Chapter 12

1646 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 12   MAKI - Point Of View   Amusement is written all over his face. Ewan ko kung para saan.   Baka dahil nahuli nya kong iiling iling at naisip nya na maluwag na paper clip sa ulo ko?   O dahil nakita nyang ina-amoy amoy ko yung gamit nya. Tumikhim sya ulit bago magsalita. Siguro na distract sya sa nakita nya kanina. Kaya pansamantalang nakalimutan din nya yung mga sasabihin pa nya.   Ako naman.   Inayos ko agad yung pagkakahawak ko sa damit nya.   "Let me clarify some important things to you..."   "The truth is... I don't want you here. O kahit sino pang trainee. So, be grateful to Ms. V dahil napilit lang nya ko na pumayag sa gusto nyang mangyari."   "But it doesn't mean na ito-tolerate ko lahat ng pagkakamali mo. One wrong move and you'll be out."   "At isa pa..."   "Dapat masanay ka na sa mukha ko. Para next time... Everytime na makikita mo ko, you're not going to stare at me like you just saw a saint. Hindi pa kita fan ng lagay na yan, pano kung fan pa kita?"   ["Dapat masanay ka na sa mukha ko, para next time, everytime na makikita mo ko, you're not going to stare at me like you just saw a saint. Hindi pa kita fan ng lagay na yan, pano kung fan pa kita?"]   ["Dapat masanay ka na sa mukha ko, para next time, everytime na makikita mo ko, you're not going to stare at me like you just saw a saint. Hindi pa kita fan ng lagay na yan, pano kung fan pa kita?"] Ah!   Hindi typograpical error o nasobrahan sa copy paste ang nababasa nyo.   Sinadya talaga yan kaya paulit ulit.   Pano nga...   Matagal ng wala sa harap ko yang si Jin ay hindi pa rin ako nakaka move on sa mga sinabi nya.   Katunayan ay...   Naiwan pa nga din akong nakatayo sa dati kong pwesto kanina.   Asar!   Ang yabang!   Hindi man lang ako nakaresbak.   Pano nga...   He said too much!   Uminit tuloy agad yung buong mukha ko sa pagkapahiya.   He's so mean!   Kala naman nya ay gusto ko rin dito sa kanila?   Wala lang talaga akong choice di ba?   Ang sama nya!   Sa inis ko.   Itatapon ko sana sa floor yung jacket nya. Ipanglalampaso ko talaga! Makaganti lang! Kaso may mga kamay na pumigil sa akin. Muntik na ko mapasigaw ng malakas sa gulat!   "Ay kabayo!"   "Miss, akin na yang jacket. Sa akin dapat nya yan ibibigay..", sabay kuha niya sa damit.   "Ate Rita right?!",   Nakapasok na pala sya sa kwarto ay hindi ko pa namamalayan.   Masyado kasi akong occupied.   "Ako nga po iyun."   "Ate sasusunod wag mo ko gugulatin ha. Kasi baka hindi na ko tumanda, mamatay na akong bata..", biro ko sa kanya.   Natawa sya.   Yung pagak pa nga.   Yung parang may plema.   Haha!   "Sus etu naman. Kanina ko pa kasi henahanap etung jacket. Sa aken nya dapat etu ibibegay, baka napagkamalan nyang ako ikaw. Hindi naman kasi tayo nagkakalayo ng itsura..", masayang sabi pa nya.   Ako naman...   Napataas talaga ang kilay ko.   Joke ba yon?   Abay hiyang hiya naman ako sa beauty ni ate Rita kung kahawig ko talaga sya.   "Naku ate Rita, mas pretty ka..", pagsakay ko sa sinabi nya.   "Really, thank you. i like you gerl!", kinilig na sabi nya.   Hinampas hampas pa nya ko sa balikat.   Gosh!   Ang bigat ng kamay!   Wow...   Feeling close na nga.   Talagang kailangan may sakitan pa?   Ilang moment ko ding nakakwentuhan si ate Rita.   Masaya syang kausap.   In-orient na rin nya ako regarding sa mga bagay n dapat kong malaman sa pagiging P.A.   Kasi last day na pala nya ngayon.   Nakwento din nya na ikakasal na sya.   Sa half canadian nyang fiance kaya magbabakasyon muna sya.   At masaya pa syang ipinakita ang picture nila.   Ang pogi ng bf nya.   Edi wow!   Si ate Rita na ang may forever!   Nung day na yon.   Hindi na ako naharap pa ni Sir Bobby dahil busy na sya. Tuktok din ni Jin ay hindi ko na natanawan pa. Tapos di ko na rin nakita pa ulit si Vincent. Yung taong tumulong sa akin nung umaga.   -end of flashback-   "Oh tapos!?", bitin na sabi ni Marga.   "Edi tapos na.., andami ko ng nakwento. ang init na ng tenga ko, bye na muna..", reklamo ko sa kanya.   Pati ang wireless phone namin ay gusto ng sumuko sa pakikipagtelebabad ko.   "Okay sige, basta mapapayo ko lang sayo. Kung gusto mo munang tumahimik ang buhay SJT mo, wag ka munang magkwento sa kambal.."   "Pano yon? Imposible namang hindi nila malaman diba?"   "Kaya nga hindi muna. Pero pwede mo naman i-kwento na sa CBE ka natanggap pero wag mo muna banggitin yung name ni Jin. Ganun! Naku alam mo naman yung dalawa na yon."   "Yun nga! Pero sasabihin ko din naman sa kanila.."   "Si Bambi ba nagtext na sayo?!"   "Hindi pa, baka may topak pa din at di pa nakaka get over dun sa souvenir..."   Nag kwentuhan pa kami ng konti.   Tapos ay goodbye na.   *****   First day ko sa Country's Best Entertainment Network Center.   Isa sa pinaka malaking network studio sa bansa, 8am to 5pm lang ang training hours ko dito. Nung dumating ako sa office ni tita Virgie ay nadatnan ko sya don. Madalang din kasi kaming magkita. Nung matanawan nga nya ko ay haping happy sya.   Si tita Virgie ay single pa din, hindi na daw sya nag bf after ng break up niya kay Mr. Rocafort dati.   Ka- age sya ni Mama.   Matangkad lang sya at mas skinny ang katawan. Tapos lagi syang naka ponytail. Very neat tignan. Sinabihan nya ko na mag enjoy sa SJT ko. Sumunod daw ako sa mga rules and regulations. Marami daw nagkalat na mga celebrities. Pwede daw humanga pero wag yung garapalan. Madami daw nagkaka problema sa ganon.   Ang luwang ng CBE building.   May eight studios daw ito.   Kabilang na din yung nasa compound.   Ang buong staff na kanyang handle ay nasa 5th floor ng building ng studio 4. Si tita Virgie mismo ang nag tour sa akin. Una naming pinuntahan ay ang mga offices. May mga tao syang ipinakilala sa akin. Mostly daw ay makakasama ko sa mga lakad ni Jin o sa office hours. Ilan lang sa mga taong natandaan ko ay si Ms. Cha. Sexy sya at laging naka smile. Sya ang make up artist ni Jin at ng iba pang celebrities. Tapos yung crossdresser nga kahapon.   Ang name nya ay Peter.   Pero Pinky ang tawag sa kanya ng lahat.   Sya ay publicist.   O yung tinatawag nilang PR or Public Relation Officer.   Essential ang crew ni Ms. Pinky.   Sila kasi ang taga promote ng good and taga hide ng bad things ng isang celebrity.   Sila ang nagpu-put out ng fire.   Turning a story to nonStory.   Responsible din sila sa mga interview request, book media and event appearances.   But ofcourse by approval pa yon ng talent and managers.   Madami pang nabanggit na names.   Pero hindi ko pa talaga yon matatandaan sa ngayon.   Ayon...   Nag libot libot pa kami.   Next na pinuntahan namin ay ang recording studio.   Dance studio.   Music room.   And etcetera.   Later on ko na nalaman yung tungkol sa convenience store and coffee shop services sa ibaba.   Nung makatapos kami ay pinagpahinga muna ako ni tita Virgie.   Naki standby muna ko sa rest area ni Jin.   Dito sya naglalagi para magpahinga after ng mga shows nya.   Sa loob din ng ng room na to makikita ang dressing room or ang wardrobe nya.   Naisipan kong buklatin yung schedule list na bigay sa akin ni sir Bobby.   Sabi dito.   Buong morning ay nasa dance studio si Jin.   Syempre nagpa-practice sya ng dance nya.   Alangan namang tumanga lang sya don.   Sayang naman yung binabayad sa kanya di ba?   Naalala ko tuloy kanina.   Sumilip kami don ni Tita Virgie.   Nagpapractice sila ng mga kasama nya.   Nung makita ng lahat si tita Virgie ay nagsi batian sila.   Tapos sya lang yung deadma.   Basta punas punas lang sya ng pawis nya.   "Ang oa talagang gumanap non..", bulong ko sa sarili ko.   Masyado nyang pina pangatawanan ang pagiging suplado.   Nako hano!   Napatingin ako sa wall clock.   It's almost time.   Nagdecide ako na bumalik na sa dance studio.   After practice daw kasi ay pwede ng i-orient si Jin sa mga schedules nya.   Ayon...   Naglakad na nga ako.   Dala ko pa nga ang favorite na towel nya.   Ang arte nya!   Para syang isang mahal na prinsipe!   Well...   Bilin din kasi ni ate Rita ito.   Sure na hahanapin daw nya to panigurado.   Pagdating ko sa studio.   Timing na naglalabasan na yung mga dancer.   Syempre..   Hinintay ko nalang si Jin na lumabas.   Alangan namang pasukin ko pa sya don?   So special naman nya di ba?   Kaya lang...   Madaming minuto na ang nakakalipas.   Wala pa kahit ang anino niya.   No choice na pinuntahan ko na sya.   Sumilip ako ng dahan dahan.   Try ko lang.   Inilawit ko yung ulo ko sa gawing pintuan.   "Bakit ang tagal mo?!"   Nag echo ang boses niya sa buong studio.   "Ay ang tagal ko!"   Sa gulat ko...   Naulit ko pa yung sinabi nya.   Nakita ko na nakaupo sya sa isang bench at nakayuko.   May towel sya sa batok nya.   Mukhang pagod na pagod sya.   Nakita kong kumaway kaway sya.   Parang pinapalapit nya ako.   Syempre lumapit naman ako.   Paglapit ko...   Isinahod nya agad yung kamay nya.   Nagtataka man ay automatic na inabot ko yung towel na favorite nya.   Eh wala naman kasi akong ibang dala.   Yung towel lang at ang schedule nya.   Kinuha nya agad yung towel at nagpunas sya ng mukha at leeg nya.   Tapos walang pasabi na tumayo na sya at lumabas.   Sumunod naman ako.   Follow the leader leader leader, follow the leader!   Hala!   Umamin ka!   Napakanta ka pa noh? hoho.   Anyway...   ayon nga...   Lakad lakad lang kami.   Nag alala ako nung papunta na yata kami sa parking area.   Syempre nagtataka ko.   Kaya kahit mukhang wala sya sa mood.   Nagtanong na talaga ko.   Itutuloy..      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD