sabi ni Ms. Cha.   Sabay kiss sa braso nito.   "Baby Rob, you want to see a cute turtle?," narinig kong sabi ni Jin bago pa ako makapagsalita.   Nag baby talk pa sya at pilit na pinapatawa yung bata.   "Hi baby! Ang cute cute mo naman, I hope na hindi ka maging bully pag laki mo ha. Hindi katulad ng ibang kakilala ko diyan.", parinig ko naman.   Hinalik halikan ko yung bata sa pisngi.   Ang bango bango nya.   Nakakagigil yung pisngi nya.   Ang taba at ang pula pula kasi.   "Oops, no fighting! Mamaya nyan magaya sa inyong dalawa itong junior ko", natatawang saway ni sir Bobby.   "Jin standby, sunod ka na ulit.", sabi ng isang staff.   "Halika dito Jin, retouch natin ng konti yung hair mo.", niyaya ni ms. Cha si Jin sa harap ng salamin.   Ako naman nagkaroon ng chance makarga si baby Rob.   Ang bigat bigat naman pala niya nasosobrahan yata sa pagdede.   Nilaro laro ko sya.   Ang cute talaga!   "Maki, iwanan mo muna si baby sa yaya nya, lika at samahan mo ko manood sa labas.", sabi ni ms.cha na nasa pintuan na pala.   Hindi ko napansin na lumabas na din pala ng room sila Jin.   "Baby, babalik ako ha.", pinasa ko na yung bata sa yaya nya tapos sumunod na ko kay ms. Cha.   Naabutan ko na nasa harap na ng camera si Jin at nagsisimula na syang mag pose.   Nakita ko naman si Ms. Cha na kumakaway sa akin at inaaya ako.   Nasa likod sya ng photo producer at mga photo editor yata yung mga yon.   O basta...   Pinapanuod nya yung monitor ng computer na automatic na nagpa-flash don yung mga shots.   "Tinitignan ko talaga yung mga unang shots bawat make up ko kaya dito talaga ako nakapwesto. Yung blending kasi ng make up sa spotlight dapat tama lang, baka mamaya makapal pala or masyadong light atleast pwede ko pang i-retouch.", discuss niya sa akin nung makalapit ako.   "Perfect naman kay Jin ang make up mo te, parang natural na natural lang.", comment ko.   Nanunuod din ako ng pictorial.   "Di ko naman sya nilalagyan ng masyadong make up at natural na syang gwapo. Iniiwasan ko lang na may shiny face sya sa mga pictures, kahit sabi nadadaan sa edit yon."   Napatitig tuloy ako kay Jin habang apura ang click ng shutter at flash ng camera sa bawat pose nya.   Bakit ba nakaka enjoy syang panoorin?   Parang ang sarap sa mata na makitang sanay na sanay na sya sa mga pictorial.   Hindi na sya nahihiya kahit madaming tao ang mga nakamasid sa kanya.   Effortless at natural na natural lang.   "Wala akong kahirap hirap sa pag aayos diyan kay Jin, kasi kahit anong gawin ko sa kanya ay bumabagay naman. Kaya minsan boring na, gusto ko naman kako mag try ng hihirapin ako. Masarap din kasi mag ayos ng mag tatlong patong na ng foundation ay hindi pa din umayos ayos ang pagmumukha! Kaya pag napaganda mo yung ganun para ka ng nakagawa ng masterpiece!", dirediretsong kwento pa ni Ms. Cha.   "Ang gwapo noh?, naku nung una kong hawakan ang mukha nyan 17 sya non. Assistant palang ako, napatitig talaga ako kasi mahilig ako sa mga baby face."   "Huy Maki! Nakikinig ka pa ba sa akin?", interrupt niya sa panood ko.   "O-o0 naman te."   "Natulala ka na kasi diyan! ikaw ha! baka mamaya nyan may pagnanasa ka na pala kay Jin."   "Ikaw talaga te, showbiz ka ha. Para natingin lang may pagnanasa na agad?"   "Eh naku, para-paraan lang kasi yan. Daming na li-link diyan,wag ka ng dumagdag ha.", sabi nya.   Napasayaw pa sya nung tumugtog yung isang sikat na kanta.   Natatawa akong pinagmasdan sya.   "Good shots! Last set na lang Jin with Katie.", anang photograper maya maya.   Tapos ayon nga at resume ulit ang picture picture.   This time naman may kasama si Jin na girl model.   May hawak silang tennis ball at racket na mino-model nila.   Alright...   They really look good together.   Kasi ang ganda rin ni girl kaya match lang talaga sila.   "Yes! Okay! Great! Closer! Closer!", sigaw ng photograper.   Then...   ayon nga...   Hanggang sa sumigaw na sila ng "pack up everybody! Good job! and etc."   "Eto na yung damit mo, pinalitan ko na lang yung shirt kasi naka color red ka na kahapon.", abot ko sa pamalit damit ni Jin nung nasa dressing room na kami.   