On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 96 "Asar! Tignan nyo naman to!", bwisit na sabi ni Cham habang nilalapag ang netbook na hawak sa table na malapit sa amin. Nag ngingitngit ito pero hindi masyadong maibuka ang bibig dahil nga sa treatment na nakalagay sa mukha nya. Naki usyoso si Marga na natapos ko na ring lagyan ng facial mask. Ngayon nga ay si Bambi naman ang kasalukuyan kong ina-applyan ng Dead Sea Mud Facial Mask. Uwi ito ng Mama ng kambal from Israel. Maganda daw kasi ito dahil very organic, okay na okay para lalong ma-moisturize at malinis ang facial skin. Nasa guest room pa din kami at nagpapaganda ng skin habang nakikinig kami ng kanta ni Jin na syempre ay isinalang ni Bambi kanina. "Maki babes, pwede time out muna?", paki usap ni Bambi habang nakat

