Chapter 9

1256 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 9   MAKI - Point Of View   Lumipas lang ang ilang oras. Eto at nasa parking na kami ng CBE.   One and a half hours din ang travel interval nito buhat sa bahay namin.  Kaya timing lang din ang dating namin. I yawn many times. Nagluluha na tuloy ang mga mata ko. Para din kasing may mga buhangin sa loob nito. Dala siguro ng lack of sleep.   "Be smart, and just text me if you're done. Sa may botique lang muna ako, okay?!" Paalala pa ni mama bago ako makalabas ng sasakyan.   Tumango lang ako.   Then naglakad na ko papunta sa main building. Bago ako tuluyang pumasok. Sinipat ko pa ulit ang pagmumukha ko sa car window na nadaanan ko. Inayos ko yung bangs ko at bago pa ko mainis sa nakikita ko sa reflection ko ay umalis na agad ako. Naglalakihan kasi ang mga eyebags ko.   Juice ko!   Tapos I head towards the main entrance.   May mga ilang tao rin doon.   "Goodmorning po ma'am, may appointment po kayo?!", nakangiting bati agad nung guard sa akin.   "Goodmorning po. Yes po."   "Kanino po ma'am?!"   Ah teka...   Kanino na nga?   Patay!   Na blangko ako!   Hindi ko matandaan!   Half asleep pa ata ako kanina nung ino-orient ako ni mama.   "Sandali lang po ha..." Binuksan ko ang bag ko.   Hinanap ko agad ang cellphone ko para ma-contact ko si mama. Tapos bigla kong naalala na empty nga pala ang battery nito. Biglang nag init yung punong tenga ko.   Oh no!   Wag naman sana akong magka problema.   "Manong guard, actually I'm from St. Brigette College, naka apply kasi ako na Sjt dito sa CBE. May interview ako ngayon..." Confident na paliwanag ko.   "Sino po yung nagpapunta sa inyo na magi-interview ma'am? Ang alam ko po ay hindi na tumatanggap ng Ojt at Sjt dito,.." Mausisang tanong pa nito.   "Ah, hindi ko po natandaan yung name ng assistant ni tita Virgie pero may kasama po ako na kakilala yung mag iinterview."   Asar!   Ano na nga ang family name ni tita Virgie?   Hindi ko din alam kung anong surname ang gamit nya ngayon o kung nakasal na ba sya. Dahil hindi sila nagkatuluyan ni Mr. Rocafort, malamang na hindi yon ang surname nya ngayon.   Ngayon ako nagsisisi.   Bakit hindi ako nakikinig sa ibang mga kwento at chismis ni Mama dati. "Okay po ma'am, patingin na lang po ng school ID..." Asar naman si manong guard dahil kung anu ano pa ang hinahanap.   And yes...   Wala akong dalang school ID.   Dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko na nagawa pang kuhanin yon sa school bag ko.   Nakakainis!   Lagi kong dala ang ID na yon. In case of emergency nga kako.   So why now? Kailangan ko yon pero wala! "I'm sorry po pero wala po akong dalang ID ngayon. Pero 100% naman po na college student ako. May kasama naman po ako na may kakilala dito." Nagbaka sakali pa din ako.   Hindi naman ganong mainit.   Pero pinagpapawisan talaga ako. Lalo at napatitig pa sa akin si manong guard.   Don't tell me...   Pinag hihinalaan nya ko. Tingin siguro nya ay nagsisinungaling lang ako.   Oo na!   Hindi ako prepared!   Pero papasukin nyo ko!   Yon ang himutok ng isip ko.   "Papapasukin nyo na po ba ako sir?"   "Mabuti pa ma'am hintayin na lang natin ang kasama ninyo..."   "Ha? Po? Male-late na po kasi ako sa interview..." Apila ko pa.   "Miss, matagal ka pa ba!?" Nakataas ang kilay na tanong ng kasunod ko sa pila. Waiting din kasi sya para macheck ni manong guard at makapasok na. Lumayo muna ako ng konti at nag isip. Naipadyak ko pa ang paa ko sa inis.  "Hay nako! Maki naman! Bakit ba lagi ka nalang minamalas ngayon?!" Inis na kausap ko sa sarili ko.   