Kinuha niya yung damit.   At don na mismo sya nagpalit ng pang itaas.   Iniwas ko na lang ang tingin ko.   Nasanay na rin ako na ganito nga ang set up namin.   Lagi naman kasi niyang solo ang dressing room kaya wala namang ibang makakakita.   Tsaka hello lalaki naman sya.   "Cellphone mo oh, tawagan mo daw agad si Katie."   Nagtatakang kinuha niya ang cellphone nya.   "Si Katie, in case na nakalimutan mo, sya yung model na kasama mo kanina, hinarang nya ko at pina phonebook yung number nya.", explanation ko na din sa kanya.   "Ah..", sabi lang nya.   Tapos mabilis syang nagtext ng something.   Ibinalik nya din yon agad sa akin.   "Ha? Teka! Sayo muna to, mamaya nyan kukunin mo naman agad eh.", reklamo ko.   Syempre dinedma lang nya ko.   Nasundan ko lang sya ng tingin nung lunayo sya.   Nakita kong lumapit sya kay ms. Cha na kakapasok lang ng room.   Nag vibrate na naman ang cellphone nya.   Di ko alam na na open ko pala.   TEXT NYA:   Zup? Catch u later. Jin   REPLY SA KANYA:   Sure. Call me okay?   Naka auto reply siguro si Katie.   Ang bilis sumagot eh.   Ayos pala ang mga celebrity.   Magkasama lang ng konti nagkaka-catch catch na agad.   "May nag-reply na sayo, itago mo muna kasi to. Cellphone mo lang, hindi mo pa maibulsa.", pilit kong inabot sa kanya ang cellphone nya.   "See, like what I told you ate Cha, humahaba talaga ang nguso nito eh.."   Kinuha na rin nya sa akin ang cellphone nya.   "Baka natural na ni Maki yan, asset yan! Pouty lips!", sakay na biro ni ms. Cha.   Mukhang napag uusapan nila ako ng di ko alam.   "Bakit nasali naman yung nguso ko sa usapan nyo? Dati noo ko lang?"   "Ah nako, etong si Jin, sabi nya nakita ka daw nya na humahaba ang nguso mo kanina habang nasa pictorial sya. Eh sabi ko, nagagalingan ka lang sa kanya.", explanation ni ms. Cha.   "Iba ka pala pagnagagalingan ka?", sabi naman ni Jin na may pagdududa.   "Nagalingan naman ako sayo, kaso ang sabi ko kay ms.Cha, may mga posing ka na para kang tinatamad. Like yung pag gumaganito ka, tapos pag posing mo ay ganon... tapos ganito. Minsan walang kalatoy latoy!"   Nag sample pa ko ng ilang ginagawa nya kanina na nag paaliw sa kanilang dalawa.   Natawa talaga sila.   Eh bakit?   Di naman ako nagjo-joke!   Ganun ba ka kengkoy yung ginagawa ko?   "Hindi ba pwedeng mas masigla ng konti? yung ganun lang, at F.Y.i, hindi naman humahaba yung nguso ko kanina ah..",   "Where's Jin?", anang malaki pero may kalambutang boses na bumungad sa pinto ng bumukas iyon.   Napalingon kami dito kaya naputol ang usapan namin.   "Oh there you are!", sabi pa nitong lumakad papunta kay Jin na hindi nawawala ang ngiti sa labi.   Kasama nitong pumasok si sir Bobby at yung photographer kanina na ngayon ay may dalang laptop.   "Sir Doug..", nakangiting sabi ni Jin na nakipag kamay dito.   "Sya ang photo producer..Half half yan..", bulong sa akin ni ms. Cha nung gumilid kami ng konti.   "Ah, half ano sya te? mukha namang taga dito lang...", ganting bulong ko.   "Nako loka! I mean, half pilipino, half pilipina! closet queen ang bruha!", paglilinaw niya.   Dun ko palang na gets.   Kaya naman pala may pa akap akap at patapik tapik pa ito kay Jin.   Mukha lang boylet dahil sa appearance pero pagtinignan ang anino...   Nakapamewang na nga!   Nakasuot pa ng korona! hoho.   "You know what guys!? In all my days I have NEVER seen a camera get worked like that.", intro nito na lahat kami ay nakikinig.   "Dati palang sabi ko na kay Bobby, this kid "Jin" was electric! He was fierce and engaged. He had the eye contact, the hip thrusts... it was poetry in motion."   "Beautiful! Just beautiful! All your photos are good to go! You love the camera so the camera loves you back! Keep it up man!", tapos ay yumakap na naman ito kay Jin at tumapik tapik sa likod.   Napatingin ako kay ms. Cha na disgusted na sumenyas.   Natatawa man ako pero sinarili ko na lang.   Tapos nag talk talk pa sila ng konti.   Kami naman ni ms. Cha naki join kay Jason, yung photographer.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD