On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 99 "O sige, sabi mo yan ha. Basta wag mong jojowain si Sir Vincent at yari ka sa aken!", inambaan pa ko nito na parang maton. Nagkatawanan kaming lahat. "Lumipat na daw muna tayo sa studio 3 at may meeting para sa team building bukas.", nakangiting silip ni Nanay Gina. "Okay, thank you thunderbird! Blow out namin ha.", kindat dito ni Mama Pinky. "Oo na, baklita!", sagot naman nito sa kanya. Nakakatuwa lang din kasi para na nga kaming isang pamilya dito. Imagine, head nila si Mama Pinky pero hindi nila ginagalang! Mga lapastangan! haha Na move nga pala ang mga schedules, pinabago lahat ni Ms. Tanya. Mula sa team building na dapat ay next week ay gaganapin na nga agad bukas. Matagal na rin naman ka