Wala pa namang waiting area sa paligid. Maglalabasan na talaga mga varicous veins ko nito eh. Naka high heels pa naman ako. Kailangan kong makaisip agad ng paraan! "Oh ma'am, may kailangan pa po kayo?", takang tanong ng guard nung lumapit na naman ako.   "Manong bakit ayaw mo pa kasi akong papasukin eh..." Kakapilit ko kay manong habang working sya ay nakaisip nga ako ng isang kalokohan.   Simple lang naman.   Step 1.   Mag abang ng isang tao na dadaan sa entrance.   Step 2.   Be sure na yung taong yon ay papayag na magpanggap na kasama nya ako. Syempre,  dapat yung tao na yon ay mukhang may access sa lugar para madali kaming makakapasok.   Step 3.   Pagbubutihan ko ang acting. Para hindi maghinala sa akin si manong guard na lying lang ako. Napangiti ako sa naisip ko. "Pero it's easier said than done! Naman eh!" Inis na kontra ng isang parte ng isipan ko.   Hindi ako manloloko!   Ayaw kong makapanakit ng kapwa ko para lang sa sariling kapakanan ko.   That so trueeee!!!   Nanghina tuloy bigla ang loob ko. Nasa ganon akong pag iisip nung biglang may natanawan ako.   Isang lalaki. Na sa unang tingin ko pa lang ay mukhang sya na ang sagot sa mga problema ko. "Sya na yata ang hinihintay mo Maki...!" Kausap ko sa sarili ko. Mukhang dininig na langit ang hiling ko sa step 1.   Matangkad ang lalaki.   Hindi ko masyadong maaninag ang face nya dahil naka eyeglasses sya. Pero nakasuot sya ng black coat, White na panloob at maong pants. Basta mukha syang kagalang galang. Which is super pasok sa step 2. Mukhang may access sya sa lugar. Ang hindi ko lang sure ay kung makiki-ride sya sa kagagahan ko.   "Gawin mo na Maki!", sabi ko sa sarili ko.   "Okay! Kayang kaya ko to!" Pinalakas ko pa ang loob ko.   Asar!   Kala ko pa naman ay ayaw kong manloko ng tao.   Pero iba naman to.   Lies with purpose.   Mag mo-move forward na sana ako pero naisip ko na baka hindi ko kaya!  "Baka mamatay ako sa kahihiyan pag itinanggi nya ko!"   Napasulyap ako ulit dito. Papalapit na sya sa gawi ni manong guard. "It's now or never Maki! Bahala ka! Nakasalalay dito ang SJT mo! Konting acting lang yan!"   Ayon...   Para lang akong timang na kausap ang sarili ko.   Bahala na!   And then...   Lakas loob na nga akong nag acting.   "Ang tagal mo naman dumating, kanina pa ko naghihintay dito. Pano si manong guard ayaw akong papasukin..." Pilit kong tinitigan yung lalaki.   Kitang kita ko sa mukha nya yung pagtataka nya. Parang nabigla pa nga sya at napakunot ang noo niya. "Ah! Di ba may interview nga kasi ako para sa SJT namin ngayon...", nagsalita ulit ako.   Baka kasi agad nya kong ibuko. "Makuha ka sa tingin please!" Piping dalangin ko.   Nung matingin sya sa akin ay nginitian ko sya.   Basta!   Kung hindi sya manhid ay alam na nya ang ibig kong sabihin...   Nagpapatulong ako!   Nakita ko na amazed na amazed sya.   Tapos ay medyo napa ngiti pa.   Okay.   At mukhang naka unawa naman sya.   "Sir, kasama nyo po sya?!" Confirm ni manong guard.   Yung moment na...   Parang gusto kong mambatok ng gwardya!   Eto yon!   Nahigit ko ang paghinga ko.   Naghintay ako ng sagot nung lalaki.   "Yeah! She's with me."   Bahagya pa nyang itinaas ang salamin nya sa mata. Parang ayaw din nya yung pagsisinungaling nya.   Diyos ko Lord!   Thank you!   Nakahinga ako ng maluwag.   He's an angel!   "Passes nalang po sir."   May pinakitang card yung lalaki at pinapasok na kami.   Sumunod ako sa kanya.   Wow!   Kahit naka 4 inches heels ako.   Winner ang height ng lalaking to.   At ang shoulder!   Winner din.   Pilit akong umagapay sa paglalakad nya.   Syempre I'm so happy and relieved!   "Thank you ha kasi tinulungan mo ako."   "It's okay." Huminto sya para harapin ako.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD