Xena Unti-unti ng nagbabago ang kulay ng buwan. Naririnig ko ang mga pagsabog sa bayan at ang mga sigawan ng mga mamamayan. Nasa harap ko na ngayon ang librong hinahanap ko. Hawak kamay ko na to pero hindi ko inaasahan ang taong nasa likod ng lahat ng ito. "Gyno.." Mahinang sambit ko. Hindi ko inakalang aabot ang lahat dito. Bakit ba parang ako nanaman ang nagkamali? Estudyante ko ang may pakana ng lahat ng to. Ginamit niya ang librong ginawa ko para sirain ang mundong gusto kong protektahan. "Malaki na ang nagbago Astria." Biglaang sambit ng lalaking kaharap ko. "Dati, tiningala kita. Gusto ko maging witch na katulad mo. Pero hindi na ngayon." "Nahigitan na kita Astria." Itinaas nito ang librong ginawa ko. "Siguro ay mas nararapat na mapunta lang sakin ito. Hindi mo alam kung paa

