Chapter 1

1675 Words
Chapter 1 CASSIE'S POV Nagising ako sa malamig na hangin na dumapo sa aking balat. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang hindi familiar na silid. Sandali asan ako? Anong nangyari? Napa pikit na lamang ako ng sumakit bahagya ang ulo ko. f**k this hang-over. Pilit ko pa din inaalala ang mga nangyari kong paano naka rating sa silid kong asan ako ngayon. Kumabog ng sobrang bilis ang puso ko sa labis na takot at pangamba ng madama ko ang mainit na kamay na yumakap sa'akin, sa ilalim ng kumot. Doon pumasok sa aking isipan ang mga alaala na nangyari mula kagabi. Mga alala, na nag bibigay kaba at takot sa puso ko. Nanginig kong binalingan ng tingin ang kaliwang bahagi ng kama at doon ko nakita ang lalaking naka dapa at mahimbing na natutulog sa aking tabi. Doon ako nagulantang nang makita na hubo't-hubad siya at mistula lamang naka takip sa aming katawan ang kumot. At ang lalaking katabi ko. Walang iba kundi si Kuya Leo, Ang lalaking boyfriend ng Ate ko. Napa tutop ako sa bibig para pigilan na kumuwala ang hikbi at ingay sa aking labi. Napaka sakit ng aking puso na hindi, ako maka hingga sa sakit dahil sa labis na katangahan ko. Bakit? Bakit binigay ko ang sarili ko sakaniya? Bakit sa maling lalaki pa? Alam kong mahal ko siya. Alam kong may ibang may nag mamay-ari na sakaniya, pero ang tanga-tanga ko pa din. Uminit ang sulok ng aking mga mata at nag babadyang mga luha na gustong kumuwala. Kailangan kong umalis. Hindi ko makakayanan kapag tumagal pa ako dito. Hindi ko alam, kong ano ang sasabihin ko sakaniya kapag nagising na siya. Buong ingat kong inalis ang kaniyang kamay na naka yakap sa aking baywang. Puno ng ingat, ang bawat kilos at galaw ko para hindi ako maka gawa ng ingay at tunog na maari niyang magising. Mabilis akong umalis sa kama, at sinimulang pulutin ang aking mga damit na naroon sa lapag at sinuot iyon ng walang kahirap-hirap. Bago ko lisanin ang silid na iyon. Sa huling pagkakataon, binalingan ko ng tingin si Kuya Leo, na mahimbing pa din natutulog, at sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi. Buong ingat kong binuksan ang main door ng kanilang mansyon, na hindi maka gawa ng inggay o anumang tunog na mapapansin ng kaniyang mga magulang. Inayos ko ang pag kakasabit ng sling bag sa balikat, at laman no'n ang iba pa niyang mga gamit at damit. Labis siyang nababahala at natatakot na mahuli siya ng mga magulang niya. Lingid sa kaalaman ng mga ito, nag sleep over lamang siya sa bahay ng kaibigan ng dalawang araw at 'yon ang paalam niya. Hindi ko akalain na aabot ng apat na araw silang nag-stay ng kaniyang mga kaibigan sa Zambales. Kaya't tiyak kong galit na galit na naman ang kaniyang Daddy. Hindi paman ako nakaka ilang hakbang ng pag lakad. "Saan ka galing Cassandra?!" Matigas at malagong na tinig, na mawalan ako ng dugo sa katawan ng marinig ang nakaka takot na tinig. Hinanap ko ang tinig at kulang na lang manginig ako sa takot nang mag tama ang aming mga mata ni Daddy. Naka tayo lamang siya malapit sa'akin, at nakakatakot ang lag gagawaran niyang pag titig sa'akin. "D-Daddy," iyan na lang ang aking nasambit dahil hindi ko alam kong papaano ako mag papaliwanag sakaniya. Nag