Xena Matapos kong magpaalam kay Raze ay mabilis akong pumunta sa gubat na nakapalibot sa bayan ng Gretta. Wala pa rin itong ipinagbago hanggang ngayon. Habang naglalakad ay unti-unti akong naging pamilyar sa nilalakaran ko. Kusang umaalis sa dinaraanan ko ang mga puno upang magbigay daan. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pag-agos ng tubig mula sa ilog. Nang marating ko ang pinanggagalingan ng tunog ay bumungad sa akin ang ilog. I immediately got familiarized with the scenery. Kahit dito ako lumaki sa Gretta ay lagi pa rin akong naninibago kapag nakikita ko ito. Bibihira lang naman kasi ako lumabas dati nung bata pa'ko. And when I go out to see the city, I always meet different kinds and sets of people. Dahil kadalasan, isang siglo na ang lumipas kapag nakalabas na'ko. "Astria...