lakad siya papunta sa gawi ko, at sa bawat pag yapak ng kaniyang mga paa nag bibigay takot sa aking puso. "Pasensiya na Daddy, hindi ako kaagad sainyo nag sabi, na na-extend ang sleep-over ko, sa bahay ng kaibigan k---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng binigyan niya ako ng isang malakas at malutong na sampal, na kulang na lang tumalsik ako sa lakas nang impact. "Kailan kapa natutong mag sinunggaling sa'amin ha? Sleep-over? Ako ba'y ginagago mo!? Kong hindi pa ako mag tanong-tanong hindi ko pa malalaman na nasa Zambales ka pala!" Dumaongdong ang malakas at nakaka hindik nitong sigaw sa sala. Pakiramdam ko, tinusok ang puso ko sa sakit. Damang-dama ko pa rin ang sakit ng aking pisngi, pero kaya ko naman tiisin ang bagay na iyon. "Kaylan kapa natutong mag sinunggaling sa'amin Cassandra ha?! Hindi kita pinag tapos ng pag aaral, para kumiriking at puro kalandian ang inatupag mo!" Bawat salita na binangit nito, lahat 'yon bumara sa puso at lalamunan ko. Oo aaminin kong kasalanan kong hindi mag paalam sakanila. Pero bakit ganito? Bakit ganito kasakit? "Pasensiya na po D-Daddy," garalgal kong tinig. "Pasensiya na po kong hindi ako kaagad nakapag paalam sainyo. Nag kayayaan lang kami n---" "Ayaw kong marinig pa ang mga paliwanag mo! Kong gusto mo na mag asawa, hindi kita pipigilan Cassandra! Pero gusto kong lumayas ka sa pamamay ko, kong mag bibigay ka lang nang sakit ng ulo sa'akin! Bwisit ka sa buhay ko!" Dinuro niya ako at uminit na ang sulok ng aking mga mata. Umaapoy na ang mga nito sa galit. "Jusko Fernando!" Tarantang sigaw ng Mommy, at mabilis na tumungo sa direksyon namin. "Ano bang nangyayari ha?" "Pag sabihan mo ang malandi mong anak Felicity!" Matalim nitong asik at inis siyang nag martsa paalis. Kasabay ng pag tulo ng luha sa aking mga mata. Bakit gano'n? Bakit gano'n na lang ang tingin niya sa'akin? Ginawa ko naman ang lahat ah? Bakit hindi niya ako magawang mahalin? Bakit anong gawin ko, napaka rumi la din ng trato niya sa'akin? "Anak," malungkot na sambit ni Mommy at lumapit siya sa'akin. Binigyan niya ako ng mahigpit na yakap at doon ako napa hagolhol ng pag iyak. STILL CASSIE'S POV Minulat ko ang aking mga mata at bumunggad ang napaka dilim na silid sa aking kwatro. Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako, nang matapos umiyak kanina. Bumangon na ako sa kama, dahil naka ramdam na ako ng matinding pag kagutom. Nag lakad lamang ako sa pasilyo, at bigla akong natigilan ng makita na naka bukas ang silid ni Ate Clover. Nakita ko siyang naka talikod at naka upo sa kama. Labis akong na gu-guilty kapag naalala ko ang nangyari sa'amin ng boyfriend niya. Pakiramdam ko, napaka sama kong kapatid sakaniya. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong huminggi ng tawad sakaniya. Kailangan kong sabihin sakaniya ang totoo. Kinagat ko ang ibabang labi, at hindi ko na namalayan na hinakbang ko na ang aking mga paa papasok ng kaniyang silid. Hindi ko pa din maiwasan na mamangha sa tuwing nakaka pasok ako sa silid ni Ate. Napaka lawak at mamahalin ng bawat interior at gamit niya sa loob ng kaniyang silid, na mala princess ang itsura na napapanuod ko sa telebisyon. Mas doble ang ganda at laki ng silid nito, kumpara sa'akin. Sa'aming dalawang anak, si Ate Clover ang pinaka paborito ni Daddy. Binibigay nito kaagad ang mga gusto at hiling ni Ate Clover ng walang kahirap-hirap. Condo, mataas na posisyon na trabaho sa kompaniya namin, kotse, pera at kahit na ano-ano. Samantala naman ako? Suntok sa buwan na pag bigyan ni Daddy ng mga bagay na gusto ko. Na kailangan ko pang pilitin. Kailangan ko pang harapin ang galit at pag susungit niya. Kailangan kong patunayan na may silbi ako sa bahay at sa ibang bagay, bago ko makuha ang mga bagay na gusto ko. Lahat ng galaw at kilos ko, lahat bantay sarado ni Daddy. Lahat ng gusto kong puntahan, hihinggi muna ako ng permiso. Ma-late lang ako ng ilang minuto ng pag uwi pinapagalitan niya kaagad ako, na para bang wala na akong silbi a. Bawat kilos at galaw ko, lahat binabantayan niya. Takot din ako na pagalitan at salubongin ang galit ni Daddy. Diba ang saya? Pakiramdam ko tuloy, hindi niya ako anak kong tratuhin. Pero kahit gano'n hindi ako nag karoon ng sama ng loob kay Daddy at kahit na rin kay Ate. Hindi rin ako na-iingit kay Ate Clover, na lahat ng atensyon at pag mamahal ni Daddy nasa kaniya. Kasi naniniwala naman ako na mahal niya din ako ni Daddy. "Ate?" Tinig ko at nakita ko bahagyang pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. Sandali umiiyak ba siya? "May problema ba?" Humarap siya sa'akin at ngumiti ng pilit, na alam kong may nangyari sakaniya. "Wala, ayos lang ako Cassie." Matamlay niyang saad. Simula pa lang nang mga bata pa silang dalawa ni Ate Clover, close na silang mag kapatid na kahit napaka laking agwat ng kanilang edad sa isa't-isa. Napaka bait ng Ate Clover niya, at mahal na mahal siya nito. Wala akong masabi sa ugali ni Ate, napaka bait niya, parating naka ngiti, palaban at higit sa lahat napaka daldal nito. Kay Ate Clover, ko naku-kwento ang mga bagay na hindi ko nai-ku-kwento sa mga magulang ko, gaya ng mga crushes, secrets, embarrassing at unforgettable moments, at gan'on din siya sa'akin. "Rinig kong napagalitan ka ni Daddy, kwento sa'kin ni Yaya Sabel. Ayos ka lang ba Cassie?" Anito at tumango ako. "Ayos lang ako Ate, huwag kanang mag aalala." "Huwag kang mag aalala, at pag sasabihan ko si Daddy hm? Para hindi kana niya pagalitan pa." "Huwag na Ate, at baka lalong magalit lang iyon si Daddy," saad ko at napansin ko ang maliit na karton sa tabi niya. "Sandali, ano iyan Ate? Nag liligpit ka ba?" Anito at napa kurap siya ng mapansin niya siguro na naka titig ako sa karton malapit sakaniya. "Ito ba?" Anito at pinakita niya sa'akin. "Tinitignan ko lang ang mga old photos namin ni Leo. Miss na miss ko na siya Cassie," malungkot nitong saad. "Kong miss mo na siya, puntahan mo na siya Ate o kaya naman tawagan mo si Kuya Leo," suhesyon ko, na kahit napaka sakit para sa'akin na sabihin ang bagay na iyon. "Hindi ko na magagawa ang bagay na iyon Cassie," "Bakit naman Ate?" "Break na kami ni Leo, mahigit dalawang Linggo na." Saad nito at ako'y nagimbal sa kaniyang sinabi. Ano? Break na sila ni Kuya Leo? Bakit hindi ko ito alam? Ibig bang sabihin? Nang may nangyari sa'aming dalawa ni Kuya, Leo wala na sila ng Ate ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD